Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Hindi po ko sanay magkwento ng mga ganito. Kaya sana, magpasensyahan nyo na po itong pagkakasulat ko. Kayo na din po siguro ang bahalang mag-ayos. Tawagin nyo na lang po kong Ray. 1990s nung pinalipat kami noon sa isang relocation site. Alam mo yung itsurang pare-pareho yung bahay. Dikit-dikit, tapos marami na agad tambay. Doon ko nakilala si Mara. Ilang bahay lang ang layo nila mula sa bahay namin. Tahimik lang siya, boskira.
Speaker 1At masasabi kong wala talaga siyang kaklose sa mga kaibigang sinasamahan niya. Parang hindi siya marunong makisabay. Pag naglalaro kami, hindi siya tumatawa. Gumingiti lang siya. Madalas pa, light reaction siya sa mga jokes namin. Kasi may ilang minuto pa bago siya tumawa. Pero sa serilini niya na lang yun. Pero palagi ko siyang napapansin. Kasi palagi siyang nakasunod lang din sa amin. One time, nagkayayaan kaming maglaro ng taguan
Speaker 1sa likod lang ng bahay namin. Nandoon kasi yung mga bakanting bahay na hindi pa tapos. Ako yung tayanon. Excited pa akong nagbibilang. At nung matapos na nga, agad din akong humarap para sana hanapin na sila. Pero nagulat ako nung biglang nasa likod ko pala si Mara. Hindi ko siya nadinig na lumapit nun sa akin. Lalong hindi ko rin siya naramdaman na sobrang malapit na pala siya sa akin. Ngumiti lang siya at nagsalita na hanapin ko na daw sila.
Speaker 1Hindi pa kasi siya kasali nun dahil mukhang kararating lang niya. Pero dahil sobrang lapit niya nga sa akin, napansin ko kaagad yung kakaibang amoy na nanggagaling sa kanya. His hair was wet, so it looked like he had just taken a bath. But when he spoke, it was the smell of his breath. It really smelled like blood. Since then, I've been avoiding him. I still notice him, but I'm
Speaker 1just moving away so I don't smell him anymore. It wasn't hard for me to avoid him either. Dahil hindi naman siya sumasabay sa amin na umuwi. Minsan, bigla na lang siyang nawawala. Minsan ay may sumusundo sa kanya na hindi namin kilala. Tapos makikita na lang namin siya ulit kinabukasan. Tinanong ko siya nung minsang mapalapit siya sa gawi ko. Mara,
Speaker 1san ka banda nakatira? Tapos itinuro niya lang kung saan. Doon ko na nga nalaman na nasa iisang street lang pala kami. At doon daw sila sa dulong bahay mismo. Yun yung area na walang poste ng ilaw. Kaya siguro madalas, madilim pa ay wala na siya. Nasanay na lang din talaga kami na ganun siya. Kasi sabi niya noon, e istrikto daw yung mga magulang niya. Kita din naman sa kanya. Minsan kasi, makikita namin siyang may mga pasasabraso O kaya
Speaker 1ay sa binte. Kaya kahit kami mismo na hindi pa nakikita ang mga magulang niya, eh natatakot na kami dito. Kaso isang beses, dala na rin siguro ng kuriusidad, ako at ang isa pa naming kaibigan eh nagplano na puntahan at tignan ang bahay ni Lamara. Isang diretsyo lang naman yung kalsada na yun. Pagdating namin sa dulong bahay, eh wala namang nakatira doon. Pero meron pang isang lumang bahay doon na nasa labas pa ng bakod. Luma pero halatang
Speaker 1may nakatira doon kahit ganon. Matataas ang talahib sa paligid nila. Tapos may tatlong malalaking puno ng mangga ang nakapaligid dito. Pasilip-silip lang kami nun. Wala na kaming plano na tumawid pa ng bakod dahil padilim na rin ang paligid nun. Of course, when we came out of that house, we saw the man who was always following Mara. That's why we were sure that he really lived there. My partner immediately agreed that that was Mara's house. That's why we
Speaker 1slowly walked further when we sat down. It was like we were squatting, so we walked slowly too. When it suddenly rained, Nagkatinginan kaming pareho ng kasama ko. Nang makaamoy kami ng mabaho. Amoy na parang nabubulok na basura. Sobrang baho talaga nun. Kaya binilisan na namin na makalayo doon.
