Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 2Hello, Sir Kira.
Speaker 1Magandang araw sa iyo at sa iyong mga masugid na tagapakinig.
Speaker 2Ako to si Suki.
Speaker 1Maraming salamat nga pala sa walang sawang pagbabasa ng mga kwento ko. Bago ang lahat, linawin ko lang muna yung sa last story ko, yung sa Science Lab. Ang lock sa labas ng Science Lab noong mangyari yung pagkakakulong ng tatay nung bata ay barrel bolt kasi yung lock nung pinto kaya mabilis itong nasarhan nung bata.
Speaker 2Note lang po kung sakali lang na may nagtatanong.
Speaker 1Year 2014 ito, noong matenga ako sa bahay. Ilang araw lang naman dahil kinailangan ng parents ko na umuwi sa probinsya ng lolo at lola ko sa side ni daddy. Hindi ko nakasama noon dahil may mga alaga kaming maiiwan. Babanggit ko na lang din po, mayroon kasi kaming maliit na farm. Kaya hindi talaga pwedeng iwan nyo na ang walang bantay.
Speaker 2So nasabi ko sa huling.
Speaker 1Kwento ko, na matapos ang insidente ng pagpapakita sa akin ng magama sa science lab, ay nagsimula na rin akong bulabugin ng mga nila lang na hindi bastang nakikita ng pangkaraniwang mga mata. Pero mas madalas akong makapanaginip. Celebration yun ang New Year ng 2012. After namin mag-celebrate ng pamilya, ay sinundo ako ng mama ni Marcus para naman isorpresa siya. Birthday niya rin kasi yung araw na yun. Actually, dapat
Speaker 1nga buong pamilya sana kami. Kaso may mga bisita rin kasi, kaya hindi na sila nakasama. So habang papunta kami sa hotel na pinagstayan nilang pamilya sa Pasay, kung saan gaganapin yung birthday ni Marcus, ay naka-edlip ako ng hindi ko namamalayan. Sa panaginip ko, yun pa rin yung senaryo. Nakaupo ako sa passenger seat ng sasakyan habang nagmamaneho si Tita Fiona, yung nanay ni Marcus.
Speaker 2May sinasabi siya nun.
Speaker 1Parang kinakausap niya ako pero hindi ko na maintindihan. Basta tango lang ako ng tango nun. Maya-maya, may itinuro siya sa akin. Nasa highway na kami nun, along kalamba. Salita pa rin siya ng salita nun. Pero hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi niya. Lumingon na lang ako sa itinuturo niya. Nakita kong may mag-anak. Naka-party dress sila. Kumakaway sa kotse namin at nakangiti. Nanay, tatay, at tatlong bata yung nakita ko.
Speaker 1Since New Year ngayon, eh hindi naman ako nagtaka na may ganun kaming makikita sa daan. Dahil halos lahat naman ata ng panahon na yun eh, nagsasaya. Biglang itinabi ni Tita Fiona yung sasakyan malapit sa mag-anak na yon. Tapos agad na lumapit yung dalawang batang babae at kumapit sa pintu ko. Naglambitin pa sa bintana nung buksan ni Tita Fiona yung salamin. Buhat-buhat nung tatay yung batang lalaki na lumapit din sa amin. Nagtanong at kinausap si Tita Fiona
Speaker 1pero hindi ko pa rin maintindihan yung pinag-uusapan nila. Nung isasara na ni Tita Fiona yung salamin, Ay dinaklot ako nung nanay nung bata.
Speaker 2Aray, ano ba? Sabi ko.
Speaker 1Kasi nagulat at nasaktan ako nun. Mag-ingat kayo para hindi kayo madamay sa amin, ha?
Speaker 2Sabi nung nanay.
Speaker 1Dun ako nagising. Oh, gising ka na pala. Binabangungot ka ata anak kaya kita ginising. Sabi ni Tita Fiona. Ah, opo ata tita. May mag-anak po kong napanaginipan. Pinag-iingat po tayo. Sabi ko, Alam mo anak, kung patuloy mong papapasukin ang papapasukin yung negative na yan sa isip mo, lalo lang yan kukontrole ng buhay mo. Oo nga't hindi masama ang pahiwatig,
Speaker 1pero tignan mo, nangangayayat ka na. Pati kami nang papaking mo, nag-aalala na rin sayo. Sabi ni tita, Si papaking po, Siya yung tatay ni Marcus. Opo aware sila sa pinagdadaanan ko nun. Naniniwala sila sa mga nakikita at naiexperience ko. Tumangutangon na lang ako nun at nagpasalamat at muli nang tumahimik sa loob ng sasakyan. Nung mga 20 minutes na lang ang biyahe namin papunta sa hotel, biglang isang rumaragasang
Speaker 1pickup truck ang nag-overtake sa amin.
