Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Dun ko na pagtagpi-tagpi ang mga kakaibang napapansin ko. Ang mga bulong kay mama at ang manikang may nakatarak sa may bandang puso nito. Lahat sila ay parang nagtuturo ng isang direksyon.
Speaker 2Kulam. Tawagin mo na lang akong Maya.
Speaker 1Hindi ako sigurado kung pasok ba to sa horror channel mo, Sir Kira. Pero gusto ko pa rin subukan. Nagsimula ang lahat noong bumalik ako sa probinsya para alagaan si Mama. Sabi kasi ng tita ko na nakatera din malapit sa bahay namin doon. Eh nababaliw na raw si Mama. Wala namang makapagsabi sa akin kung anong nangyari. So nag-decide ako na mag-stay na muna doon para maalagaan ko si Mama.
Speaker 1Hindi ko lang talaga inaasahan ng mga nangyari pa. Matagal na akong sa Maynila nagtatrabaho. Nakakauwi man eh bihirang bihira lang talaga. Dahil mas kailangan ko ng trabaho at business ko. Pero isang araw nga, bigla akong nakareceive ng tawag mula sa pinsan ko.
Speaker 2Lumalala daw ang lagay ni mama.
Speaker 1Wala akong nagawa nun kundi ang umuwi muna pansamantala para makita muna kung ano ang totoong lagay nito. Sabi ng pinsan ko, madalas daw sabihin ng mama ko kay tita na palagi daw itong nakakarinig ng bulong. Napakisuyuan ko si tita nadalhin si mama sa ospital. Nadala naman, pero ang sabi lang daw ng doktor, eh wala naman daw itong problema. Kaya umuwi ako nun at nakita ko nga ang malaking
Speaker 1pagbabago ni mama. Kaya mabilis din akong nag-decide nun na bumalik na muna sa amin Para personal kong maalagaan si mama. Pag uwi ko, sinabi agad ni Beth sa akin ng lahat. Na lagi nga daw may natidinig si mama na mga bumubulong. Hindi daw maintindihan kung ano. Palagi lang may itinuturo sa kawalan si mama. Minsan pangaraw, nakikita nila na nakikipag-usap pa ito sa hangin.
Speaker 2Minsan naman ay umiiyak na lang.
Speaker 1Basta si mama. Kumalat na yun sa mga kapitbahay namin. At ang sabi nila, e baka raw isinumpa si mama. Sabi naman ang iba, e baka daw dala na lang din ang katandaan. Pero sa loob-loob ko, Sir Kira, may kakaiba talaga. Pagdating ko sa bahay, sinalubong ako ni tita ko. Siya yung kapatid ni mama, at siya rin yung nag-aasikaso kay mama simula pa ng magkasakit ito. Siya ang nagdadala
Speaker 1ng pagkain, gamot, at siya din ang palaging kasama ni mama.
Speaker 2Amaya, buti naman at nakauwi ka na.
Speaker 1Sabi niya habang yakap ako, lumalala na talaga ang mama mo. Kailangan mo siyang bantayan ng maigi, dahil hindi na siya katulad ng dati. Nung makita ko si mama, eh halos hindi ko siya nakilala. Ang dating masigla at malakas kong nanay, Ngayon ay payat na payat na at yung mga mata niya ay nanlalalim at nangingitim. Nakaupo siya sa sulok ng kwarto,
Speaker 1nakatingin sa bintana at parabang may kinakausap nga. Ma?
Speaker 2Tawag ko kay mama.
Speaker 1Lumingon siya at sa mga mata niya nakita ko ang takot.
Speaker 2Aya?
Speaker 1Sabi niya nung magkatinginan kami. Agad na tumulo ang luha niya nun, Sir Kira. At lalo akong nahawa sa kanya nung sabihin niya sa akin na may bumubulong daw sa kanya na patayin niya raw ang sarili niya. Na mas magiging payapa daw ako kung mawawala na siya. Niyakap ko agad si Mama. Inanong ko kung sinong bumubulong sa kanya. Umiling lang siya. At ang sabi niya, Eh hindi niya raw alam dahil hindi niya naman daw ito nakikita. Pero
Speaker 1palagi lang daw nandyan sa paligid niya. Kinabukasan, sinubukan kong kausapin si tita tungkol sa sinasabi ni mama. Na may bumubulong nga sa kanya at sinasabihan itong patayin ang sarili niya. Parang hindi naman nagulat si tita. Napapailing pa nga siya bago sumagot. Ganyan na talaga ang mama mo. kung ano-ano ang naririnig. Huwag mo nalang pansinin. Matanda na talaga siya.
