Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Hi Sir Kira. Good PM po. Musta?
Speaker 2Sana nasa maayos kayong kalagayan. Ako po ulit ito si Tinay. Yung nagshare sa inyo nung nakakatakot na experiences ko dito sa bahay namin sa Makati. Nakadalawang send na ako sa inyo nun. Medyo natagalan lang bago ulit nakapagsend. Pasensya na pala Sir Kira kung medyo magulo ang wordings ko dito. Pasuyo na lang at ikaw na pong bahalang magayos.
Speaker 1Salamat po.
Speaker 2Going back po sa reason kung bakit ulit ako nag-email sa inyo. May mga experiences kasi ako ngayon dito sa bed space namin. Kung maaalala nyo noon sa una kong story, nabanggit ko na yung second floor ng bahay namin eh para sa bed space. Pinapaupahan namin yun. Bale, three rooms po yun. Ngayon, Ako na ang nagamit nung unang room. May 3 years na rin po sa ngayon. Kaya masaya
Speaker 2ko kasi nagkaroon na ako ng sarili kong room at privacy. Pero kahit ganun, meron kasi akong parang hindi mapakaling pakiramdam. Pero hindi ko lang yun masyadong binibigyan ng pansin. Kasi sarili ko lang lalo ang tinatakot ko. Pero nung mga unang araw ko dito sa room na to, Nakaka-experience talaga ako ng kababalaghan Maraming beses na akong nakaka-experience nung habang
Speaker 2natutulog ako Ay bigla na lang akong makakarinig ng isang malakas na buntong hininga Minsan sa kaliwang tenga ko Minsan naman sa kanan Parang depende kung saan ako nakaharap Nakatagilid kasi ako minsan kung matulog Kung nakaharap ako sa kaliwa Sa kanan ko yun maririnig Vice versa. At once na marinig ko na yun, bigla akong mapapamulat ng mata. Na
Speaker 2parang biglang-bigla, nagising ang buong diwa ko. Alam ko hindi ako nananaginip lang. Kasi katalasa naman naaalala ko yung panaginip ko. At walang ganoon sa panaginip ko. Alam kong totoo yung narinig ko. Kasi ang lakas niya sa pandinig ko. Parang may pag-eco pa nga. Kapag nangyayari yun, nagdadasal na lang ako na sana hindi na maulit. At sana makatulog na
Speaker 2ulit ako. Effective naman, Sir Kira. At ngayon, hindi ko na siya nararanasan. Itong sunod naman na pangyayari, eh siguro mga dalawang beses kong na-experience. Natutulog ako nun sa dating double deck bed dito. Pang borders talaga namin yun. Manipis lang na klase yung bakal. Kinalas lang since ako na
Speaker 2lang ang gagamit ng room.
Speaker 1So yun na nga.
Speaker 2Nung mga unang gabi ko nun, minsan sa madaling araw, nararamdaman ko na umaalog yung kama. Na para bang niyuyugyug. Na para bang ginigising ka. Ganun yung level niya. Since the bed frame is thin, it's easy to burn the bed. And again, I know it's not a dream yet. Because the way I feel is so real. There's no end to those hours. But even during those hours, my soul
Speaker 2woke up. I still couldn't.
Speaker 1Open my eyes. Until I fell asleep again.
Speaker 2Sobrang takot ko nun kasi never akong naka-experience ng ganon. Dati sabi ko, nakakakita lang ako ng mga nilalang at mga multo. Okay lang sakin yun kasi wala naman silang ginagawa sakin. Pero sir Kira, ibang usapan na kapag ganito. Sobra talaga akong natakot nun. Sa sobrang takot ko nga, e ipinayos ko yung buong room. Pinapinturahan ko yung wall pati yung cabinet. I also moved my bed. Of course,
Speaker 2I also changed the bed frame and the mattress. And our house was blessed back then.
Speaker 1To this day, those.
Speaker 2Two things haven't happened again. So I'm really grateful. I have a story to tell, Sir Kira.
Speaker 1This story is.