Speaker 2Nabigla kami.
Speaker 1Nung nagdire-direcho ito sa isang tindahan sa gilid ng daan.
Speaker 2Napasigaw kami ni Tita Fiona.
Speaker 1Kung hindi siya maagap, ay muntikan na rin kaming matumbok ng isa pang pickup truck sa likod namin. Nakasunod sanang o-overtake nung pickup na bumangga. Bumaba kami ng sasakya nang maitabi na nang maayos yung kotse. Naglabasa na rin yung mga tao at mga naki-osyoso. Meron ding tatlong rider na tumabi at huminto. Sinigawan nila yung mga nasa pickup na nasa likod namin.
Speaker 1Sabi nung isang rider. Todo, tanggi naman yung tatlong binatang nakasakay sa pickup na yun. Pero kahit malayo kami sa kanila, eh amoy na amoy namin sa kanila yung alak. Ang sabi pa nung isang rider, ay nakita raw nilang sinisigawan at binabato nila ng bote. Yung naunang pickup na bumangga. Agad namang may dumating na polis. Hinold yung tatlong nasa pickup sa likod namin. Habang yung pickup naman na bumangga ay sinusubukang buksan ng mga tao. Wala pa kasing rescue
Speaker 1ng time na yon. Ang sabi ng mga nakasilip na sa loob ay may mga bata daw na naipit sa loob ng sasakyan at mukhang nahihirapan na daw ang mga ito. Isang pulis ang napilitang basagin yung salamin ng likod ng pickup. Dinukot nila mula roon yung isang batang lalaki. Dugoan ito at habol na rin ang hininga. Nalapata naman agad ito ng first aid. Yung iba naman, jinek yung mga kasamahan ng bata. At nanlumo sila sa nakita. Pati na si
Speaker 1Tita Fiona. Hindi ko pa napansin nung una. Hanggang sa hindi ko alam kung bakit. Pero parang may puwersang humihila sa akin para sumilip sa loob ng pickup. Napasinghap ako at napaiyak nang makita ko ang duguan nilang kasuotan. Pero agad na rin akong hinila nung isang pulis palayo kasi bawal daw yun. Crime scene na kasi yun since may involved na na provocation ng road rage.
Speaker 2Lumapit ako kay tita.
Speaker 1Tita, sila po yung nakita ko sa panaginip ko. Binilaan nila ako na magingat dahil baka madamay daw tayo. Sabi ko habang naiiyak. Sa takot namin ni tita, eh nagpasundo na lang kami.
Speaker 2Kay Tito King.
Speaker 1At bago kami nakaalis dun, ay narinig ko pa yung sinabi ng paramedic na nag first aid doon sa batang lalaki. Ang pag-pronounce nito, napatay na rin daw yung bata. Lalo akong nanginig sa takot nun Sir Kira. Niyakap ako ng mahigpit nun ni Tita Fiona. Nanalangin siya at nagpasalamat sa Diyos na hindi kami na damay. Hindi pa yun ang malalang panaginip ko. Year 2013, kakauwi ko lang galing sa
Speaker 1trabaho nun. May usapan kami ni na mama na kakain kami nun sa labas kasama yung tito ko na umuwi galing sa Sursugon. Pero dahil sa sobrang hektik ng schedule ko Sa supermarket na pinagtatrabahuhan ko.
Speaker 2Eh nakatulog ako.
Speaker 1Nanaginip ako nun, Sir Kira. Nasa bayan daw ako nun. Doon nakabase ang work ko. After work na yung senaryo. Naglalakad daw ako papunta sa isang bahay. Bahay na noon ko lang napuntahan. Nakita kong nandoon ang mga kamag-anak namin.
Speaker 2May patay daw dun.
Speaker 1Hindi ko alam kung sino. Pero pagdating ko doon, Nagdire-direcho ko sa kabaong na nasa pinakasentro ng bahay. Pagsilip ko, nakita ko yung tito ko.
Speaker 2Patay.
Speaker 1Suot pa niya yung barong na ginamit niya sa kasal nila ng asawa niya.