Speaker 1Nung tingin namin eh nakalayo na kami. Saka kami tumayo at tumakbo na papalayo. Nakasalubong din namin sa daan si Mara. Hindi namin malaman kung paano kaming hihinto. Pero kasi... Nakatingin siya sa amin na parabang nagtataka. Siguro nagtataka siya kung bakit nandun kami. Pero hindi na kami huminto. Nagdirecho na kami ng takbo. Kinabukasan nun, hindi na muling nakita pa sila Mara. Pag nagtatanong yung iba naming mga kalaro ng
Speaker 1tungkol kay Mara, ay nagkakatinginan na lang kami ng kasama ko. Naisip namin, paano kung nakita pala kami nung lalaki At napagalitan si Mara. Baka nasaktan na naman siya ng mga ito. Kaya hindi siya makalabas ng bahay. Natakot patuloy kami. Fast forward po. Yung papa ko na nagtatrabaho sa barangay ay umuwing mainit ang ulo. Nadinig ko lang sa usapan nila
Speaker 1nila mama na may inaaswang na naman daw sa barangay namin. Kaya nautusan silang lumipat ng pagbabantayan. Kasi sigurado daw na yung buntis ulit na yun ang tatargetin nung aswang na yun. Nung hapon din na yun, biglang nagpakita si Mara. Tinanong niya kung pwede daw siyang sumali ulit sa laro namin. Na siyang sinangayon na naman naming lahat. Hindi ko na nga naisip nito yung ginawa naming pagpunta sa bahay nila.
Speaker 1Nakahinga na lang din kami ng maluwag nang tila ay okay naman siya. Pero pagkatapos naming maglaro, nilipitan ako ni Mara. Tinatanong niya ako nun, bakit daw kami nagpunta doon sa kanila? Sabi ko naman, eh naglibot lang kako kami, hanggang sa umabot kami sa dulo. Kako pa, wala namang nangyari. Tinignan niya lang muna ako sa matanon, saka siya ngumiti ng bahagya.
Speaker 1Tapos sabi pa niya, Sabi ni mama, Punta da ulit kayo sa amin. Gusto niyang makilala yung mga kalaro ko. Umuon na lang kami nun ang kasama ko. Pero hindi kami sumama. Sabi namin na sa susunod na lang kasi magpapahalam pa kami. Nung makauwi ako ng hapo na yun, napaisip ako sa sinabi ni Mara. Sabi ng mama niya? Ibig sabihin nakita kami ng mama niya? kinilabutan ako sa
Speaker 1naisip ko na yun. Akala kasi namin nun, eh walang nakakita sa amin nung bumalikwas na kami ng uwi. Noong mga sumunod na araw, panay pa rin ang pag-aalibay namin na hindi kami pwede o hindi kami pinapayagan o pinapauwi kami ng maaga. Pero hindi na kami nakatanggi nang sabihin niyang huwag na lang daw kaming magpaalam tutal daw ay sasaglit lang naman kami dun. He said he would introduce
Speaker 1us and then he would go home. When the three of us arrived at their house, he made us sit in their long bench outside the house. His mother wasn't there yet, so we waited there. We didn't smell anything that we smelled when we went there first. But we felt something different around us. Kasi pakiramdam ko nun, may nakatingin sa akin sa kung saan. Hindi ko sure kung
Speaker 1ganun din ba ang mga kasama ko. Pero nakaramdam ako ng konting kaba nun. Maya-maya, nakita ko na merong mabilis na gumalaw sa mataas na talahiban. Parang tumatakbo yun papalapit sa amin. Nung medyo malapit na nga ito, bigla na lang din tumigil yun. Kaya hindi ko na nakita yun. Noon naman may biglang nagsalita sa kabilang side ng bahay. Pinapapasok kami sa loob dahil may dala daw itong merienda.