Speaker 2Ay nangyari noong hindi pa ako nakakaakyat dito sa bedspace namin. Kumbaga eh, sa baba pa ako natutulog nito. Actually, hindi ko maalala kung nakwento ko na to or nasend ko na nun. Pero share ko na lang din. Isa din kasi to sa mga recent kong experiences. 2022 lang to eh. Eh 2023 nung umakyat ako sa bedspace namin. May isang incident kasi doon sa may lababo namin sa kitchen. One time,
Speaker 2nagtututbrush ako. Yung shorts na suot ko noon, e yung maluwag yung laylayan. So habang nagtututbrush ako, naramdaman ko na may dumaan sa likod ko. Kasi naramdaman ko yung laylayan ng shorts ko, gumalaw. Alam mo yung kapag nasanggi ka ng isang tao, hindi ka man nahawakan literal, E ramdam mo yung damit mo na gumalaw. Ganon yung naramdaman ko nun. At ganon yung nangyari sa akin nun. So ako, casual lang.
Speaker 2Lumingon ako pero wala akong nakita. Dead ma lang. Hindi ko na binigyan ng pansin. Kasi baka guni-guni ko lang eh. Ngayon, yung kapatid ng inaanak ko na tawagin nating Loy, One time nagkukwentuhan kami. Hindi ko maalala kung anong topic namin nun. Or kung paano napunta doon yung usapan namin ni Loy. Basta parang nabanggit ko lang yung... Yung parang nagtututbrush ka,
Speaker 2tas biglang parang may dumaan sa likod mo. Kasi naramdaman mo na gumalaw yung laylayan ng shorts mo, pero paglingon mo wala namang tao. Hindi rin naman mahangin. Ganyan, pabiro ko pang sinabi. Kasi nga nagkukwentuhan lang naman kami nun. Tapos nanlaki yung mata niya. Sunod-sunod yung tango niya sa akin. Nagulat pa ako nun Sir Kira. Biglang naiyak siya. So tinanong ko kung bakit. Yun pala, nangyari din yun sa kanya.
Speaker 2Parehas na parehas ng experience ko Sir Kira. Akala namin parehas na guni-guni lang yun. Hindi pala. Kasi pagkatapos nun, hindi naman na naulit. Wala na siyang nabanggit sakin after nun. And since nandun na rin naman tayo sa usapan na yun, Sir Kira, na parang may tao sa likod, share ko na rin yung na-experience tong tatay ni Laloy. Tawagin natin siyang Kuya Armando. Kapag hindi napasada ng tricycle si Kuya Armando,
Speaker 2madalas nasa dirty kitchen siya, naghugas ng mga pinaglutuan. Naalala mo sir Kira yung dirty kitchen namin dati? Yung sa may dulo, lagpas ng CR namin, kung saan ko nakita yung sunog na sunog na katawan ng nila lang, na para bang nakikipaglaro ng tagu-taguan sa akin.
Speaker 1Dun yun.
Speaker 2Anyways, so dun siya naghuhugas nun. Nanchalant lang si kuya. So one time daw, naghuhugas siya nun. Aktong ilalagay niya na yung nahugasan niya sa may bandang taas na kabinet. Pero sabi niya, akala niya daw eh nandoon si Tita Mami ko at nagtapon sa basurahan. Maliit lang kasi yung space doon so hindi siya gumalaw para magbigay ng space. Kaso nung time na yun, hindi naman daw niya nilingon
Speaker 2kung sino yung nasa likod niya na dumaan nga at nagtapon ng basura. Basta ang alam lang daw niya eh May malaking bulto ng babae na dumaan. So akala niya, si tita mami ko. Pagkatapos daw nun, tinanong niya ang asawa niya kung lumabas nga si tita. Pero ang sabi sa kanya, ay hindi raw. Nasa dining table lang kasi yung asawa niya nun. Kaya kung lumabas man nga si tita,
Speaker 2ay makikita niya. Kaya na sabi niya na hindi pa nga raw lumalabas si tita. Kasi tanghali usually nagigising yun. Medyo nagtalo pangaraw sila nun. Kasi pinipilit niya na lumabas nga daw si tita. Eh sinasabi ng asawa niya na hindi pangaraw. Doon na sila nagkatakutan. Hindi agad na ikwento sa akin yun. Siguro may isang linggo pang nakalipas bago nila nabanggit yun sa akin. Pero ang sumagi sa isip
Speaker 2ko nun, Eh baka doppelganger yun. Pero one time lang kasing nangyari yun eh. Eh ang doppelganger diba, usually may ilang beses yung mangyayari sa tao.
Speaker 1Nung una, parang ako lang ang nakakaalala.