Speaker 1Kailangan nalang niya ng pahinga. Nanlumo ako sa narinig ko kasi matagal na pala yun. Hindi man lang nasabi ni tita. Pero hindi na ako nagtanong pa pagkatapos nun kasi naisip ko na baka nga dala nalang din ang katandaan ni mama. Pero habang tumatagal ako sa bahay, Mas lalong lumalalim ang pakiramdam ko na may mali talaga. Dahil tuwing nagpapanik si mama sa mga bulong na natitinig niya, ay palagi lang
Speaker 1nasa loob ng kwarto si tita at nagkukulong.
Speaker 2Medyo nagtakapang ako nun.
Speaker 1Hindi ko kasi alam na may kwarto na din si tita sa bahay namin. Hindi na lang ako nagsalita. Pero ayun na nga, nagkukulong lang siya. Hindi man lang niya silipin si mama. Cada nagpapanik ito sa mga bulong.
Speaker 2Pero hinayaan ko na lang din.
Speaker 1Naisip ko na siguro ipinaubayan na lang din sa akin ni tita ang pagbabantay kay mama. Pero ewan ko ba, Boskira. Ayoko mang pag-isipan ng masama si tita. Eh kakaiba talaga yung ikinikilos nito. Hindi ko pa alam nun kung nagkakataon lang ba. Pero cada magpapanik si mama... Dahil nga sa natidinig niyang mga bulong, eh nasa kwarto lang talaga palagi si tita at nagdarasal. Eh yung pinto ng kwarto namin
Speaker 1sa bahay, eh yung gawa sa maliliit na hiwa-hiwang kawayan na single wall lang. Kaya kahit hindi ko man siya nakikita, ay dinig ko naman yung mga dasal niya. Dasal na hindi ko maintindihan dahil hindi ko alam kung anong lenguahe yung gamit niya. Minsan pa nga, Nakikita ko siyang may dalang mga kakaibang halaman. Sinasabi niya na para daw sa gamot yun ni mama. Pero idedirecho niya yun sa kwarto at maglalak siya ng pinto. Tapos magdarasal ulit. Isang gabi,
Speaker 1paglabas ko ng kwarto. Nakita ko agad si mama sa sala. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya. Hanggang sa may napansin akong kakaiba sa ilalim ng sofang kawayan. Nakita ko sa pagitan ng mga kawaya na yun ang isang maliit na tela. Kala ko nga naipit na damit ni mama. Pero nung kunin ko yun, nakita kong may nakabalot na kung ano doon. Nung buksan ko ito, bumungad sa akin ang isang maliit
Speaker 1na manika. Hindi yun ordinaryong manika. Gawa-gawa lang yun sa tela na mayroong buhok na parang galing sa tao. Kinilabutan ako nung mapansin ko na may balayon ng stapler na nakatusok sa tapat ng puso ng manika. Nanginig ako sa kilabot nun. Bakit may ganito sa bahay? Dun ko na pagtagpi-tagpi ang mga kakaibang napapansin ko. Ang mga bulong kay mama,
Speaker 1ang kakaibang kilos ni tita, at ang manikang may nakatarak sa may bandang puso nito. Lahat sila, It's like it's pointing in one direction.
Speaker 2Kulam. My mom doesn't go crazy anymore. But there's something she's doing.