Speaker 1Sinubukan naming tumanggi kasi nakakatakot pala talaga yung nanay ni Mara. Sigurado kaming yun yung nanay niya dahil kamukha pa rin ito ni Mara. Maski nga yung tingin nito sa amin ay katulad kung paanong tumingin ang anak niya. Pero ipinilit pa rin ito na pumasok kami. kasi malamok daw dun since hapon na nga. Pagpasok, namin sa loob ay may kakaibang ang amoy doon. Nakakahilo yun sa baho. Mahirap explain
Speaker 1eh pero masakit din yun sa ilong. Sobrang kalat din pati sa loob ng bahay nila yun. Pagtingin ko sa kaliwa ko doon ako mas kinabahan. Nandun kasi yung lalaking sumusundo kay Mara minsan. Yung lumabas ng bahay nung araw na pumunta kami. Sobrang sama ng tingin niya nun. Na para bang may ginawa kaming masama para tignan niya kami ng ganun. Na para bang galit na galit ito. Inilabas
Speaker 1ng nanay ni Mara ang tinapay na dala niya. Tapos naglagay din siya ng isang pichel na tubig sa lamesa. Napilitan kaming kumuha ng tigiisa nun. Tapos dun na nagsalita si Mara. Pinakilala niya kami sa nanay at tatay niya. Pero ni hindi man lang kami nilingon ng tatay niya. Tapos sinabi pa nito na hindi raw kami pwedeng magtagal doon. Dahil pumuslit lang kami sa mga magulang namin. Naintindihan naman namin yung ginawang yun ni Mara. Kaya tumangu kami at
Speaker 1saka nagsitayo na. Maayos kaming nagpaalam nun sa kanila. Nung ibaba ba na sana namin yung tinapay na hawak namin, e sinabi nito na dalhin na lang daw namin yung merienda at kainin habang pauwi kami. Na sinunod na lang din namin. So lumabas na kami. Kinatid pa kami ni Mara sa bungad at sinabihan niya kami na huwag daw namin kakainin yung tinapay na hawak-hawak namin. Tinignan niya ako
Speaker 1ng seryoso Tapos hinawakan niya ako sa pulsuhan ko. Nagulat pa nga ako nun kasi sobrang higpit ng pagkakahawak niya at nanginginig pa siya nung time na yun. Na parang pati siya natatakot din tulad namin. Noon ko nalang din napansin yung ilang pasanya sa braso. Mapusyaw na yun kaya hindi na masyadong halata sa malayuan. Tapos nun muling ipinaalala
Speaker 1sa amin ni Mara Na wag na wag namin kakainin yung tinapay. Tapos may ibinigay siya sa akin na... Nakabalot sa tela. At mas hininaan pa ang bulong. Eto. Ibulsa mo to. Huwag mong bibitawan hanggang hindi kayo nakakauwi sa bahay niyo. Sa kanya kami tinalikuran na lang basta. Hindi na yun nawaglit sa isip ko. Yung tinapay... Itinapon na
Speaker 1lang namin sa kung saan. Hindi na din namin yun na pag-usapan pa ng mga kasama ko, pati na ni Mara. Yung nakabalot na tela na ibinigay niya nung araw na yun, hindi ko na nakita pa. Nawala na kasi yun sa isip ko pag uwi ko, at hindi ko natanggal sa bulsa ng shorts ko nung hubarin ko yun. Di ko alam kung nakita ni Mama nung naglaba siya, pero kasi wala naman siyang ibinibigay sa akin. Fast forward po ulit.
