Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Magandang araw o gabi po sa inyo. Sana mapili nyo pong ipost ang nginig stories ko. Tawagin nyo na lang po akong Caffeine. Hindi ko po totoong pangalan. Nais ko lang pong ishare ang mga nakakatakot na karanasan ko. Hindi ako magaling magkwento and Tagalog is not my first language nor my mother tongue po. Kaya pasensya na sa mga maling Tagalog grammar. Hindi ko po alam kung bukas ang third eye ko o ano dahil marami rin akong naging
Speaker 1experience na paranormal. Kadalasan sa kanila ay mga elemento. Isinilang po ako sa Samar ngunit lumaki ako sa probinsya sa Mindanao. Both grandparents ko sa both sides ay medyo legendary talaga ang mga backstories nila tungkol sa mga kababalaghan. Yung lolo ko sa side ng tatay ko He has a lot of money and he has a lot of money to
Speaker 1buy medicine. They talked about it in their neighborhood that my grandfather had that ability in Beringan. The city they call the city of enchantments. And his protection in the swamp because of the relatives' violence on the ground. That's why he always wears it every day and he prays every Friday afternoon. Alam nyo naman sa probinsya, kapag hindi maidaan sa legal na proseso, ay idadaan na lang sa kulam.
Speaker 1Yung lolo ko naman sa side ng nanay ko, may anting-anting din. Nasabi ni lola ko, ay namanan naman daw ni lolo sa tatay niya, na ipasa sa kanya bago ito namatay. Kada araw ng biyernes, kapag sumasapit ang alas 5 ng hapon, ay nagtitirik siya ng kandila. At pinapalabas niya kami ng bahay. Naglalak siya ng pinto. Isang oras niya laging dinadasalan yon. Kaya isang oras din kaming maghihintay sa labas ng bahay. Ang mga lolo ko ay may
Speaker 1isang libro yata ng mga kababalaghan na may isang libong pahina. Bata pa ako, madalas kaming nagtitipong magpipinsan para makinig ng mga nakakatakot na kwento ni lolo pati na ng lola ko sa mother's side. mga kwento ng kanilang mga karanasan. At dahil doon, eh naman ako yata ang pagiging ghost magnet ng mga grandparents ko. Dahil sa aming magpipinsan, ako yata ang lapitin. Ako ang may maraming karanasan at kwento.
Speaker 1Madalas kong nararanasan ay mga doppelganger, sleep paralysis experiences, at mga engkanto. Sisimulan ko sa doppelganger. Hindi ko alam sa iba, pero sa akin, nakakatakot siya kung iisipin. Pero kapag naranasan na, eh parang normal lang naman. Dati akong nagtatrabaho sa Japan bilang isang trainee. At dalawa lang kami ng kasama ko na naninirahan sa isang maliit na apartment na sakto lang
Speaker 1para sa isang tao. Nararating lang namin galing sa trabaho noon. At naghahanda na kami ng hapunan ng kasama ko. Dahil maliit lang naman ang kitchen at iisa lang ang lutoan, ay pinauunan na ako ng kasama ko na magluto at magfifacebook na lang muna siya sa maliit na sala. Naghuhugas na ako ng mga pinaggamitan ko noon. Nang bigla siyang pumasok sa kusina, binuksan niya yung pinto ng banyo. Nasa tabi lang talaga yun ang sink. Nilingon ko siya. Nagkatinginan
Speaker 1pa nga kami. bago siya tuloy ang pumasok sa banyo. Natural lang sa amin na walang imikan kapag pagod sa trabaho, kaya nagkibit-balikat lang ako nun. Tapos na akong maghugas, pero hindi pa rin siya lubalabas ng banyo. Ihinain ko na yung niluto ko at dinala ko na sa sala. Pagpasok ko sa sala, nagulat ako kasi nandoon siya. Nakaupo sa mesa at nanunood ng kung ano sa YouTube. Rhea, did
Speaker 1you go to the bathroom? I asked her. When? She answered. When I was cooking. No, I was here a while ago doing YouTube. Rhea answered. I didn't think about it. I didn't think about it. Because I already knew what went into the bathroom earlier. My partner was scared. Sa pangalawang beses na karanasan ko, eh sa Japan pa rin.