Speaker 1And I don't want to think that it's just Tita who's thinking about what she can do to my mom. Since I saw Manika, I don't mind. Every word and gesture of Tita pakiramdam ko ay may ibang kahulugan. Naisip ko agad yung kaibigan kong si Ella. Naaalala ko na yung lolo niya nga pala ay isang albularyo. Kaya naisip
Speaker 1ko nun na baka pwede niya ring matulungan si mama. Tumawag agad ako nun sa kanya nang makakita ko ng payphone di kalayuan sa bahay namin. Kinabukasan, inayusan ko agad si mama para makapunta kami sa lolo ni Ella. Nung magtanong si tita, ay sinabi kong dadalhin ko si mama sa ospital.
Speaker 2Inayaan niya lang ako nun.
Speaker 1Nag-tricycle na kami nun para isang sakay lang kami, kahit pa nga isang oras din ang biyahe namin. Pagpasok pa lang namin sa bakuran nila, ay parang alam na agad ng lolo ni Ella kung bakit kami nandoon. Ang bigat daw kasi ng dalakong enerhiya at amoy na amoy daw niya. yung lansa ng itim na ritual na nakakapit daw sa amin ng mama ko. Sinabi agad niya na galing daw yun sa isang taong malapit sa amin. na may matinding
Speaker 1inggit at galit sa puso. Hindi na ako nagulat. Naisip ko na yun nung makita ko palang yung manika na nakabalot sa tela. Ang tita ko lang ang pwedeng gumawa nun kay mama. Habang naghahanda yung albularyo ng mga gagamitin niya, ay panay naman ang dasal ko na sana ay hindi pa huli ang lahat. Nung simulan ng albularyo ang ritual, ay kumuha siya ng pangtawas. Nagtunaw siya ng kandila, pagkatapos
Speaker 1ay ibinuhus siyon sa tubig na nasa palanggana. At ang nabuong imahe sa kandila ay imahe raw ng isang babae. Sa totoo lang po, ay umaasa pa din ako nung mga oras na yon na hindi yun si tita. Pero kasi binigyan ako ng initials nung albularyo. Yun daw yung gumagawa ng sumpa kay mama. At talagang hindi ko akalain na magagawa yun ng sarili niyang kapatid. Sinabi muna sa
Speaker 1akin ng albularyo ang gagawin ko. Kailangan daw niyang linisin yung sumpa sa pamamagitan ng pagpapaligo kay mama ng mga pinakuloang dahon. At pagpapasuot ng medalyon na magsisilbing protection daw namin. Dahil tiyak daw na lalaban yung gumagawa ng kulam kapag naramdaman niyang may sumasalungat sa ginagawa niya. Tinulungan ako ni Ella na mapaliguan si Mama dun sa kadila. At habang pinapaliguan namin si Mama, ay may pausok din si Lolo niya.
Speaker 1Pagkatapos noon, sinabi niya sa akin na ibabalik daw niya yung sumpa sa gumagawa noon sa amin.
Speaker 2Dahil yun lang daw ang tanging.
Speaker 1Paraan para tuluyang maputol yung ugnayan ng itim na ritual sa pamilya namin. Sinimulan na ng albularyo ang paghusal ng mga kontra orasyon. Ang garaan nun kasi biglang lumamig sa loob ng bahay nila. Nakakakilabot yung lamig. Pero saglit lang yun. Tapos biglang hinimatay si mama. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Pero nung matapos magdasal o magritwal yung
Speaker 1lolo ni Ella, sinabi niya sa akin na tapos na daw ang sumpa sa mama ko. Kaya hindi ko na daw kailangan mag-alala pa. Babalik din daw pa unti-unti ang sigla ni mama. Habang inihintay naming magising si mama, sinabi sa akin ng lolo ni Ella na isinumpa daw ang mama ko dahil sa matinding ingkit. Napangiwi ako nun. Iniisip ko kung anong ikinaiinggit sa amin ni tita. At dito
Speaker 1ako nabigla, Sir Kira. Hindi ko alam kung paano nalaman ng albularyo o kung gaano katotoo yung sinabi nito. Pero ang sabi niya, baliw daw si tita kay papa. Sobrang pagmamahal, kaya niya daw ito pinatay. Nanginig ako sa galit ng malaman ko yun sa albularyo. Pero hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na malaman ng totoo. Kasi pag uwi namin sa bahay, ay wala na doon si tita. Wala na
Speaker 1rin ito sa bahay niya. Ilang buwan siyang nawala Sir Kira, hanggang sa nabalitaan na lang namin ang pinsan ko, na namatay na raw si tita. Sabi daw ng barangay Tanod kung saan namatay si tita, ay matagal daw yung nagpagalagala doon. na para daw bang isang baliw. Hindi naman daw mahuli dahil palagi itong nakakatakbo palayo. Hindi na rin daw nila sinubukan panghulihin kasi hindi naman daw nananakit.