Speaker 1Nagulat na lang ako nung bigla na lang sumulpot si papa sa bahay at tinawag niya ako. Tinatanong ako tungkol sa isang kalaruho. Hindi niya kilala ang pangalan. Pero nung i-describe niya sa akin, napagtantuko na si Mara yung tinutukoy niya. Sinabi ko naman sa kanya yun. Tinanong niya ako kung alam ko daw ba kung saan sila nakatira. Kinabahan ako noon. Sinabi ko lang na hindi ko alam eksakto. Pero itinuro
Speaker 1ko kung saan banda pumupunta si Mara kapag umuwi na ito. Tapos nun, tinignan niya ako ng matagal na para bang may iniisip. Tapos tinanong niya kung nakita ko daw ba ang tatay ng kalaro ko. Sabi ko, oo. Dahil sinusundo nito si Mara paminsan. Tapos sinabihan ako na huwag daw muna kaming makipaglaro sa labas. Pagkatapos nun, lumabas na ulit si Papa. Ilang araw ang nakalipas. Binalita ni Papa na
Speaker 1pinaghihinalaan daw na aswang ang pamilyang nakatira sa dulo ng site. Kaya mas pinagbawalan na akong lumabas para makipaglaro. Pinag-uusapan para ko anong gagawing akbang ng barangay. At nung araw din na yun mismo, ay nagkasundo-sundo sila na Tutugisin na raw ang pamilyang yun sa mismong bahay nito. Sinubukan kong tumakas at sumunod kila papa. Pero may nakakita sa akin na
Speaker 1kasamahan ni papa sa barangay. Pinagsabihan ako nito. Delikado daw ang pupuntahan nila. Hinintay pa nga niya muna akong makapasok nun sa loob ng bahay bago siya lumakad. Kaya hindi ko na talaga nagawang makalabas pa. Kinabukasan, umuwi ding dismayado sila papa. Nakatunog daw ito at wala na silang naabutan nung puntahan nila ang bahay. Sinubukan pa rin daw nila
Speaker 1na magbantay malapit dun. Nagbabaka sakali na bumalik pero wala daw. Siguro mga ilang araw pa silang nagpabalik-balik dun sa pagbabaka sakali nila. Pero hindi na raw talaga ito bumalik pa
Speaker 1Hindi po ko naniniwala sa mga ganito. As in zero, multo, engkanto, o kung ano paman. Para sa akin lahat ng yan gawa-gawa lang para makapanakot o bilang libangan. Lumaki akong logical mag-isip. Kahit anong kwento, may paliwanag dapat. Hanggang sa sumama ko sa isang lamay na hindi ko naman dapat pinuntahan. Come with me, please. Leia said. I wasn't his girlfriend back then.
Speaker 1We were just friends. But you know what? It's hard for him to refuse because, of course, I was still a human back then. His grandfather was dead. I wish I didn't have a problem with him coming with me. But it was too far. We still had to go back to their province in Quezon. Yung parents daw kasi niya ay hindi na siya nahintay. Kaya wala siyang kasama na uuwi doon. Napapayag din naman niya ako. Parang wala
Speaker 1din naman kasi talaga akong choice. Kumbaga, papogi pa ako na ito sa kanya eh. Best foot forward, ika nga. Hapon na nung umalis kami ng Bulacan. Kaya gabi na nung makarating kami sa kanila. Sa isang baryo sa gilid ng bundok, somewhere sa Quezon. Walang signal. Walang poste ng ilaw. Literal na madilim. Basta pagdating namin, eh normal lang. Ipinakilala niya ako sa mga kamag-anak niya dun. Basimple kong inilibot
Speaker 1ang paningin ko sa kabuhuan ng bahay. Simple lang ito. Maliit yung bahay. Nasa labas lang nila yung lamay. Ilang upuan, tarp at iilang ilaw. Tapos tahimik. Sobrang tahimik. Wala kasing ibang bisita o nakikiramay doon kundi yung pamilya o kamag-anakan lang nila. Unang gabi ko doon ay okay naman. Winelcome naman ako ng maayos. Nakihalubilo ako. Nakipag-inuman pa nga at nakipagkwentuhan.