Speaker 2At nakakaramdam ng mga ganitong pangyayari hanggang sa eventually sila rin sa baba nakaka-experience na rin. Napaisip tuloy ako kaya pala yung kapitbahay namin na may third eye ayaw pumasok sa bahay namin. Nabanggit niya na May nakikita daw siyang tao na akala niya ay si Kuya Armando. Pero nasa biyahe naman daw pala nun si Kuya. Yung mga ganun bang incidents? Nagkikibit balikat na lang kami kapag nakakarinig kami
Speaker 2ng mga ganung kwento. Pero syempre, may mga ganito na kami mismo ang nakaka-experience talaga. Pero okay pa rin naman kami dito, Sir Kira. Hindi na ako nakaka-experience ng mga ganung nakakatakot. Kung meron ulit at magkaka-oras, eh isi-share ko ulit sa inyo. Pasensya na kung hindi masyadong nakakatakot itong isinare ko sa inyo ngayon. Pero para sa akin kasi, nakakatakot talaga to. Salamat Sir Kira if makita mo tong
Speaker 2story ko. Ingat po tayo palagi. More power and God bless po. Good day, Boskira. Last year ko lang po na-discover ang channel ninyo. Pero natapos ko na lahat ng
Speaker 2stories ninyo. Ngayon, ako naman po ang magbabahagi ng aking kwento. Enrique po ang pangalan ko. Hindi ko po tunay na pangalan. Pati na rin po ang lahat ng karakter na mababanggit ko sa kwento na to ay pinalitan ko na rin ang pangalan.
Speaker 1Pero totoo po ang lugar.
Speaker 2Ito po ay nangyari sa bahay ng bestfriend ko dito sa Sambuanga, sa barangay San Jose.
Speaker 1Mga nine or ten years old ako na ito.
Speaker 2At sa edad ko na yan, ay marami na akong napagdaan ng kababalaghan. Unang karanasan. Nangyari ito sa bahay ng bestfriend ko, si Alvin. Medyo luma na yung bahay nila pero malaki. Sa likod ng bahay nila, merong makakapal na puno ng saging. At sa dulo naman, malapit sa pinto nila, merong isang malaking puno ng santol.
Speaker 1Yung santol na yun, Boskira, kakaiba. Malaki yung puno.
Speaker 2At merong nakaumbok na parabang malaking ugat sa tabi na pwede mong upuan. Sa likod ng bahay nila, Merong lumang balon. Noong mga panahon na yun, wala pang ilaw sa likod bahay nila. At noong mga panahon na yun na mga bata pa tayo, di ba lagi tayong pinapauwi bago mag alasais? Kasi daw, may mga nila lang na nagiging aktibo kapag ganoong oras na. Pero syempre, bata, sarkira, makulit.
Speaker 1Po kong apo. Hindi ako muuwi ng alasais.
Speaker 2Kinasanayan ko ng dumiretso sa bahay ng bestfriend ko para makipaglaro.
Speaker 1At minsan, doon na rin ako nakikikain.
Speaker 2Isang araw, dumating ako doon na medyo gabi na. Pagpasok sa gate nila, dumiretso ako sa likod bahay. Madadaanan mo talaga doon yung makakapal na puno ng saging. Dahil madilim, nagmamadali akong maglakad. Hanggang sa may nakita akong nakatayo sa harap ng sagingan.
Speaker 1Si Alvin.
Speaker 2Nakatayo siya dun. Nakatalikod sa akin. Tinawag ko siya. Sinigawan ko pa nga.
Speaker 1Uy Alvin! Anong ginagawa mo dyan?
Speaker 2Pero hindi siya sumagot. Pinagmasdan ko siya ng mabuti. Habang tumatagal boskira. Parang nag-iiba siya. Parang nangingitim. Dumidilim. Parang lumalabo ang hugis niya. Dun na ako kinilabutan. Umatras ako ng dahan-dahan. Papalapit na sana ako nun sa gate nila para tumakbo na palabas nang bigla akong may marinig na sumigaw. Uy!
Speaker 1Nandito ka pala! Si Alvin. Pero nasa may pintu na siya. Buhay at normal na humihinga.