Speaker 2Sadyang naging palaboy-laboy lang daw ito doon.
Speaker 1Hanggang sa may nagreport na nga lang daw sa kanila na hindi na ito humihinga sa kinapupwestohan nito. Sa kabila ng lahat, ay nalungkot pa din si Mama sa nabalitaan niya Dahil kahit ganoon ang ginawa sa kanya ni tita, ay kapatid pa din daw niya ito. Pero para sa akin, eh mas naging payapa na ang buhay namin. Dahil alam kong wala nang kung anong itim na kapangyarihan ang nagbabanta sa amin. Hanggang ngayon nga, eh suot-suot ko pa rin
Speaker 1yung protection medal yun na ibinigay sa.
Speaker 2Amin ng lolo ni Ella.
Speaker 1Dahil ayaw ko nang maulit pa yung ganong klaseng karanasan na halos ikamatay ng buong pamilya ko dahil lang sa inggit at maling pagmamahal na nauwi pa sa isang malagim na trahedya.
Speaker 2Ang bawat himay ng tela.
Speaker 1Ay parabang itinatali niya sa kapalaran ng kapatid niya Habang ang buong paligid ay tahimik na tahimik dahil nga raw patay ang Diyos at walang makakapigil sa ilalabas niyang galit.
Speaker 2Magandang araw, Sir Kira.
Speaker 1Tawagin mo na lang akong Maxine. Itong kwento na ibabahagi ko sa inyo, ay hindi tungkol sa mga karaniwa nating alam na mga nakakatakot na nila lang. Pero para sa akin, mas nakakatakot ang dilim na kayang gawin ng isang tao kapag ang puso niya ay napuno na ng galit at paghihigante.
Speaker 2Ang kwentong ito ay kwento mismo.
Speaker 1Ng mama ko na tawagin na lang nating Helen at ang kapatid niya na si Tita Lita na kahit hanggang sa huling hininga ni mama, ay hindi niya talaga nagawang mapatawad. At parang daladala pa rin ni Mama yung bigat na ginawa ni Tita noong kabataan nila. Kaya medyo mabigat itong kwento ko Sir Kira dahil hindi lang ito hearsay kundi isang masakit na katotohanan sa pamilya namin na nagugat pa noong kabataan nila Mama. Hindi po magkasamang lumaki si Mama
Speaker 1at si Tita Lita na siyang panganay sa kanilang magkapatid Nung maghiwalay po kasi ang magulang nila, ay naiwan si Mama sa probinsya sa lolo at lola niya. Habang si Tita Lita naman ay napunta sa nanay nila. Doon sa probinsya, ay naging sobrang malapit si Mama sa lola niya. Na ayon sa mga kwento-kwento, ay may kakaibang kaalaman daw sa panggagamot. Pero hindi yung karaniwang panggagamot na alam natin. Kasi base
Speaker 1sa mga kwentong napapakinggan ko sa inyo nila Sir Nev at Pinuno, eh parang sa kaliwa daw yung sa lola ni Mama Helen.
Speaker 2At habang lumalaking nga.
Speaker 1Raw siya sa poder nito, ay paunti-unti siyang tinuturuan ng lola niya. Hindi para manggamot, kundi para maprotektahan daw ni Mama ang sarili niya sa mga tao. Kasi ang sabi daw sa kanya ng lola niya noon, ay nakikita daw nitong may mga taong lalapit sa kanya, hindi para makipagkaibigan, kundi para gawan siya ng masama.
Speaker 2Nung una ay hindi naman daw ito iniintinde ni Mama.