Speaker 1Pero nung makaramdam na ng antok si Leia sinabihan niya ako na matulog na daw kami. In-excuse niya na ako sa mga kamag-anak niya. Tapos dinalan niya na ako sa kwarto kung saan daw ako pwedeng matulog. Sabi ko nga nun sa kanya buti hindi niya ako iniwan lang at natulog na lang basta. Natawa siya nun. Alam daw kasi niyang mahihiya akong magsabi kaya isinaman niya na ako. Pero bandang madaling araw nagising din agad ako. Hindi kasi ako
Speaker 1sanay matulog sa ibang lugar at sa ibang higaan. Nung time na yun Ewan ko ba? Bakit hindi ako mapakali? So lumabas na muna ako ng kwarto. Paglabas ko, doon ko nakita ang isang aso. Malaking aso yun na tahimik lang na nakaupo sa kabilang side ng kalsada. Nakatingin lang ito sa kabaong. Naisip ko agad na baka alaga yun ang namatay. Nagdadalawang isip pa ako nun kung pupuntahan ko
Speaker 1ba yung aso. Mukha naman kasing mabait. Na hindi nga natahol sa mga tao sa lamay eh. So naisip ko na baka sanay sa tao. Di pa man ako nakakapag-decide kung lalapitan ko ba yun. Ay may bigla nang nagsalita sa likod ko. Dito yun ni Leia. Huwag mong lalapitan yan. Hindi aso yan. Sabi niya. Napangisi ako sa sarili ko. Kaya hindi kong napigilan ang sarili ko na magtanong ng
Speaker 1sarcastic sa kanya. Eh ano po pala yan sir? Multo? Gusto kong sakalin ang sarili ko nun. Ganun kasi ako makipag-usap sa mga kaibigan ko eh. Nag-alala tuloy ako na baka mainis sa akin yung tito ni Leia. Bahagya ko siyang nilingon. Wala naman siyang naging reaksyon sa tono ng pananalita ko. Pero muli siyang nagsalita. Tinitignan ka niya. Pero pagbalik ko ng tingin sa kung nasaan yung aso, ay
Speaker 1wala na ito. Kinabukasan, nagpunta kami sa ilog. Malayo-layo din yung nilakad namin nun hanggang sa makarating kami sa sinasabi nilang secret falls. Maganda dun. Malinis at malamig ang tubig. Mapuno din. Kaya hindi kami masusunog sa init ng araw. Lumusong na ako agad kasama ang iba pang pinsan ni Leia. Si Leia naman may inayos pa ata nun. Naghulat na
Speaker 1lang ako Nung bigla siyang sumulpot malapit sa amin at tinawag ako. May itinuturo siya sa taas. Hindi ko paman din nakikita yung itinuturo niya. Ay nagulat na lang kami nang bigla siyang sigawa ng isang nakatatandang pinsan niya. Huwag daw kaming basta-bastang turo ng turo. Lalo na, nasa gitna kami ng gubat. Nilapitan niya kami at sinabihan na masama daw magturo sa gubat lalo pat dayo lang kami ni Leia doon. Humingi naman kami ng pasensya at hindi na
Speaker 1kami umulit pa ni Leia. Nung gabing yun, mas madami na ang tao sa lamay. Mas madami na ang nagsusugal at ang nakikiramay. Si Leia hindi makalabas ng bahay. Paano bigla siyang nilagnat pagdating nung gabi? Sobrang init ng katawan niya at nanginginig siya sa panlalamig. Pagising-gising daw siya, Dahil pakiramdam daw niya ay magsusuka siya. Nung hindi na daw
Speaker 1siya makatulog talaga, lumabas na siya ng kwarto. Nakita ko siya agad nun. Nakatambay lang kasi ako nun sa sala. Nilapitan niya ako. Sobrang sangsang daw sa kwarto kaya siya lumabas. Hindi daw siya makatulog. Kaya ang ginawa ko nun, pinasok ko yung kwarto niya at hinanap yung sinasabi niyang amoy. Pagpasok ko, Meron ngang mabaho doon. Parang nabubulok na patay na hayop yung amoy nun na hindi mo maintindihan. Hinanap
