Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Itong kwento ko ay nangyari mismo sa kaibigan kong si Kiko. Tawagin mo na lang akong Max. Bale ganito ang setup namin. Nakatira kami sa isang studio type unit sa Mandaluyong. Yung natirahan naming apartment doon eh magkakamuka. Maliit, masikip, pabaho. Security guard ako sa isang company na malapit sa Mega Mall. Twelve hours ang duty ko. Si Kiko naman Isa siyang
Speaker 1call center agent sa isang kilalang company sa may Ortigas. Magkaiba ang mundo namin pagdating sa trabaho. Pero pag uwi sa apartment, pareho lang kaming ang gusto eh ang matulog na lang. Isang hapon, mga alas 4, kakatapos lang ng shift ko nun. Umuwi akong pagod na pagod dahil sa init na din ang panahon. Naabutan ko si Kiko sa tapat ng electric fan. Hubadbaro, At nakatitig lang sa pader. Okix.
Speaker 1Ba't gising ka ba? Diba tenpi ang pasok mo? Tanong ko sa kanya habang nagtatanggal ng medyas. Tumingin siya sa akin. Pero parang malayo rin ang tingin. Pre. May naririnig ka ba? Tumigil ako sa pagtatanggal ng medyas. Nakiramdam ako. Nakikinig. Ang naririnig ko lang noon is the noise of the tricycles outside and the weak sound of our old electric fan.
Speaker 1It's nothing, bro. Just the noise outside. Why? What are you hearing? It's raining, bro. A while ago. I thought it was just from outside. But even though I closed the window, it's still there. He said. Then he closed his ears. Strongly. Baka bangaw lang yan. O baka sa kapitbahay nagbabakyum. Tulog ka na. Stress lang yan. Sagot ko
Speaker 1sa kanya. Sanay na kasi ako kay Kiko. Masyado siyang perfectionist sa trabaho. Naisip ko, baka pagod at stress lang. Pero nung gabing yun, habang mahimbing akong natutulog, nagising ako nung maramdaman ko yung pagyanig ng kama namin. Shared kasi kami sa isang bunk bed. Siya sa taas, ako naman sa ilalim. Prey? Prey? Naririnig mo na? Bulong niya mula
Speaker 1sa itaas. Baki ko. Alauna na ng madaling araw. Duty pa ako mamaya eh. Reklamo ko sa kanya. Ang lakas kasi prey. Parang ang laki ng bubuyog. Kaso hindi ko naman makita eh. Sabi niya, Narinig ko yung kaluskos ng kumot. Parang nagdatago siya. Kinabukasan lang, mas lumala si Kiko. Pag
Speaker 1uwi ko, amoy baygon yung buong unit namin. Halos masuka ko sa tapang ng amoy nun. Nakita ko si Kiko na may hawak-hawak ng baygon. Ini-espraya niya pati yung mga sulok-sulok ng kisame. Uy Kiko, ano ba yan? Malalason tayo niyan eh. Sigaw ko kay Kiko habang binubuksan ko yung mga bintana. Ay, ayaw mamatay, Pri. Sinusundan ako hanggang sa office eh. Habang nasa kulako, naririnig ko sa loob ng
Speaker 1headset ko. Hindi ko tuloy marinig yung client. Napagalitan na nga ako ng TL ko kanina eh. Akala naglalaro lang ako. Sabi niya, nun ko lang siya napagmasdan ng mabuti. Sobrang putla na niya pala. Tapos yung eyebags niya Eh, ang itim-itim na. Doon na ako nagsimulang maghinala at mag-alala talaga sa kanya. Kilala ko si Kiko. Hindi siya praning na tao. Eh,
Speaker 1sino bang nakaaway mo lately, pre? Tanong ko sa kanya. Napahinto siya. Wala naman. Maliban lang siguro kay Aling Mirna, pre. Yung landlady natin dati. yung sa tinutuloyan natin sa kabila yung hindi nagbalik ng deposit sabi nasira daw natin yung pinto yung matandang laging may inunguya sagot ko sa kanya naaalala ko nga siya nakakatakot yung matandang yun laging nakatingin
Speaker 1ng masama kapag dumadaan kami yung sinasabi nilang mambabarang daw tumawa pa si Kiko pero pilit lang naniniwala ka ba dun? Hindi ko na nga sana papansinin pa kasi chismis lang din naman yung mga nadidinig ko tungkol kay Aling Mirna. Pero kasi yung sumunod na araw, nagsimulang magbago si Kiko. Isang gabi, nakita ko siyang nakatayo sa harap ng lababo.