Speaker 2Nung lingunin ko ulit yung nasa sagingan, wala na yung isa pang Alvin. Putya boskira, para talagang natanggal yung kaluluwa ko nun. Pangalawang karanasan. Ito naman tungkol sa lumang balon sa likod ng bahay ng bestfriend ko. Umaga po yun, naglalaro kami ni Alvin. May laruan kaming pulis-pulisan nun At
Speaker 2nilalaro namin yun sa tubig sa palanggana. At dahil nga sobrang kulit ko, at medyo may kapilyuhan, itinapon ko yung laruan sa loob ng balon. Malalim yung balon, boskira. As in wala talagang makakakuha nun. Nainis pa nga ako nun kasi wala na akong laruan. Kaya nagaya na ako kay Alvin na ikutin na lang namin yung bakuran nila. Pag-ikot namin, boskira. Pagtingin namin sa palanggana, nandoon na ulit yung laruan na
Speaker 2itinapon ko sa balon. Nagkatinginan kami nun ni Alvin. Parehas kaming nagulat. Kaya ang ginawa namin, itinapon ulit namin yung laruan sa balon. Tapos umikot ulit kami. At pagbalik namin, nandoon na ulit yung laruan boskira. Nasa pulang palanggana, basa at parang walang nangyari. Doon ako tumakbo. Sinubong namin yun
Speaker 2sa mama ni Alvin. At ang sabi niya, may batang espiritu daw na nagpapakita doon sa balo na yun tuwing madaling araw. Mula nun, Boskira. Hindi na kami naglaro doon. Kukulit kasi. Pangatlong karanasan. Ito naman ay kwento ng lola si Singko He's known for digging and using our place.
Speaker 2He's been through a lot, but this is what I'll share with you. While he was on his way home one day, he saw a big tree of santol in my best friend's house.
Speaker 1The branches were.
Speaker 2Moving and it sounded like something was making noise. When he looked at it, there was a big dog on the top of the santol tree. Sobrang laki daw nun. Itim na medyo mapula ang balahibo. At yung kulay ng mata niya, pulang-pula. Nagmamadaling umuwi nun si Lola si Sing. At mabuti na nga lang daw. At hindi siya pinansin nung hayop na nakita niya. Hindi namin alam kung asuwang
Speaker 2ba yun o ibang nila lang.
Speaker 1Pero noon lang daw.
Speaker 2Siya nakakita ng asong kulay itim. na medyo mapulang balahibo at nasa itaas pa ng puno. Marami pa akong kwentong kababalagan sa Zamboanga City, Boskira. Sa susunod ko na po ibabahagi kapag na-share na tong una kong kwento.
Speaker 1Salamat po, Boskira. Good PM po. Ako po si Shane.
Speaker 2Gusto ko lang po sanang ikwento yung mga karanasan ko nung bata ko. Hinding-hindi ko kasi makakalimutan yun. Siguro mga 6 or 7 years old ako nun. Sama-sama kasi kami dati matulog ng mama at papa ko, pati na ng kapatid ko. Sa iisang kwarto. Naaalala ko, kada madaling araw, nagigising ako na minakaayos na laruan sa lamesa namin. At
Speaker 2kada makikita ko yun, bumabangon ako at naglalaro. Hanggang sa mapagod ako. At kapag napagod na ako, babalik na ako sa higaan at matutulog na ulit. Pero kinabukasan nun, hahanapin ko kay mama yung mga laruan na yun. Tapos titignan niya lang ako at sasabihin na.
Speaker 1Anong laruan?
Speaker 2Wala ka namang laruan dyan. Siguro may ilang beses din na nangyari sa akin yun noon. Nung huling nangyari yun sa akin... Pag gising ko, itinanong ko ulit kay mama yung mga laruan. Sabi niya... Ano bang laruan? Eh lahat naman ng laruan yun nasa kabilang kwarto ha... Puro kalaro eh. After nun, hindi na ako nagising ulit ng madaling araw. Hanggang sa mag 9 or 8 years old na ata
Speaker 2ako nun. Ganun pa rin, tabi-tabi pa rin kaming matulog. Ang kwarto nga pala namin ay nasa second floor. Ang kama namin ay nakapuesto sa may bintana. Sa labas ng bintana na yun ay merong malaking puno ng makopa. Tapos meron ding kurtina yung bintana. Pero medyo kita pa rin naman yung labas. So yun na nga, dun na ako ulit nagigising ng madaling araw. At sigurado kong nagigising ako
Speaker 2nun at hindi siya panaginip lang. Siguradong sigurado ako dun. Pero yung pagising ko nun, hindi na mga laruan ang nakikita ko. Kundi isang matandang mahaba ang buhok. As in mahabang mahaba talaga na kulay puti yung buhok niya. Meron siyang hawak na tungkod at parang medyo kuba. Nakikita ko siyang nakatingin sa akin. Nakatayo lang. Nasa loob ng kwarto
Speaker 2namin pero nasa tabi lang siya ng bintana. Natakot ako ng sobra nun. Nanginginig akong nagtago sa unan ko. Yumup-yup ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
Speaker 1Madilim nun.