Speaker 1ko yun sa bawat sulok ng kwarto. Pero wala. Naisip ko na baka sa labas nang gagaling yung amoy na yun. So lumabas ako ng kwarto. Sinabi ko kay Leia, itignan ko sa lukod kung nandoon yung mabaho. Siguro dahil sa pangihina niya, eh tumangon na lang siya. So lumabas ako nun, nadaanan ko yung mga naglalamay, kaya nakita din ako ng ilang kamag-anak ni Leia. Nag-excuse lang ako sa kanila nun,
Speaker 1tapos gumilid ako sa kabilang bakod. Wala naman silang kapitbahay, kaya siguradong makikita ko doon ang kung ano man yung mabahong nangangamoy. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, ay nakakita ako ng isang malaking aso. Yun yung aso na nakita ko noong unang gabi namin doon. Nakatayo ito at diretsyong nakatingin sa akin. Hindi ito gumagalaw at hindi na rin siya mukhang maamo nung time na yun. Dinig ko ang
Speaker 1mahinang pag-angil nito sa akin. Naganap ako sa gilid nang pwede kong ipambato dun sa aso. Pero nagulat ako nang may humila sa akin palayo doon. Yung tito ni Lea yun. Yung nagsabi sa akin na huwag ko daw lalapitan yung aso Makinig ka sa akin toy Kung gusto mo pang makauwi ng buhay sa inyo Hindi aso yan Aswang Pagkasabi
Speaker 1niya noon Ay tinalikuran niya na agad ako Sabay sabi niya na Nasa yun na yan kung makikinig ka o hindi Hindi ko nagawang makatulog nung gabing yun pagkatapos nung nangyari. Hindi mawala sa isip ko yung babala ng tito ni Leia. Hindi kami umalis ng bahay nun para maggala. Masama pa rin kasi ang pakiramdam ni Leia. Gusto na nga sana siyang ipadala ng tito niya sa ospital. Pero siya na
Speaker 1mismo ang may ayaw. Sabi niya, eh simpleng lagnat lang daw yun. Baka daw dala lang ng pagod, kaya nagkasakit siya. Hindi naman na nakipagtalo yung tito niya. Mas alam naman daw ni Leia ang sarili niya kesa sa kanila. Kaya hayaan na lang daw. Tutal naman daw ay bukas na ang uwi namin. Pero pagdating ng tanghali nun, si Leia suka na ng suka. Pinilt ko siya nun na pumunta
Speaker 1na ng ospital. Pero sabi niya, inaasid lang daw siya. May mga gamot naman daw siyang dala. Kaya magiging okay din daw siya. Mga bandang hapon, nakatulog na si Leia sa sala. Doon siya naabutan ng matandang babae. Kasama nito ang may-ari ng bahay. Pinakilala sa amin yun at sinabing kaibigan daw yun ang nanay niya. Bumati ako pero hindi niya ako pinansin dahil diretsyo itong nakatingin kay Leia. So
Speaker 1nag-excuse na muna ako sa kanila. kasi mukhang mag-uusap sila doon sa sala. Ililipat ko pa nga sana si Leia noon sa loob ng kwarto kung saan ako pinatutulog. Pero pinigilan ako ng tita niya. Saka neto sinabi na umuna na raw ako dahil kanina pa daw akong hinihintay ng mga pinsan ni Leia. Sa gilid ng lamayan lang kami nag-inom noon. Gabi na kami na tapos. Hindi pa nga sana eh. Kaso biglang dagsana yung taong nakikiramay. Sabagay kasi,
Speaker 1huling gabi na ng lamay nun. At kinabukasan, libing na ng lola ni Leia. Pumasok na ako sa loob. Nakita ko si Leia na tahimik lang na nakaupo sa sala. Nilapitan ko siya agad. Kahit nahilo na ako sa dami ng nainom ko, eh matinu pa naman ang isip ko. Kinamusta ko agad ang pakiramdam niya nun. Okay naman na daw siya. Medyo hilo pa raw pero... hindi na yung kasingsabanong tanghali. Pagsabi niya nun, biglang pumasok ang parents ni Leia.
