Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 2Hi, Sir Kira.
Speaker 1May iba bahagi lang po ulit akong karanasan namin ng partner ko. Recent din lang po ito. Leave-in po kami ng partner ko. At marami po kaming pusa. Igitsan po po ang pusa namin. May mga kittens, young adult, at mga adult na talaga. Noong nakaraang December, napagpasyahan po namin lumipat na ng bahay at magbukod na kami ng tuluyan. Nakatira lang po kasi kami sa kamag-anak ng partner ko
Speaker 1Inoccupy po namin yung isang kwarto na may malawak na terrace Sapat lang para makapaglaro at makapagabulabulan yung mga pusa namin Pareho naman po kaming may trabaho At tingin naman namin ay kakayanin namin yung expenses buwan-buwan So eto na nga Nakahanap po yung partner ko ng studio type apartment Kondo style siya at pet friendly Hindi rin siya kalayuan mula sa tinirhan namin. Siguro mga ilang kalya lang ang pagitan.
Speaker 1Medyo may kamahalan siya para sa isang studio unit. Pero kaya naman namin. Nakailang bisita din kami sa unit nun bago kami tuluyang nakalipat. Tinatansya po kasi namin noon kung kakasya ba yung mga gamit namin at yung mga pusa syempre. Mas maliit nga lang yung unit na yun kumpara sa tinirhan namin. Pero para sa amin, okay na din yun at desidido na talaga kaming magbukod noon. January 2, nakapaglipat
Speaker 1na kami. Paunti-unti naming naayusan yung unit. Ang sarap lang sa pakiramdam na nakapagbukod na rin kami. Binibisi-bisita rin kami ng mga kaibigan namin doon. Isang araw, mga bandang hapon po yun, pauwi pa lang ako sa unit. Nasa bahay lang po yung partner ko nun since permanent work from home siya. Pag uwi ko, dumating din po pala yung pinsan niya at yung girlfriend nito. Hindi ko na maalala
Speaker 1kung paanong napunta ang usapan namin dun. Basta sinabi po ng pinsan niya na akala daw niya kanina pa akong nasa bahay.
Speaker 2Akala daw po niya ay naka work from home ako nung.
Speaker 1Araw na yun. Eto, hindi sa nananakot ako ah. Pero narinig ko kasi yung tawa mo kanina habang naka-video call kami. Tapos tumingin pa si pinsan. Kaya akala ko talaga kanina eh work from home ka ngayon. Sabi nung pinsan ni partner. Nagulat po kami sa sinabi niya. Pero binaliwala na lang po namin at tinawanan na lang. Hindi naman kasi ako madalas makaramdam ng kakaiba. Lalo na makakita. Kaya binaliwala na
Speaker 1lang namin yun. May mga pagkakataon din naman na naiiwan akong mag-isa sa unit namin. Pero wala naman akong kakaibang nararamdaman maliban na lang sa partner ko. Panggabi po kasi siya at nabanggit niya sa akin na may mga pagkakataon daw na nakakarinig siya ng katok mula sa main door ng unit namin. May nangyari pa na nakita niyang may pumipihit ng doorknob.
Speaker 2Kinuwento lang sa akin yun ang partner ko.
Speaker 1At sabi pa nga namin na baka namali lang ng apartment o di kaya nalito lang yung ibang tao. Isa o tatlong beses na naranasan yun ng partner ko. Pero gaya ng sinabi ko, binaliwala lang namin yun. Pero hindi rin naman namin maitatanggi na may iba na rin talaga dun. Kasi alam naman namin kung may darating kaming kaibigan kasi nagme-message naman muna sila sa amin bago sila pumunta sa unit.