Speaker 1Nakatingin sa salamin, hawak-hawak yung chani. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya. Hindi niya ako sinagot. Dahan-dahan niyang ipinasok yung chani sa loob ng ilong niya Napatalon ako mula sa kinauupuan ko nun. Nung makita kong may tumulong dugo sa lababo. Sinigawan ko siya. Sabi ko itigil niya yun. Sabay agaw sa tiyaning hawak niya. Kumarap siya sa akin na naiiyak-iyak pa. Alatang natatakot. Hindi na ako makapag-isip ng maayos, Pri.
Speaker 1Ano nga ulit password ng ATM ko? Password? Diba birthday mo lang naman yun? Sabi ko sa kanya, medyo kinilabutan din ako noon. Nakalimutan niya yung birthday niya. Hindi niya na ako nasagot. Pero panay pa rin ang kalikot niya ng tenga niya noon. Dahil may kung ano daw ang gumagalaw doon. Habang tinititigan ko siya noon, eh lalo akong natatakot.
Speaker 1Alam kong hindi na yun bastang stress lang. Ito na ata yung sinasabi nilang barang. Yung hindi lang basta insekto, kundi alaga siya mismo ng kung sino man ang nagpapahirap kay Kiko. Lalong naging mahirap ang buhay namin sa laob ng maliit na unit na yon. Tuwing gabi kasi, imbis na makapagpahinga ko, naririnig ko si Kiko na pagod na pagod na sa itaas. Hingal na hingal siya, parang kinakapos
Speaker 1ng hangin, tapos susundan niyo ng mahinang... Please, just stop. I was so scared. Because to be honest, I didn't know what to do. I was scared of what would happen to my friend. Especially since Kiko didn't intend to stop. Keksliga, let's take a look at that. I said, when I couldn't stand it anymore, I took my flashlight that I was using on duty. Pinaupo ko siya sa plastic na
Speaker 1upuan namin. Ang init niya, para siyang nilalagnat pa. Pinasandal ko yung ulo niya sa pader. Pinatagilid ko. Tapos sinabi kong huwag siyang maglilikot. Itinuto ko yung flashlight sa tenga niya. Sa una, wala akong masyadong makita. Pero nung inusug-usug ko ng konti yung tenga niya, may nakita akong gumagalaw sa loob. Tika tika, may nakita ako. Bulong ko. Nanginginig pa yung
Speaker 1kamay ko noon. Inilapit ko pang bahagya yung mukha ko. Tinignan ko yun ng mabuti. At doon, may nakita akong pakpak. Bumagalaw galaw pa nga yun. Pero nung lalong lumalim yung liwanag ng flashlight ko, e muntik ko na yung mabitawan. Hindi lang kasi pakpak yun. kundi isang maliit na insekto ang nakasiksik sa loob ng tenga niya. Sobrang kinilabutan ako
Speaker 1sa nakita ko. Bakit pre? Anong nakita mo? Meron? Meron nga? Tanong ni Kiko. Alata kong takot na siya nun. Maski ako nangihina rin. Hindi ako makapagsalita nun. Anong sasabihin ko? na may insektong nakatira sa loob ng tenga niya. Tapos biglang napahiyaw si Kiko sa sakit. Napahawak siya sa ulo niya at bumagsak sa sahig. Nagkikisay siya nun. Parang kinukuryente.