Speaker 1Pero hindi naman niya kinalimutan yung mga bulong at ritual na itinuro sa kanya ng lola niya. Hanggang sa mag-college na siya. At doon lang sila nagkaroon ulit ng kontak ni Titalita. Nung makatanggap siya ng sulat na kumpirmadong galing nga sa kapatid niya. Dahil lahat ng mga detalyeng nakapaloob sa liham na yon ay tugma sa mga alaala niya. Kaya sobrang saya ni Mama noon kasi akala niya ay mabubuo na ang pamilya nila. Lalo na nung biglang dumating
Speaker 1sa probinsya ang mga magulang niya kasama si Tita Lita para sabihin nagkabalikan na raw sila at doon na daw sila titira sa Maynila. Nung dinala na si Mama sa Maynila para doon magtapos ng pag-aaral, ay doon na nagsimula ang unti-unting pagguho ng mga pangarap niya. Kasi ilang buwan lang daw ang nakalipas, ay namatay daw ang lolo niya sa probinsya. At makalipas lang daw ang ilang buwan, eh sumunod din agad ang lola niya. Ni hindi man lang
Speaker 1daw nakadalaw si mama noon, dahil bigla daw bumagsak ang hanap buhay ng tatay niya. Pinilit pa daw siya noon na huminto na muna ng pag-aaral at paunahin na muna si Tita Lita na makapagtapos ng pag-aaral nito. Umayag si Mama kasi mahal niya yung ate niya. Kaya naman nagtrabaho na muna daw si Mama para makatulong na rin sa pamilya niya at makapag-ipo ng pera para makadalaw sa puntod ng mga lolo at lola niya. Kahit ayaw siyang payaga
Speaker 1noon ng mga magulang niya, ay tumakas siya gamit ang sariling pera para lang makauwi sa probinsya. Pero isang linggo pa lang siya doon, He went to his father to tell him to sell his grandfather and grandmother's land so that he could start a business. That's when Mama found out that his land was named after him. Mama first refused. her grandfather and grandmother. But she was helped by her family.
Speaker 1She even called them her own. Until then, she was forced to say yes because she was also promised that And when the land is sold, she'll be able to go back to school. She did it. But what's worse, after six months, she stopped going to school. Because they lost their investment. And they don't have money to pay
Speaker 1Mama's tuition.
Speaker 2But Aunt Lita is still going to school. Because it's over.
Speaker 1That's why what happened is, eh bumalik ulit sa pagtatrabaho si mama. Hanggang isang gabi pag uwi niya galing sa trabaho, naabutan niyang naguusap ang pamilya niya patungkol daw sa darating na dibu ni Tita Lita.
Speaker 2Nakisabat siya nun.
Speaker 1Nagtanong siya kung bakit daw may pera sila para doon pero wala.
Speaker 2Para sa pag-aaral niya.
Speaker 1Ang sagot lang daw ni Tita Lita eh matagal na daw na naipangako ng mga magulang nila ang budget para sa party niya nayon. Doon na nagsimulang magbago ang tingin ni Mama sa kanila kasi na-realize niya na mas mahalaga pa pala ang isang gabi ng party kaysa sa kinabukasan niya. At ang mas masakit pa doon, nalaman niyang sa pinagbentahan ng lupa ng lola niya kukunin.
Speaker 2Ang panggastos sa dibo nayon.
Speaker 1Lahat ng tampo at galit ay naipo ni Mama na parabang kumukulong vulkan. Lalo na nung hindi pa man nakakagraduate si Tita Lita, ay nabuntis na ito. Kaya naman hindi na rin natupad pa ang pangako sa kanya noon na kapag nakapagtapos na si Tita Lita, ay siya naman ang mag-aaral. Doon muling bumalik sa isip ni Mama yung babala sa kanya ng lola niya noon tungkol sa mga taong lalapit sa kanya para gawan siya ng masama.
Speaker 2Ang hindi niya lang akalain.