Speaker 1Pero sa ibang lugar na at sa ibang apartment, iba na rin ang kasama ko noon. Panggabi yung trabaho namin noon sa isang Japanese restaurant. Hindi kami sabay ng oras sa pagpasok. Minsan 5pm siya, 7pm naman ako. Or minsan, 4pm siya, 6pm naman ako. Or vice versa. Isang hapon, 4pm yung pasok nung kasama ko nun. Kaya tulog pa ako nung umalis siya. 9pm pa ang paso ko nun.
Speaker 1Medyo late. Mga around 6pm. Bigla akong nagising. Napatingin ako sa panan ko. At nakita ko siyang nagsusuklay ng marahan sa harapan ng salamin. Napakunotno ako nun. Sa isip ko, bakit pa siya nandito? Tinignan ko yung oras. Lagpas 6pm na. Sabi ko, Steph, hindi ka ba papasok? Ako? Hindi ko kailangang pumasok. Sabi niya na hindi tumitingin sa akin. Nagtatakaman,
Speaker 1eh hindi na ako nag-usisa. Hindi ko feel yung aura niya. Ang na-feel ko talaga, eh parang may kakaiba. May duda na ako nun kung ano siya. Pero hindi naman ako natakot. Umiga na lang ulit ako at natulog. Mahaba pa ang oras. Nung pumasok ako sa work at nagkita kami ni Steph, tinanong ko siya kung anong oras siyang pumasok. Sabi niya, 3.30 daw ay lumabas na siya ng apartment. At dahil trip
Speaker 1ko siyang takuti nun, ay sinabi ko sa kanya kung ano yung nangyari. At takot na takot siya. Hayon niyang matulog ng mag-isa sa kwarto niya. Kaya naman halos dalawang buwan din siyang naglalatag ng futon sa tabi ko sa tuwing matutulog. Itong pangatlong experience ko ay sa Pilipinas na. Sa bahay namin. Naghuhugas ako ng pinggan nun isang gabi. Nung dumaan yung pamangkin kong babae at lumabas papunta sa
Speaker 1may sampayan ng mga damit. Dinudugo yung pamangkin ko nung time na yon. At akala ko kaya siya pumunta sa sampayan eh para kumuha ng bagong underwear dahil magwa-wash up na siya. Hindi man lang niya binuksan yung ilaw. Nagtatakaman eh hindi ko na sinita. Pero natapos na lang akong maghugas eh hindi pa rin siya bumabalik. Eh isasar ako na nun yung kusina. Kaya napilitan akong tawagin siya. Si?