Speaker 1Makaraan ng isang buwan, dito na nagiba ang ihip ng hangin. Sunod-sunod na nagkasakit ang mga pusa namin. Araw-araw kaming nagpapainom ng mga gamot sa kanila. Monitor, deep cleaning sa unit, vet visits. Dahil magkaroon lang ng sintomas yung isa, e delikado na yung iba. Alos wala kaming maayos na tulog at kain noon. Sabayan pa ng trabaho namin. Pero ayun at namatayan pa din kami ng mga pusa. Stress na
Speaker 1stress na kami that time. Umabot na sa puntong nagbe-breakdown na ako dahil sa stress at sa halo-halong pagod. Nagkakaroon na rin kami ng disagreement at away ng partner ko. At siguro, ito na yung worst na na-experience namin ng partner ko. Naaalala ko pa, inaya ko munang lumabas ang partner ko nun. Sabi ko, kain muna tayo sa labas. Ayain natin sila, yung pinsan niya at yung girlfriend. Para
Speaker 1naman kako makapagpagpag kami ng stress. Sa point na to, kinukonsidera na namin na bumalik na muna sa bahay ng kamag-anak niya. First time ko lang naramdaman yung bigat ng unit. Mabigat para sa akin. Dahil nga sa nangyayari sa mga alaga namin. Narealize ko din na yung ibang pusa namin wala talagang sakit. Parang nasa stress na rin sila dahil sa estado namin. Doon ko lang din napagtanto na nahaabsorb
Speaker 1pala talaga ng mga pusa ang energy ng tao. As a cat owner, mapapansin mo talaga yung changes ng behavior nila. Magkaroon lang sila ng unusual actions, alam mo na agad na may mali. Dito namin na-realize kung gaano kabigat yung sitwasyon namin noon. Pagkauwi namin sa unit noon, ay nagkwentuhan muna kaming tatlo ng partner ko, pati ng GF ng pinsan niya. Bigla kong naalala yung panaginip ko noon. Nakikwento
Speaker 1ko na to sa partner ko, at ikinuwento ko ulit that day. So ganito kasi yan. Kasama ko yung partner ko sa bahay ng lola ko noon sa Antipolo.
Speaker 2Nasa sala kami noon. Ang weird nga eh.
Speaker 1Naging intimate kami noon at may nangyari sa amin habang nasa sala. Excuse lang po sa mga nakikinig. Medyo SPG po. Nakapatong po ako sa partner ko noon habang nakaupo siya. Bale ang POV ko po is yung likuran ng partner ko. Nagulat ako kasi nakita ko yung dati naming kasambahay.
Speaker 2Si Ate Rose. Nakatingin siya sa amin. Hindi nga eh. Nakasilip siya.
Speaker 1Ang nakakaloko pa dun, nakilala ko siya. Kahit na mata lang niya yung nakikita ko. Kitang kita ko sa mga mata niya yung galit. Ramdam na ramdam ko pa yung panggagalaiti ng mga mata niya. So fast forward po sa panaginip ko na yun. Inapproach ko si Ate Rose. Nasa malawak na open parking kami nun. Parang sa labas ng bahay. Garahe,
Speaker 1parang ganun kalawak. Ang weird kasi alam kong mula sa laob ng bahay ay lumabas lang ako. At yung itsura nung labas, e parang business district. Parang BGC ganun. So kausap ko nun si Ate Rose. Yung background ni Ate Rose ay sa likod ng bahay at kalsada. At may mga tambay pa nga sa labas. Nag-sorry ako sa kanya nun dahil nga sa nakita niya. Ewan ko pero parang
Speaker 1pakiramdam ko. May pagtingin siya sa partner ko na dapat manghingi ako ng tawad sa kanya dahil sa nakita niya. Habang kausap ko siya, diretsyo lang siyang nakatingin sa akin, sa mga mata ko to be exact. Nakatitig lang siya, tapos nakangiting nakakagago. Naging uncomfortable na ako nun, na tantil may narinig akong reporter sa tabi ko. Ewan ko, ang
Speaker 1blurry ng paligid ko, at hindi ko maintindihan yung sinasabi ng reporter.
Speaker 2Basta ang naririnig ko lang, e malakas na hangin.
Speaker 1Pagkasabi niya nun, nagulat ako dahil may biglang malakas na hangin ang dumaan. Dahilan para bahagyang umangat yung umaandar na bus at tinumbok nito yung mga nakatambay sa likuran ni Ate Rose.
Speaker 2Nagkagulo yung mga tao.
Speaker 1Sunod-sunod yung mga truck at kotse na nagbungguan sa likuran ng bus. Natatakot na ako nun, hanggang sa mapatingin ulit ako kay Ate Rose. Nakatingin pa rin siya sa akin habang nakangiti. Wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya. Talagang diretsyo lang yung tingin niya sa akin habang nagkakagulo na yung iba.