Speaker 2Napaatras ako.
Speaker 1Kasi nga kasama pa siya sa dinner namin nung araw na yun. Pero bakit patay na siya? Nagising ako nun sa tunog ng cellphone ko. Si mama tumatawag. Sabi ni Mama nang wala sa sariling sinagot ko yung cellphone ko.
Speaker 2Papunta na po ma, sabi ko.
Speaker 1Nang gabing yun, tahimik lang ako habang kumakain, which is napaka-unusual. Madaldal kasi ako at talagang nakikipagbiroan ako kapag wala naman akong pinagdadaanan.
Speaker 2E tapos.
Speaker 1Favorite dito ko pa yung kasama namin. Dahil apat na taon lang naman ang agwat namin. Kaya parang barkada lang talaga kung ituring ko siya. Nung tanungin ako ng tito ko kung okay lang daw ba ako ang nasabi ko na lang ay mag-iingat siya palagi. Nagulat man ay hindi na sila nagtanong pa. Hindi naglipat ang buwan ay namatay ang tito ko. Nagpakamatay siya Matapos niyang malaman na may
Speaker 1iba ang babaeng pinakasalan niya. Halos mabaliw din ako nun dahil sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Wala akong nagawa dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang magiging saninang pagkamatay niya. Matagal akong naging tahimik lang nun. Kahit si Marcus, hindi ko halos iniimikan. Hindi ko halos lumalabas nun. I even made a lot of accounts back
Speaker 1then to get the girl who cheated.
Speaker 2On my uncle.
Speaker 1Most of the time, I would fight with Marcus. One time, I was shouting at him because he was so stubborn. He was forcing me to go out. I was full, so I was shouting at him. I was talking to him in words I shouldn't have said. You're the only one who went out if you want to die and I have nothing to do.
Speaker 2Sabi ko sa kanya. Nabigla ako nun. Kaya natahimik kaming pareho.
Speaker 1Ramdam ko na nasaktan siya sa sinabi ko. Nagalit pero walang sinabing kahit na ano. Basta lang siyang tumalikod at umalis. Doon din ako parang natauhan. Makalipas ang ilang araw, lumabas ulit ako. Hindi kasi siya nagpaparamdam. Ni text o tawag ay wala. Offline din siya sa mga social media niya. Sinuyo ko si Marcus at nakipag-ayos ako. Pinilit kong ituwid ang buhay ko pabalik sa dating ako. Bawat masamang mapapanaganipan ko,
Speaker 1ikinikimkim ko na lang at ipinagdadasal kong hindi sana magkatotoo. Parang naging effective naman yun dahil nawala naman kahit papaano. Naging maayos din kami ni Marcus at sobrang nagsisisi talaga ako sa nasabi ko nun sa kanya.
Speaker 2Kasi.
Speaker 1Never naman siyang nagpakita sa akin ng ganoong emosyon. First time yun sa apat na taon naming relasyon at limang taon naming pagiging magbestfriend.
Speaker 2Noon lang talaga.
Speaker 1Kaya na ipangako ko sa kanya na hindi na ako magpapaapekto sa panaginip ko. Year 2014. Ako lang mag-isa sa bahay noon. Doon kong mas naramdaman na marami pala talagang nakakasalamuha ang mga tao na hindi nakikita ng normal na mata. Isang gabi, may maingay na nagmumula sa bahay ng kambing sa likod bahay namin. Sa pag-aakalang may tao, ay agad
Speaker 1kong chinik yung CCTV. Yung kambing namin, may tinitignan sa mataas na part ng kural nila. May nakita akong nakalaylay na mga kamay doon. May mahabang bukas na bintana kasi doon. Nahuni din siya ng mahina Yun bang parang nakakakita ito ng kakilalang tao? Ganon kasi yung mga kambing pagkakilala nila yung tao. Yung way ng paghuni nila e parang pabulong habang nagalaw-galaw yung buntot at tenga. Kung hindi nila kakilala
Speaker 1ang tao e huhuni yun ng malakas at magwawala sa takot. So lumabas ako para tignan yun. Dahil baka yung pinsan ko yun nakatulog na naman sa may kural sa kalasingan. Pagdating ko sa kural ng kambing, e inilawan ko agad yun. Wala naman akong nakita. Pero nakatingala pa rin yung kambing sa bintana.
Speaker 2Uy, sinong tinitingala mo dyan?