Speaker 1Awang-awa talaga ko nun kay Kiko sa nakikita kong paghihirap niya. Tapos may biglang kumatok ng malakas sa pintuan namin. Umasok doon si Kuya Ben, yung landlord namin. He said he was scared of us, and he also smelled the strong smell of a bigot that might have spread in the hallway. When he saw Kiko lying on the floor and holding a flashlight, he wasn't surprised or scared. Instead, he asked, No,
Speaker 1Mirna did this, right? Naku, si Myrna may gawa nito no? Tanong ni Kuya Ben habang tinutulungan akong itayo si Kiko. Yung matandang landlady nyo sa dati nyong tinarhan? Yung dagahas si Kihor? Nagulat ako nun. Paano niya nalaman? Ang sabi ni Kuya Ben, e sikat daw si Aling Myrna sa lugar nila dahil sa pagiging mambabarang nito. Lalot kapag hindi
Speaker 1nakukuha ang gusto. Gaya na lamang ng hindi pagbabalik ng deposito namin dahil sa nasira daw namin na pinto. Tinulungan niya kami. Sinabihan niya ako na magayos dahil dadalhin daw namin si Kiko sa kakilala niyang magaling na albularyo. Hindi ko alam kung saan kami nagpunta nun. Sobra kasi akong nag-aalala kay Kiko. Basta ang alam ko ay malapit na sa bundok yun. We entered a small cave. It looks
Speaker 1like Kuya Ben's albularyo was already said because it was already prepared inside. Kiko was just resting on the floor when the albularyo started its ritual. The albularyo spread its wings and wings. He asked us to hold Kiko's hands tightly while some small insects started to come out of it. Nung magsimulang umusal ng dasalang albularyo, ay mas dumami pa
Speaker 1ang lumalabas na insekto kay Kiko. Sa tenga, sa ilong, sa bibig. Hindi ko halos makayang tignan si Kiko dahil maski sa balat niya, ay meron na ding lumalabas. Masuka-suka ko nun sa nakikita ko, pero imbis na hayaan silang makalipad, Isa-isa silang tinatabunan ng albularyo ng mainit na asin at luyos. Isa-isa silang nagsisibagsakan sa sahig. Hindi ko alam kung gaano
Speaker 1namin katagal na ginawa yun sa dami ng lumabas na insekto kay Kiko. Pagod na pagod kami ni Kuya Ben at ng albularyo. Si Kiko tumigil na din sa panginginig ang katawan niya. Saglit akong nagpanik. Pero nang makita kong banayad na ang paghinga ni Kiko, eh nakahinga na rin ako ng maluwag. Sinabi sa amin ng albularyo na wala na kaming dapat ikabahala. Natuwa naman ako nun. Alos maiyak-iyak
Speaker 1pa ako. Sobrang laking pasasalamat ko sa kanila, lalo na kay Kuya Ben na tumulong sa amin. Kung hindi siguro siya pumunta ng gabing yun, eh ewan ko na lang kung anong nangyari sa kaibigan ko. Hello Sarkira. Hello to
Speaker 1all my fellow listeners. Suki po ulit. Sa last story ko, isa nalaysay ko ang mga bagay na nagmulat sa akin sa mga galaw ng tao. Ngayon ay ang pangyayari naman na nagpabago ng pananaw ko sa mga ligaw na kaluluwa na nage-exist sa mundo nating mga buhay. 2011, fresh graduate kami nun ni Marcus. Bakasyon pero naisipan naming mag-volunteer ng
Speaker 1summer job sa school namin. Para na din sa extra credit kung sakali na mag-a-apply kami. So na-assign kami sa science lab. Nung time na yun, may mga estudyante pa rin na nagte-take ng units nila dahil sa incomplete o back subjects nila. Kaya naman pagdating namin ni Marcos sa science lab, eh marami-raming estudyante ang naroon. 28 sila lahat Kasama sa trabaho namin ang bilangin sila at mag-take ng attendance.