Speaker 1Na sariling pamilya pa pala niya ang gagawa sa kanya noon. Kaya naman nagpa siya na si Mama. Uunahin niya na ang kanyang sarili. Nag-enroll siya habang nagtatrabaho. Pero kahit ang maliit niya raw na ipon na nasa loob ng damitan niya, ay kinuha pa rin daw ng nanay niya para daw ipang pacheck up naman kay Tita Lita. Doon na parang may pumitik sa utak ni Mama. Hindi lang basta pumitik, kundi sumabog na. Napagtaasan niya ng boses ang nanay niya,
Speaker 1hanggang sa nagsisigawan na nga sila. Lumapit noon si Tita Lita at sumubok na gumit na sa kanilang dalawa ng nanay niya. Doon siya nasabihan ni Tita Lita na bakit daw ba ipinipilit pa niyang mag-aral. Eh kung nagtatrabaho na lang daw sana siya, edi mas malaki pa daw sana ang naitulong niya sa pamilya.
Speaker 2Mama stopped.
Speaker 1She couldn't believe it. That's why she was silent and didn't say anything. Since then, Mama has been waiting for the right time. Until the day came, particularly on Friday. The time when God said he would kill according to his grandmother. This is the day when the strongest power ng mga ligaw na spiritu at walang nakakakita sa mga
Speaker 1gumagala sa dilim.
Speaker 2Nasa bahay lang daw siya noon.
Speaker 1Nagtatahin ang lumang uniform na titalita para daw gamitin sa pasukan. Pero ang bawat tusok ng karayom ay may kasamang bulong at sumpa na itinuro sa kanya ng lola niya.
Speaker 2Ang bawat himay ng tela.
Speaker 1Ay parabang itinatali niya sa kapalaran ng kapatid niya Habang ang buong paligid ay tahimik na tahimik dahil nga raw patay ang Diyos at walang makakapigil sa ilalabas niyang galit. Sabi ni Mama, habang ginagawa niya yung ritual sa dilim, ay parang nararamdaman niyang nasa likod lang niya ang kanyang yumaong lola na siyang gumagabay sa bawat galaw niya. At
Speaker 1ang bawat patak ng pawis at luha niya ay ang nagsisilbing alay para masigurong ang bawat pangarap na ninakaw sa kanya ay magiging habang buhay na sumpa para sa mga taong kumuha nito sa kanya. Lalo na kay Tita Lita na siyang naging mitya ng paghihirap niya. Pagkatapos ng gabing yun ay tila unti-unting nakabawi si Mama. Naging matagumpay siya sa pag-aaral Sa trabaho, pera at maging buhay may pamilya.
Speaker 2Pero si Tita Lita naman.
Speaker 1Ay nagsimula ng makaranas ng mga sunod-sunod na kamalasan na parabang hindi na natapos. Kahit kailan kasi, kahit anong trabahong pasukan nito, ay laging nauuwi sa tanggalan o kaya naman ay nagkakaroon ng malubhang problema sa mismong opisinang pinapasukan niya. Nawala naman daw malinaw na dahilan At yung anak niya ay lumaking sakitin na halos lahat na ng kinikita niya ay napupunta lang sa gamot at sa ospital. Hanggang sa
Speaker 1yung asawa ni Tita Lita eh iniwan na rin siya dahil daw sa sobrang bigat ng buhay nila. At kahit na anong kayod ang gawin ni Tita Lita eh parabang laging butas ang bulsa niya na hindi niya alam kung saan napupunta yung pera niya. He went to different albularyo and drug stores. Because they also felt that what was happening was not normal anymore. And what he said to those who looked at him was that there was a
Speaker 1heavy burden on Tita Lita's back that she couldn't remove because what she gave him was her own blood. And the only way to get rid of that burden was is if he forgives the person who did him wrong. But Boskira, until my mom died, he never uttered the words he uttered that Friday. That's why until now, Tita Lita is an old woman who is struggling in life and always has a pain in her body. na walang
Speaker 1doktor ang makapagpaliwanag kung ano ang sanhi. Sabi ni Mama sa akin noon bago siya nawala, ay wag na wag daw akong magtitiwala ng husto, kahit pa sa sarili kong kadugo. Dahil ang pinakamasakit daw na sugat ay nanggagaling daw sa mga taong inaasahan natin na magpoprotekta sa atin.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...