Speaker 1Sabi ko sa kambing na para bang sasagot siya sa akin. Tumingin sa akin yung kambing. Pagkatapos ay muling ibinalik yung tingin sa bintana. Doon e biglang humangin ng malakas. Sa ordinaryong araw, amoy ng dumi ng kambing at mga baka ang maaamoy mo.
Speaker 2Pero nung mga sandaling yun.
Speaker 1Napakabangong bulaklak ng sampagita at kantila ang naamoy ko. Eh niwala namang sampagita o ilang-ilang sa paligid namin. Sa takot ko, eh napatakbo na lang ako nun papasok ng bahay.
Speaker 2Itinext ko agad nun si ate She, yung ate ni Marcus.
Speaker 1Nagpasama ko nun, Dahil hindi na ako makatulog sa takot, lalo na nung pagtingin ko ulit sa CCTV, ay nandoon na naman yung kamay na nakalawit. Hindi na lang basta kamay yun, kundi bulto na ng buong katawan ang nandoon. Nakaupo ito at parang nakatingin sa kambing. At hindi ako pwedeng magkamali. Bulto yun ang katawan ni Lolo.
Speaker 2Kinaumagahan.
Speaker 1Isang tawag ang nagpagising sa diwa ko. Yung lolo ko raw, patay na. Kaya pala pinapauwi si na daddy dahil mahina na daw si lolo. Pero hindi agad nila sinabi dahil ayaw daw nung matanda na maging pabigat sa mga anak niya. Ayaw daw niyang umuwi sila doon para lang magpaalam sa kanya. By the way po, yung kambing namin na si loli ay kay lolo galing yon. Alaga niya simula pa baby
Speaker 1yun dahil namatay ang nanay nung kambing na yun. Nagpaalam lang siguro siya kay Loli at pati na rin sa akin. Grabe lang na nauna pang pagpaalaman yung kambing.
Speaker 2Joke lang lo.
Speaker 1Umuwi din ako nun sa probinsya. Ang naiwan sa bahay nun para mag-alaga sa mga alaga namin e si Marcus. Buti nga't nakakuha siya ng leave nun nang mas maaga. After a week namin sa probinsya, pagkalibing ni Lolo, ay agad na rin kaming bumalik sa Laguna. Si Marcus kasi eh, sasama kay na tita Fiona para naman sa business trip nila sa Australia. Nung time kasi na yun, ay unti-unti
Speaker 1na rin inaaral ni Marcus yung business nila. Kaya pag may mga trips ang parents niya, eh sumasama siya. So three days bago sila umalis, nanaginip ako. Isang aksidente sa lugar na hindi pamilyar sa akin.
Speaker 2Vehicular pile-up yun.
Speaker 1Dahil sa sobrang dulas ng daan, nawala ng preno yung isang oil tanker at bumangga yun sa isa pang truck na nawalan din ng kontrol. At nagdirecho naman sa mga sasakyan na nakatigil sa red light. Ang ikinakaba ko lang nun ay nakita ko pang ngumiti sa akin si Marcus pagkatapos ng nakakatakot na lagabugan at putukan ng mga sasakyang nagbabanggaan.
Speaker 2Ano ka ba?
Speaker 1Nakita mo bang kasama ko sa banggaan? Tanong ni Marcus nang ikwento ko sa kanya yung panaginip ko na yun.
Speaker 2Hindi. Pero kasi... Alam mo, love.
Speaker 1Baka kaya ipinakita sa'yo yung ngiti ko. Kasi ako yung sagot sa masasamang panaginip mo. Ngiti ko lang o isipin mo lang ako, muhawala na yung pisa ng panaginip mo. Sabi niyang nakangiti pa sa akin. Ngiyabang mo talaga, no? Papirong sabi ko naman sa kanya. Promise mag-iingat ako. Para sa future naman natin tong pupuntahan ko eh. Hintayin mong pagbalik ko. Marami akong pasalubong sayo. At tatandaan mo laging mahal na mahal kita.
Speaker 2Sabi pa niya.
Speaker 1Parang sa pelikula o teleserye lang no. Pero yan na yung huling pagkikita namin. Nang magpaalam siya sa akin ng araw na yon. ay hindi ko na sila nahihatid pa sa airport. Kakalive ko lang kasi, kaya hindi na ako nakapag-file ulit. Tanda ko pa noon na nag-chat sa akin si Tita Fiona. Nak, kunin mo yung regalo namin sayo sa bahay. Suutin mo pag sundo mo sa amin next month, ha? Sabi pa niya sa chat. Dress yun na kulay pink.