Speaker 1Ang dami namang summer class ngayon? Pwede ba yun? Tanong ko ng pabulong kay Marcus. Malay, basta ayusin na lang natin trabaho natin. Yama na sila. Ang gawain namin ni Marcus noon, eh ang maging observer sa mga estudyante ng science lab. Isang oras lang ang instructor, at ang ibang estudyante, eh inaabot ng dalawa hanggang tatlong oras dun. Trabaho din namin ang ligpitin ang mga gamit na hindi na ay
Speaker 1balik sa tamang lalagyan at ang linisin ang room na yon. Fast forward, isang linggong lumipas at ang ibang estudyante eh nakakabatean na namin. Bawal naman kaming makipagkwentuhan sa kanila during class or sessions nila dahil kailangan nilang magfocus sa ginagawa nila. May mga nagawa din pala ng research that time. Kaya mas lalong bawal i-distract ang mga studyante. Kung hindi, ay bawas credits sa amin kapag nahuli kami. Fast forward po ulit.
Speaker 1Sabado ng umaga yun, nauna akong dumating sa campus. Dahil may dinaanan pa si Marcus nun sa opisina ng mama niya. Napaaga ko. 8.30 ang dating ng mga studyante at 7.30 pa lang nung dumating ako. Mas gusto ko kasi na maiayos na muna ang room at maiset ang mga equipments bago pa dumating ang mga kasama namin. Nang makarating ako sa mismong science lab, nagtaka ko dahil may nadinig akong
Speaker 1tumitipa sa keyboard ng computer. Malakas yun na parabang galit. Kulo bang science lab? Sarado ang mga bintana, pero dinig na dinig ko pa rin yung pagtipa ng kung sinong nasa loob. Meron din akong nadidinig na parang mahinang humihimig sa loob. Nagtaka ko, kasi nasa akin naman yung susi, so paanong may makakapasok dun? Nang pihitin ko ang doorknob, biglang tumigil yung malakas na pagtatype sa keyboard. Napatigil din ako,
Speaker 1dahil bukod sa kinabahan ako, e nakalak yung pinto. Lakas loob kong sinusian yung pinto. Dahan-dahan kong pinihit yun. Nang magklik yung lock ng doorknob, ay sabay rin na may pumukpok ng malakas sa keyboard. Yung pinukpok talaga ng dalawang kamay. Tapos may biglang lumagabog, o parang may nalaglag, o may naibato sa may pinto. Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang pintuan, eh naisara ko na ulit yun. Napaatras ako.
Speaker 1Napasigaw pa ako nung biglang magsalita si Marcus sa gilid ko. Love ano yun? Tanong niya. Mabanggit ko lang po. Kami na nga po pala ni Marcus ng mga panahon na to. Balik tayo sa kwento. May tao yata sa loob. Galit eh. Ibinato niya yata yung keyboard sa akin. Naisara ko lang agad yung pinto. Marcos got scared and immediately opened the door.
Speaker 1But when he entered, he immediately said that there was no one. He went straight inside. He looked at every corner. I also entered then. I looked at the two computers that were there. I saw one with the keyboard broken. Look, how did this happen? Inangat ko yung keyboard at ipinakita sa kanya. Sira na yun. Bali sa gitna. Maayos naming
Speaker 1iniwan kahapon yun bago kami umuwi. Kaya nakapagtataka talaga na ganoon ang sira nun. Tawagin natin ang gwardya. Sabi niya sabay labas. Agad akong tumakbo at kumapit sa kanya. Sa pag-aakalang may nakapasok nga doon at nagsiksik lang sa kung saan. Kinala ko noon, e sakisame, since may vent doon na kasha ang tao. Iniwan ni Marcus ang science lab, pero
Speaker 1inilak naman namin sa labas yon. Para kung sakali mang may tao sa loob, e hindi siya basta-bastang makakalabas. Nagdatingan na din yung ilan sa mga estudyante doon. Nung makarating kami sa guardhouse, e naroon din sila. Kaya naman pinigilan na muna namin, at sinabi namin sa guard ang problema. Agad naman na nagradyo si Mang Temyong sa kapwa niya guard na nakabase sa ikalawang gate Pinuntahan nila ang science lab Nakasunod lang kami nun at ang ilang mga estudyante
Speaker 1na nakikiusyoso sa nangyari Nakakapit lang ako nun kay Marcus dahil takot na takot talaga ako Nang lumabas na si Mang Temyong eh wala naman daw tao roon at walang pangitain na may force entry sa room na yon o kahit sa vent ng science room Baka yung makulit na tatay na naman ni Junjun dyan ano. Ayon nun ang naiistorbo dyan eh. Sabi ni Kuya Gary, yung gwardya dun sa ikalawang gate. Masyado ka namang mapagpaniwala sa kung ano-ano utoy.