Speaker 1Sumagot siya ng po. Tapos tinanong ko kung anong ginagawa niya. Sabi ko pumasok na siya. Sumagot ulit. Dinuduguraw siya. Tapos ang sabi ko naman eh kung buksan niya kaya yung ilaw. Pero hindi na siya sumagot. Nagsalita ulit ako. Sabi ko, ikaw na magsara ng kusina ha. Hindi ko na siya hinintay. Pumasok na ako sa loob. Naabutan kong nakatingin sa akin yung nanay ko, pati na yung ate ko. Na para
Speaker 1ba silang nagtataka? Sure akong narinig nila na kausap ko yung pamangkin ko sa labas. Tapos nadaanan ko yung banyo na halatang may tao sa loob. kasi bukas yung gripo. Pero pagtingin ko naman sa sala, nandoon silang lahat, maliban lang sa pamangkin ko. Napakunotno ko nun, hindi yata tugma yung bilang nila. Wala sa sala yung pamangkin ko, dahil nga nasa labas ito. So sino yung nasa banyo? So
Speaker 1tinanong ko yung nanay ko, na takang taka pa rin nakatingin sa akin. Ma, sinong nasa banyo? E di si Sissy. Sabi ni Mama. Napakunot noon naman ako noon. Si Sissy? Nasa labas siya ma. Ano ka ba? Kanina pa yan siya dyan sa banyo. Ganon? So sino yung nasa labas? Mamalay ko sayo. Antataka nga kami kung sinong kausap mo dyan eh. E nasa banyo naman yung pamangkin mo. Para makasiguro,
Speaker 1tinawag ko ang pamangkin ko. Sumagot naman ito. Natatawa lang ako na napakunot ang noo. Sa isip-isip ko, doppelganger na naman. Hindi ko nalang pinansin, kahit medyo natakot ang mga kasama ko sa bahay noon. Dahil nalaman nga din nila na may doppelganger doon. Hindi naman ako matatakotin. As long as hindi sila nananakit, walang problema sa akin. Isa sa mga
Speaker 1interesting para sa akin ay ang mga engkanto. Kwento sa amin ang lolo namin dati. Ang mga engkanto ay hindi talaga nagpapakita sa gabi. Nagpapakita sila tuwing tanghali. Which makes sense naman sa akin. Dahil kung nage-exist sila sa ibang dimensyon, malamang na iba rin ang sense of time nila At sabi pa ni lolo ko, ang mga engkanto raw ay walang bibig at ilong. Na kung iisipin mo, eh totoo
Speaker 1rin naman. Kasi nga, nage-exist sila sa ibang dimensyon. Ibig sabihin, iba yung environment nila. Hindi nila kailangan ng hangin at pagkain para mag-survive. Kaya hindi nila kailangan ng ilong at bibig. Pero ewan ko lang din ah, basta yan yung pagkakaintindi ko roon. At oo, Nakakita na ako ng engkanto, katulad mismo sa kwento ng lolo ko. Isang tanghaling tapat yun.
Speaker 1Tirik na tirik ang araw dahil summer. Nagising ako dahil masakit ang sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Bukas kasi yung pintana at nabibilad na yung mukha ko sa araw. Nakatagilid ako nun sa dulo ng kama. Pagdilat ko ng mata. Agad napad ako ang tingin ko sa sahig at tumambad sa akin ang dalawang puting matulis na sapatos, yung pang-business shoes na panglalaki. Dahil nga kagigising ko lang,
Speaker 1ay hindi agad rumihistro sa utak ko na ako lang dapat mag-isa sa bahay ng araw na yon. Dahan-dahang umangat ang tingin ko sa puting pants ng kung sino mang nakatayo sa tabi ng higaan ko. Umangat pa ang tingin ko sa puting blazer. Hanggang sa napatingin ako sa muka ng isang lalaki na nakadukwang sa akin. Naparabang tinitignan ako na may kuriusidad. Mahaba yung buhok niya na medyo kulot. Wala siyang ilong at bibig. Yung mata niya, wala rin
Speaker 1mga eyeballs. Sa halip, itim na mga usok ang nasa loob ng kanyang mga eye sockets. Napatingin ako sa ceiling sa ibabaw niya. Pero... Distorted yung image na para bang may kung anong disturbance sa fabric ng realidad. Ang distortion na nakikita ko ay hugis ipo-ipo at may mga langilang mga itim na usok na lumalabas mula doon. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng takot noon. Iniisip ko
Speaker 1noon na baka nananaginip lang ako. Pero... Naririnig ko yung mga kapitbahay ko sa labas na nagchichismisan habang naglalaba. Nandoon pa rin yung lalaki na sa puntong iyon ay alam ko ng isang engkanto. Nakatayo at nakatingin pa rin siya sa akin. Pinagmamasdan akong mabuti. Napatingin ako sa bintana. Tirik na tirik pa rin ang araw nun. Pagbalik ko ulit
Speaker 1ng tingin dun sa lalaki, wala na ito. Pati yung distorsyon, wala na rin. Para bang sa isang iglap, bumalik sa ayos ang lahat? Napakurap-kurap na lang ako nun. Bumangon ako at tumayo para kumain na. Dahil gumakalam na rin ang sigmura ko nun. At sa maniwala kayo't sa hindi, hindi talaga ako nakaramdam ng takot nun. Baggos, nainis pa nga ako.