Speaker 1Ang hindi ko alam, magpo-propose pala sa akin si Marcus pag uwi nila galing sa Australia. Ayon kay Tito King. Si Tito King na lang po kasi ang nakauwi mula sa trip nila nayon. Ang kwento, pagkagaling daw nila nun sa isang meeting, ay nagpaalam daw si Tita Fiona. Magpapadrive na lang daw siya kay Marcus dahil masama ang pakiramdam. Siya naman ay nagpaiwan dahil may kamit pa siyang isang future investor. Nabalitaan na lang daw niya ang pile up.
Speaker 1Dalawang oras makalipas ang pangyayari. Wala nang buhay ang kanyang mag-ina na naipit sa dalawang truck na nagsalpukan. Tanda ko pa nun nung nagsasalita si Tito King sa harapan pagkatapos ng living ni na Marcus. Sobra yung pag-iyak niya dahil ipinapanalangin niya noon na hindi ang mag-ina niya ang kasama sa pile-up na yon. Nawalan pa siya ng malay habang nagsasalita nun.
Speaker 2Sir Kira, I used to think the world was just fun. lang na ganun. Na masaya, magaan ang buhay.
Speaker 1Pero nung nawala ang best friend, enemy at boyfriend ko, pati na ang itinuturing kong pangalawang ina, nakaramdam ako ng matinding galit, lungkot at kakulangan sa mundo. Inabot ng isang buwan bago na iuwi sa Pinas ang labi nila Marcus. Hindi ko pa agad nagawang silipin siya nun dahil ayokong maniwala na siya talaga yun.
Speaker 2Nawala na si Marcus.
Speaker 1Suot ko nun yung dress na inirigalo sa akin ni Tita Fiona. Hawak ko rin ang singsing. Ang singsing na gagamitin sana ni Marcus para mag-propose sa akin.
Speaker 2Si Tito King na lang ang nagabot sa akin nun.
Speaker 1Hawak ako ni ate siya at kuya Marcel noon Nung time kasi na yun eh sila na ni kuya Marcel Si kuya Marcel po ay kasama sa naon akong kwentong ibinahagi rito Yung may title na Nagpahalam ako kay Marcus Nakahit ako Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi ko noon Dahil sa sobrang pag-iyak Nang mailibing si na Marcus Ay doon na ako nagsimulang mag-inom-inom Nagresign din ako sa trabaho
Speaker 1ko dahil hindi na ako makapasok. Gising ako sa gabi. Hinihintay kong magpakita sila sa akin.
Speaker 2Pero hindi nangyari.
Speaker 1Kahit sa panaginip, hindi sila nagpapakita sa akin. Nagalit ako nun sa sarili ko, pati na sa kakayahan ko. Lahat ng nakikita at nagpaparamdam sa akin, nagagalit din ako.
Speaker 2Nagwawala ako.
Speaker 1Hindi na ako natatakot. Inaaway ko sila. Minumura at pinagsasalitaan ko sila ng masama. Bakit sila nagpapakita sakin? Pero sina Marcus hindi. Nandoon pa rin ang masasamang panaginip ko, Sir Kira. Pero wala na lang sakin yun. Hindi ko na ito iniintindi. Taon nang binilang, bago ko napalaya ang sarili ko sa kalungkutan. Ilang beses kong sinubukang tapusin na ang lahat. Pero lahat
Speaker 1ng yon ay bigo. Dahil naiisip ko ang ngiting iniwan niya sa akin. Ang assurance niya sa akin na magiging okay lang ang lahat. At ang pagmamahal niya sa akin sa kabila ng imperfections ko. Sa ngayon po Sir Kira, sina Ate Shea at Tito King ay nasa Mindanao na.
Speaker 2Kung saan na roon yung main company nila.
Speaker 1At nung taong 2017, ay doon ko na nakilala ang naging boyfriend ko, na ngayon ay asawa ko na. Nagpaabot lang sila ate siya sa akin ng pasasalamat sa lahat ng pagmamahal at masaya sila na nakamove on na rin ako sa pagkawala ni Marcus at Tita Fiona. Sir Kira, salamat ulit sa pagbasa ng story ko. Sorry at napahaba yung drama ko ha. Sa susunod po ulit, God bless po.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...