Speaker 2Meron lang konting sinag ng liwanag dahil sa nakabukas yung bintana. At parang hinahangin-hangin yung kurtina nun. Maya-maya, naramdaman ko na parang may humahawak sa binti ko. Pati na sa mga braso ko. Hindi ko alam kung ano yun. Sobrang takot na takot pa rin kasi ako noon at nanginginig pa. Hanggang sa hindi ko na lang din namalayan kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako na may bimpo ko
Speaker 2sa noo. Nilalagnat na daw pala ako sabi ni mama. At ang dami kong pasa sa katawan. Tinatanong ako ni mama kung saan daw ba ako nagpupunta. Eh hindi naman ako nalabas ng bahay noon. Lalabas lang ako ng gate. Kapag bibili ako sa tindahan. Ang daming beses kong nagigising ng madaling araw noon. At palagi kong nakikita yung matanda na yun. At kinabukasan pagkakagising ko, palagi akong may mga
Speaker 2pasa sa katawan. Hanggang ngayon kapag iniisip ko yun, talagang kinikilabutan pa rin ako. Lagi rin akong nilalagnat noon kada makikita ko yung matandang yun.
Speaker 1Siguro dahil din sa takot.
Speaker 2Hanggang isang beses, naisip ni Lola na ipatanggal na yung malaking puno ng makopa pati na yung grotto doon. Garden kasi ni Lola ko yun. Puro mga halaman niya ang nakatanim doon. At yung puno ng makopa na yun ang nag-iisang punong nakatayo doon. Matanda pa raw yun sa akin. So ayun nga at ipinatanggal yun ni Lola. Dahil gusto niya raw magpagawa ng tindahan doon. At simula noon, hindi
Speaker 2ko na nakita yung matandang yun doon sa kwarto namin. Pero ang nangyari, ang lola ko naman ang nagkasakit. Matagal siyang nagkasakit noon. Tapos nagpatawas pa siya. Yung may tubig yung palanggana tapos pinapatakan ng kandila. Ewan ko kung tawas ba talaga ang tawag doon. Lumabas doon yung itsura ng puno ng makopa. Kitang-kita ko yun. Naisip ko pa nga
Speaker 2nun na baka doon din nakatira yung matandang nagpapakita sa akin tuwing magigising ako ng madaling araw. Wala akong pinagsabihin ng kwentong yun nung bata pa ko as in wala akong pinagsasabihin ng nangyayari sa akin. At nito lang, nung medyo tumanda-tanda na ako Siguro mga 23 or pataas pa, nakita ko ulit yung matanda. Nakitulog ako nun sa bahay
Speaker 2ng kaibigan ko. Dagising ulit ako ng madaling araw. Pero yung gising ko na yun, iba. Yung parang pagdilat ko. Malabo yung paningin ko na hindi ko masyadong maidilat yung mata ko. Tapos akala ko na naramdaman ng kaibigan ko na natatakot ako. Kaya nagising din siya. Tumingin siya sa akin. Sabi niya, nakita mo yun? Nagulat ako kasi nakita niya rin.
Speaker 2Sabi ko, ha?
Speaker 1Nakita mo rin? Paano?
Speaker 2Ang sagot niya, oo, ang ina. Kanina pa ako hindi makagalaw. Sabi ko naman sa kanya na bumalik na naman yung matandang babae na yun. Nagulat yung kaibigan ko at nanlaki yung mga mata niya. Hindi siya nakapagsalita. Hanggang sa ikinuwento ko na sa kanya, yung nararanasan ko mula pa noong bata ako. At hindi lang doon nangyari ulit yun. Siguro hanggang 28 ako, eh nakikita ko pa rin siya. Pero
Speaker 2hindi nakatulad ng dati na halos parang palagi. Napansin ko rin noon na kada magpupunta ko sa lugar na may malaking puno ay nagpapakita siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. Basta ang alam ko na napansin ko nga na kapag may malaking puno sa isang bahay na tinutulugan ko, palagi siyang nagpapakita. Ngayon ay 32 na ako at may
Speaker 2asawa na. At hindi ko pa ulit siya nakikita. Hindi ko rin po alam kung bakit o kung ano ba ang pakay niya. Ang sabi naman ng iba, eh baka raw bantay ko yun. Hanggang dito na lang po muna.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...