Speaker 1Tinanong siya agad kung kumusta siya at kung anong nararamdaman niya. Tulad ng sagot niya sa akin, ayun din ang isinagot niya sa magulang niya. Naiiyak na nagpasalamat nang nagpasalamat sila tita doon sa matandang babae. Kaya kami, takang taka kami ni Leia. Maski si Leia, Walang alam sa nangyari. Bale nalaman na lang namin to noong pauwi na kami. Ang sabi sa amin, napaglaruan daw pala si Leia nung nasa
Speaker 1ilog kami. Mabuti na lang daw talaga at nakirama yung kaibigan ng lola ni Leia. Kasi kung hindi, malamang na hindi na raw naagapan pa si Leia. Lalo pang at walang nakaisip sa amin na may ganoon palang nangyayari sa kanya. Tinanong pa ng mama ni Leia kung hindi na daw ba yun mauulit pa. Sagot nito eh hindi naman na daw dahil nadasalan niya na ng proteksyon si Leia at
Speaker 1uuwi na rin naman daw kami kinabukasan kaya wala na daw yung magagawa pa kay Leia. Eh pero ano po kayang nila lang yung naglaro sa anak ko? Mahinang tanong lang ng mama ni Leia. Diret yung tinignan ng matanda si Leia at saka ito nagsalita. isang nilalang ng tubig ang nagambala mo, iha. Sa susunod, matuto kayong rumespeto sa lugar na inyong pinupuntahan. Dahil hindi nyo alam kung gaano
Speaker 1karami ang nakatira sa mundong ito na hindi lang natin nakikita. Huwag kayong turo ng turo sa mapupunong lugar at baka may bantay ang lugar na yon na hindi nyo lang nakikita. Ikaw, Sabi nung matandang babae, sabay-turo sa akin. Pasalamat ka sa gabay mo dahil iniligtas ka niya. Hindi pa rin ako makapaniwala nun. Siyempre, pamilyar naman ako dun. Engkanto, aswang, manananggal,
Speaker 1at kung ano-ano pa. Hindi lang talaga ako naniniwala dahil wala namang patunay pa talaga. Pero nung time na yun nga, aswang at engkanto. Hindi ako makapaniwala. fast forward po huling lamay na mas marami ng bisita ang nakikiramay at meron na ring padasal na malapit sa kabaong nasa gilid na lang ako nun sa malapit sa kalsada Katatapos ko lang
Speaker 1magdala ng snack, candy at kape para sa mga naglalaro. Pati sa mga nakaupulang sa medyo harapan. Ganon din ang ibang pinsa ni Leia. Nakaabang na lang kami sa iba pang dadating, kung meron pa man. Nasa kalagitnaan pa lang ng padasal, nung biglang namatay ang mga ilaw. Maski yung dalawang kandila sa harap, ay bigla ding namatay. Nagulat ako. Leia's uncle suddenly screamed. The dog! The dog! Watch out
Speaker 1for the dog! Then they suddenly ran to the side of the house. I just followed them. We walked around until we saw a big black dog underneath. That's the dog I saw near the window of the room where Leia was sleeping. Nagulat ako nung biglang parang may ibinato si Tito dun sa aso. Yun pala, may hawak itong
Speaker 1parang latigo. Ilang beses niya yung hinampas hanggang sa makalayo na yung aso sa kanya. Galit na galit nun si Tito. Ano, parang nakailang tama lang siya dun sa aso. Nung bumalik na ang ilaw sa bahay, ay nakita ko pa kung paanong lumipad palayo yung isang napakalaking uwak. Sobrang laki nun boskira. Para ba siyang kulay itim na agila? Hindi talaga yung normal na laki ng uwak. Nakita din yun nila tito.
Speaker 1At sigurado daw sila na aswang din yung uwak na yun. Wala naman pong nangyari sa bangkay ng lola ni Leia. Hindi naman daw nanakaw o napalitan ng aswang. Kaya maayos naman itong nailibing ng matiwasay kinabukasan Leia and I also traveled back to Bulacan. Leia's parents left because they were going to have a fight there.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...