Speaker 1Sabi ni Mang Tem yung. Agad siyang nagbilin sa amin na ayusin na lang ang nasira at dinala. niya kami ng pamalit sa keyboard na nasira. Hindi na ako nakafocus nun sa ginagawa ko. Halos nakadikit lang ako kay Marcus sa buong araw. At sa lahat ng ginagawa namin. Tulad nga ng sinabi ko, ay hindi ako naniniwala noon basta sa mga hindi nakikita ng mga mata ko. Pero dahil sa mga pinagdaanan namin, ay nararamdaman ko ng dapat akong matakot.
Speaker 1Lunas ng umaga. Masama ang pakiramdam ko nun dahil may dalaw ako. Wala ako sa mood. Pero nung papasok na kami, ay may naamoy akong mabangong amoy ng nilulutong sopas. Kaya sabi ko kay Marcus, iantayin na niya at bilhan niya ako. So naunan na ako nun sa science lab. Bale ang layo ng kantin sa science lab eh kaunti lang naman. Nasa third floor lang kasi yung science lab. Hirap na
Speaker 1hirap akong umakyat noon dahil masakit ang puson ko. At nung makarating na ako sa taas, nagulat ako sa tumakbong bata. Naka-yellow yun at naka-itim na pantalon. Lumigon pa siya sa akin at ngumiti. Since maghiliw ako sa mga bata noon, ay ngumiti din ako. Uy be, bawal dito. Dun ka lang dapat sa park. Baka makita ka ng guard, mapapagalitan ka talaga. Ngumiti lang siya ulit sa akin. Tumalun-talon habang
Speaker 1nakakapit sa railings. Sumampa pa siya dun sa may nakaangat na bakal, yung kalahating dangkal mula sa sahig. Saka paharap sa akin na naglipat-lipat. Sinit ako siya. Sabi ko bawal yung ginagawa niya. Baka makita siya ni Mang Tem yung Siguradong mapapagalitan siya nun. Tapos tinanong ko kung nasaan yung kasama niya. Lumingon siya sa science lab. Kaya napalungon din ako dun. May nakita kong lalaking nakatingin sa amin. Sa
Speaker 1pagkakatitig niya, eh para ba itong galit? Hindi ko alam kung sa akin o sa bata. Pero natakot ako nun. Tapos nawirdohan pa ako sa kanya nung mapansin kong nakabarong yung lalaki. Bakit ka ako nakabarong siya? Tanong ko pa sa sarili ko. Hindi ko alam pero may kilabot na gumapang sa buo kong pagkatao. Hindi ako nakakilos nun. Ramdam kong nanginginig yung tuhod ko. Naagaw pa ang pansin ko
Speaker 1nang humalakhak yung bata. Sabay sabi niya ng, Takbo. Pero parang pabulong lang sa hangin yung nadinig ko. Tapos dun na siya kumilos sabay takbo. Impit pa akong napasigaw nun dahil nakita ko yung suot nung bata. Hindi jacket na dilaw yun, hindi barong na dilaw. Tapos meron itong biyak sa likod. Inahapo na ako nun sa sobrang takot. Pero
Speaker 1hindi ako nagkalakas ng loob na makagalaw o tumakbo. Napatingin ako nun sa lalaki sa may pinto ng science lab. Nakita ko siyang may dala na parang latigo. At ang nakakapangilabot pa nun, unti-unti siyang papalapit sa akin habang nakalutang sa hangin. Hindi ko na maipaliwanag yung takot na nararamdaman ko nun. Umikit ako dahil hindi pa rin ako makakilos.