Speaker 1Kinising ako ng presensya ng engkanto na yun, kaya naputol yung mahimping kong pagtulog. Sobrang lakas kasi nung presensya ng mga ito, na hinihila ang diwa mo kahit gaano pa kalalim o kahimbing ang tulog mo. Eh graveyard shift ang trabaho ko nun, at 7am na akong nakauwi nung araw na yun. Eh nung mga panahon na yun kasi, sunod-sunod ang overtime ko, na madalas umaabot pa nga ng tanghali yung clock out ko. Kaya hanggat maaari, eh gusto ko
Speaker 1sanang mahaba at tuloy-tuloy ang tulog ko. Ayokong naiistorbo dahil hirap akong makabalik na sa pagtulog kapagka nagising na ako. Pero dahil nga binisita ko ng engkantong yun at nadistorbo ang tulog ko, alam kong hindi na ako makakabalik ulit sa pagtulog. Pero yun na yung una't huli. Siguro may mga ibang pagkakataon pa na binibisita ko ng mga ito. Pero hindi ko nalang din nalalaman. Medyo may something din
Speaker 1kasi sa bahay na yun. Para bang crossroad ang mga kababalaghan. Isang buong bahay na paupahan kasi yun. Na may dalawang palapag. Nasa second floor yung mga kwarto. Habang sala at kusina naman sa first floor. Kamilang tatlo ng dalawa kong pinsan ang umuupa dun. Isa sa amin ay estudyante sa kolehyo. At dalawa naman kaming empleyado. Minsan graveyard shift ang trabaho ko sa IT company. Kaya madalas, hindi kami nagpapangabot na tatlo. Minsan,
Speaker 1kahit nalilipat ako ng daytime, eh hindi rin kami nagkakasabay-sabay sa pagpasok. Dahil 7am ang clock in ko, kaya 4am pa lang, gising na ako. Dapat kasi eh nasa daan na ako by 5, dahil iniiwasan ko ang rush hour. Kaya kapag lumabas na ako ng bahay, eh tulog pa yung mga pinsan ko. Doon na ako sa company nagkakape. Isang madaling araw, 4 AM, usual routine ko. Nagluto ko
Speaker 1ng agahan, naligo, at by 4.30, kumakain na ako. At dahil nga sobrang aga pa at tulog pa ang buong bansa, nakakabingi ang katahimikan. Bawat maliliit na kaluskos, eh talagang dinig na dinig ko. Even when I was breathing. So while I was eating alone on the first floor, I suddenly heard a woman's soft snoring. At first, I didn't notice
Speaker 1it because I thought it was just our neighbor. Maybe I was heartbroken so I couldn't sleep until dawn. But as time went by, the snoring became stronger and stronger. sa sobrang lakas at linaw eh parang napipinpoint ko na kung saan ito nagmumula at yung iyak na yun ay nasa likod ko mismo napamura na lang ako nun at padabog na ibinagsak yung kutsara sa plato ko at saka
Speaker 1ako tumigil sa pagkain na realize ko na hindi ko kapit bahay yung umiiyak nagisip ako kung anong gagawin ko ganyang may nagpaparamdam sa akin Sa puntong yun, ay sobrang linaw na nung iyak. Para pa nga itong nasa gilid na ng tenga ko, na para bang sinasadyang iparinig sa akin yung iyak niya. Tumayo ako. Nagpalakad-lakad ako sa palibot ng sala. Tinitignan ko kung susunod sa akin yung nilalang.