Speaker 1Nagulat pa ako. Nung may malamig na kamay na tumapik sa akin, para ba akong dinikitan ng yelo sa balat? Namulatan ko sa harapan ko yung bata. May itinuturo siya sa isang room sa kabilang aisle. Doon pa lang ako nagkalakas ng loob na tumakbo. Umiiyak ako at nararamdaman ko nun na anumang sandali ay matutumba ako. Nararamdaman ko yung lalaking nakabarong sa likod ko. Parang sobrang lapit niya na
Speaker 1sakin na kung buhay siya, eh maaabot niya na ako at maigugupo ng walang kahirap-hirap. May isang dipapa ata ang layo ko nun mula sa pinto ng kwartong itinuro sa akin nung bata. Kaya mas lalo kong nilakihan ang hakbang ko. At nung maabot ko na yung doorknob, ay agad ko yung binuksan. Nagulat pa yung tatlong instructor sa loob sa bigla ang pagpasok ko sa kwarto na yun. Sir Marvin,
Speaker 1Ma'am Nens, and Sir Burns. Hey Suki, what's wrong? Sir Marvin said. I was just hanging out. Sir Burns brought me closer. After that, that was my last memory. I woke up inside the clinic. Marcus was beside me. He was asking me questions. Nasan na yung mga gamit natin?
Speaker 1Yun ang sagot ko sa kanya. Nasa lab daw, sabi niya. Agad akong tumayo nun. Naglakad ako papunta sa lab. Napatingin pa sa akin yung mga estudyante, pati si Ma'am Ness, na nakasign na instructor nung time na yun. Inanong niya kung okay na daw ba ako. Kumusta raw ang pakiramdam ko? Ako eh, okay naman na ako. Pero hindi na ako babalik doon. Sabi ko pa na yung nagpapakita doon ay nananakit.
Speaker 1Nadinig ko pa noon na nagbubulungan yung mga estudyante. Halatang mga natakot din. Si Marcus naman ay nakasunod lang sa akin noon. Hindi siya naimik. Alam niya kasi kapag may desisyon na ako at talagang pinaninindigan ko yun. Napatangulang sa akin si Ma'am Ness nang papirmahan ko yung attendance slip namin ang araw na yon. I also noted that I won't be coming back. You'll really die if I'm not by your side, right? said Marcus. Why are you taking
Speaker 1so long? I said. You're waiting for me at the Sobas, right? I almost started when I went there. I'm just washing up. And I'll know you when you're here. I'm sure your toe will be scratched again if I'm not there. Pabirong sabi niya pa. Napangiti na lang ako nun kahit papaano dahil dun. Dahil ganun niya ako kakabisado. Ayoko na talagang bumalik dun. Diyos ko, mamatay ako eh. Sabi ko. Ano
Speaker 1bang nangyari kasi? Nanong naman ni Marcus. Hey ma'am, nadinig ko yung nangyari sayo ah. Nakita mo yung mag-ama? Agaw na tanong ni Kuya Gary sa amin. Oo kuya, may ganun pala talaga dun. Ha, kwento lang sa akin ng kapatid ni Kuya Temyong. Panggabi daw kasi yun dito. Year 1995. May magama daw talagang dating nakatera dito. Sila yung tagapangalaga
Speaker 1ng Botanical Garden pagbakasyon. Sila din yung nag-aalaga ng mga manok na alaga ng mga agri-students. Balay mabait at masipag naman yung lalaki kapag hindi nakakainom. Pero kasi may pagkalasinggero, tapos malupit. Pag dumating siya na hindi pa nagagawa ng anak niya yung dapat niyang gawin, na 8 years old lang nung time na yun, ay pinapalo niya raw ng matindi. Eh yung ipinapagawa niya naman dun sa bata, eh trabaho