Speaker 1At kahit saan nga ako magpunta, ay nakasunod ito. Alam ko yun kasi nasa likod ko pa rin yung iyak. Umakyat na ako ng hagdaan papunta sa second floor. Sumusunod pa rin ito. Gusto kong matawa nun na mainis eh. Pero yun, napapasunod ko yung multo na parang aso. Natatawa ko kasi, naiimagine ko to na sumusunod sa akin na parang aso. Kumakawag-kawag yung buntot kahit na umiiyak-iyak pa rin.
Speaker 1Sobrang contrasting niya. At naiinis naman ako kasi naiistorbo niya yung routine ko. E malapit nang mag-alasing ko nun. Kailangan ko nang tapusin yung pagkain ko. Kaya naman bumalik na ako sa lamesa at ipinagpatuloy ko na lang yung pagkain. Sabi ko na lang, umiyak ka dyan hanggang gusto mo. Mabuti ka pa nga dyan, hindi mo kailangang magtrabaho eh. Pero patuloy pa rin ang pag-iyak nito hanggang sa natapos
Speaker 1na akot lahat at umalis na ng bahay. May mga araw din na may mga entity na hindi namin nakikita na sumasabay o nakikihalubilo sa amin. Alam ko yun kasi kahit tatlo lang kami sa bahay, e para bang sobrang crowded ng vibe sa loob. May mga boses ng ibang tao o tunog na kahit faint lang ay sumasabay sa
Speaker 1daily life namin sa loob ng bahay. Hindi ko pinapansin yun at hindi ko rin yun sinasabi sa mga pinsan ko para hindi na rin sila matakot. Pero isang araw na wala akong pasok, naisipan kong maglaba. Tanghali na yon at sobrang init ng panahon. Nasa labas ako, tahimik na nagkukusot ng mga labada. May kasama kong naglalaba nung time na yon. Isang babaeng border sa kabilang bahay. Wala kaming
Speaker 1imikan kasi hindi naman kami magkakilala. Magkatalikod kami sa isa't isa at tahimik lang talaga at may malaking distansya sa pagitan namin. Maya-maya, narinig kong may sumitsit sa likod ko mismo. Dilingon ko siya dahil baka may kailangan siya sa akin. Lumingon din siya sa akin. Nagtagpo yung mga mata namin at nakita ko na parang parehong nagtatanong. Hinihintay ko siyang magsalita pero parang hinihintay niya lang din akong magsalita. Narealize
Speaker 1ko na nun na hindi siya yung sumisitsit. Maya-maya umulit pa yun. Pero hindi ko na pinansin. Marahil eh napansin din yun ng babae at natakot. Kaya nagpatugtog siya ng worship song sa cellphone niya. Medyo naaliw ako nun. Napangiti ako. Hanggang kalaunan, nainis na rin siguro yung nilalang. Bigla akong kinalapit ng malakas sa bumbunan. Sa sobrang lakas, ay naitulak pa pauna yung ulo ko. Inis akong napalingon sa likod ko.
Speaker 1Nakita ko yung babae. Nakatayo sa unahan. Malayo ang distansya niya mula sa akin. Kaya alam kong hindi siya yung kumalabit. At isa pa, eh bakit niya naman gagawin yun? Di naman kami magkakilala. Pwera na lang kung may saltik siya sa utak. Nakatayo lang siya dun at mukhang puno ng hilakbot habang nakatingin sa akin. Alam kong may nakikita siya. Ngumiti lang ako sa kanya. Huwag mo nalang pansinin. Sabi
Speaker 1ko sa kanya. Pero agad niya nang kinuha yung cellphone niya at walang imik na dali-daling umalis. Iniwan niya yung labahan niyang bumubula pa sa sabon. Marami pa akong karanasan maliban sa mga yan. Pero skip ko nalang muna sa recent experience ko. Dito ulit sa Japan. This time, another episode of sleep paralysis. Isa sa mga napakarami kong karanasan sa ganyan. Alam mo naman sa Japan, sobrang nakakapagod ang trabaho.
Speaker 1Kahit sabihin nating worth it naman, eh pagod ka pa rin. Kaya ina-anticipate ko na, na one of these days, ay magkakasleep paralysis na naman ako. At hindi nga ako nagkamali. Isang gabi, umuwi akong sobrang pagod. Usually, I would take some time to browse the internet. But because I was so tired that day, after I ate, I fell asleep. It was around 2am. I woke up for some unknown reason.
Speaker 1I expected to sleep soundly because my body was so tired. And then, I felt my soul being torn apart. Inilibot ko ang paningin ko. Iniisip kong baka may engkanto na naman. Pero wala. Tahimik ang buong kwarto. Narealize ko din na nakatulog pala kong hindi nagpapatay ng ilaw. Tatayo sana ako
Speaker 1para patayin yun. At dun ko lang narealize na hindi ako makagalaw. Nagkokumad yung utak ko. Pero ayaw sumunod ng katawan ko. Kahit ilang beses na akong naka-experience ng ganun, eh hindi pa rin ako sanay. Nakakaramdam pa rin ako ng panic. Kaya naman kinalma ko ang sarili ko. Inintay ko ang katawan ko na maka-adjust sa gising kong tiwa. Habang ginagawa ko yun, may nadidinig akong maliliit na hagikgikan
Speaker 1sa panan ko kung nasaan yung bintana. Napatingin ako sa gawing yun. Una kong nakita ang mga paa sa bintana. May dalawang nila lang na nakatayo doon. Nagtatago sa likod ng kurtina. Napanakanakay sumisilip sa akin at ngumingisi na parabang nangaasar dahil sa sitwasyon ko. Sisilip sila sa akin tapos muling magtatago at saka maghahagikgikan. Naiinis na napabuntong hininga na
Speaker 1lang ako noon Heto na naman tayo sa isip-isip ko pa. Hindi ko sila pinansin. Focus lang ako sa sitwasyon ko. Nung maramdaman kong bumabalik na ang koneksyon ng utak ko sa katawan ko, dahil naigagalaw ko na yung mga daliri ko, ay mabilis ko nang iginalaw ang buong braso ko. Tapos ay agad nang sumunod ang buong katawan ko nun. Alam kong kailangan lang nito ng kaunting moral support. Hindi ko pa rin pinapansin yung dalawang nilalang sa bintana. Medyo distorted
Speaker 1din kasi yung mga yun, kaya alam kong anytime ay mawawala din ang mga ito. Bumangon na ako ng higahan para uminom ng tubig. Papasok na ako ng kusina nang marinig ko na naman silang nagahagikgikan. This time, sobrang aliw sila, kaya napalingon ako sa bintana. Pero napada ako ang tingin ko sa higaan, at doon ay nakita ko ang sarili ko. na nakahiga pa rin at natutulog. Medyo nagulat ako't napamura nun.
Speaker 1The moment na narealize ko kung anong nangyayari, e para bang may kung anong hindi nakikitang malakas na puwersa ang lumulukob sa akin. Dinaklot ako nito at isinalampak pabalik sa higaan. Pagbalik ko sa katawan ko, ay agad akong napabangon. na para ba akong may spring sa likod. At sa pagkakataon na yun, ay totoong gising na talaga ako. Wala na yung mga nilalang sa bintana. Natampal ko ang noo ko nun.
Speaker 1Sobrang daming mura nang nasambit ko nung gabing yun. At pagkatapos ko namang uminom, ay natulog na ulit ako. Hanggang dito na lang po muna. Sobrang haba na rin po nito. Sa susunod po, isishare ko naman yung iba ko pang karanasan at karanasan din ng mga lolo at lola ko sa both sides ng parents ko. At pati na rin po yung mga karanasan ng mga anak nila. Mga karanasan na ikinuwento nila sa aming magpipinsan. Maraming salamat po.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...