Speaker 1niya naman talaga. Pagdidilig, pagpapakain sa mga manok. May nanay naman daw yung bata, pero nasa abroad, kaya nasa pangangalaga niya yung bata. Nagsusugal din daw yung lalaki na yun. At kapag natatalo, mas matinding sakit sa katawan yung nakukuha nung bata. Fiesta daw noon ang bayan na to nung mangyari yung malagim na sinapit nung bata sa kamay ng sarili niyang ama. Natalo daw yung tatay sa Tongich tapos
Speaker 1nagbaka sakali pa sa ibang tayaan. Pero ganun din, natalo. Pag uwi nung ama, naabutang wala yung anak. and nothing else to do at their job. His daughter was so angry that she looked for him. Because of the race, the child was also distracted by the colorful toys, birds, and more. When the child saw his father looking for him, he tried to run and hide, but he saw him and reached him. And there, his daughter was not afraid of a man. At ang sabi-sabi, may mga kemikal daw
Speaker 1noon sa lab na hindi maaaring matapon dahil toxic sa tao. Marahil daw eh, nahaplit yun ng tatay at tumapon. At sa sobrang kalasingan ng ama, eh napuslitan ito ng bata. Isinara ang pinto ng science lab at inilakay yun sa labas. Nang matagpuan daw ng mga tao ang mag-ama, ay wala na silang buhay pareho. Yung bata ay nasa ibaba ng hagdan. Duguan. Dahil nakalanghap din ito ng kemikal. Nawalan ng malay at
Speaker 1nahulog pababa ng hagdan. Doon daw ito namatay. At yung ama naman, namatay sa loob mismo ng science lab. Dahil na rin sa suffocation. Simula nun, lagi nang may mga studyanteng nakakaramdam o nakakakita sa bata. At hindi mo gugustuhin makita ang ama nito. Dahil nangahabol daw talaga ito Nagkukwento rin kasi sakin yung mga panggabing estudyante May mga panahon
Speaker 1pangang humahangos sila dito Magsusumbong May lalaki daw na masamang nakatingin sa kanila May mga ingay at may mga kalampag sa loob ng science lab May mga bagay daw na nalalaglag at nasisira Mahabang kwento ni Kuya Gary sa amin Eh grabe naman yung pagpaparamdam nun Nananakit talaga? Sabi ni Marcus. Ako naman, sabi ko, ayoko na talagang bumalik kung ganun.
Speaker 1Kako eh, huwag na rin bumalik si Marcus. Pagkatapos nga lang din noon, eh naganap na kami ni Marcus ng trabaho. Nakakita rin naman agad kami. Sa mga buwan na lumipas, eh ayos naman ang samahan namin. Pero simula nung insidente sa campus na yon, ay hindi na ako pinatatahimik ng mga nila lang na hindi nakikita ng pangkaraniwang mga mata. Lagi nang may nagpapakita sa akin. At doon na rin nabuksan ang mga panaginip ko na nagiging babala sa akin
Speaker 1sa mga pwedeng mangyari sa hinaharap, sa akin man, o sa mga mahal ko sa buhay. Sobrang hirap lang paniwalaan lalo kong ilalagay ko ang sarili ko noon at ibabalik ko yung panahon na hindi pa ako nakakakita. Pero totoo pala talagang may mga ganito. Kung ba hindi lang talaga matahimik na kaluluwa yun, o pagkawala ng diablo, eh hindi ko alam. Basta ang alam ko, nakikihalubilo sila sa mga buhay.
Speaker 1Lalo na, kapag may unfinished business sila na naiwan sa lupa. Sa susunod po ay iyon naman ang ikukwento ko. At kung paano noon na bago ang takbo ng buhay ko. Maraming salamat po sa pagbasa, Sir Kira.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...