Speaker 2Kinikilabutan pa rin ako hanggang ngayon, Sir Kira.
Speaker 1Malakas kasi ang pakaramdam ko na may kahulugan talaga yung panaginip ko na yun. Lalo na kung bitbit ko pa rin yung nararamdaman ko sa loob ng panaginip ko.
Speaker 2Hanggang sa pagising ko.
Speaker 1So bali ayun na, naikwento ko na sa kanila, at kinilabutan kami nung kasama namin that time. Kasi actually habang kinukwento ko sa kanila yun, narealize ko din na baka may nag-evil eyes sa amin. Ewan, babae, parang may inggit. Hanggang sa naisipan namin na magpatawas. Hindi kasi naniniwala ang partner ko sa ganito. Pero nakumbinsin namin siya nung araw na yun. Wala naman kasing mawawala kung susubukan namin. Umalis
Speaker 1siya agad. At kaming dalawang babae na lang ang naiiwan sa unit. Nagkwentuhan lang ulit kami. Inaantay namin na makabalik yung partner ko. Mag-iisang oras na noon. Nakabalik na si partner. Agad kong tinanong kung anong nangyari. Tama ba namin nag-i-evil eye kaya ganun na lang ang nangyayari sa amin? Pero nagkamali kami. Walang taong may inggit. Walang nagmamata sa amin.
Speaker 1Walang nag-i-evil eye. Sa hindi inaasahan, may iba pa pala kaming kasama sa unit. Sabi sa kanya, babae raw yung entity. Hindi man lang sumagi sa isip namin yun. Nagkatinginan kami ng kasama ko. Hindi namin alam kung ano bang dapat naming maramdaman. Nalaman namin na ayaw nun sa mga pusa namin.
Speaker 1Maingay daw, kaya ganoon ang nangyayari. Kaya naman sa parehong araw, napagdesisyonan na naming umalis na agad. Sa isip-isip namin, hindi pwedeng masunod siya sa gusto niya. Iisa-isahin niya mga pusa namin? Hindi pwede. Hindi kami papayag. Isasalba namin sila. Kahit pagod na, pinilit naming maghakot at makalipat na agad. Habang nag-aayos kami
Speaker 1ng gamit, umakyat yung guard sa unit namin at balak pa kaming pigilan. Hindi kasi pwede yung ginawa naming agarang paglipat at ipinilwanag naman ang partner ko yung nangyari. Ikinuwento niya yung mga nararanasan namin. Laking gulat namin na kahit yung guard kinumpirma na mayroon daw talaga sa building. Hindi lang sa mismong unit namin. Minsan nasa first floor o sa second floor. Pero madalas na nga sa third floor
Speaker 1which is yung area namin.
Speaker 2Oo nga pala.
Speaker 1Sabi nung magtatawa sa partner ko. Yung nauna raw na tumira sa unit na yun ay mag-partner din at madalas ding mag-away. Kaya laking gulat namin nung mabanggit din yun ng guard. Tugma yung sinabi nilang dalawa. Ang mali lang din namin kasi hindi namin naitanong kung gaano nakatagal na bakante yung unit. Kaya yun na nga binilit na namin na makalipat na rin agad. Habang naghahakot pa kami ng
Speaker 1gamit may malakas na kumalabog sa fourth floor. Hindi na namin chinek pa kung ano yun, pero mukhang pintuan na kinalabog. Yung guard na ang nag-check, at ang sabi niya, wala naman daw tao sa unit, pero mula daw sa loob yung kalabog. May nabanggit din yung isa sa mga lalaking tumulong na mag-akot ng mga gamit namin. Nung papunta pa lang daw sila, lumagpas yung isa niyang kasamahan. Nasa bandang
Speaker 1dulo na daw kasi siya ng kalye. Ang sabi naman nun, sinadya niyang lagpasan yung unit dahil ang bigat daw sa pakiramdam. May isa pang nabanggit yung kamag-anak ng partner ko na pinagbantay namin ang pusa nung minsang nagbakasyon kami. Sabi niya, hindi raw siya makatulog ng dire-direcho dahil mayat-maya daw na may kumakatok ng paulit-ulit at may pumipiit daw ng doorknob. which is the same experience my partner has. And as
Speaker 1far as I know, my partner only told me about it. That's why we really fought back when they told their story. Before we left the unit, my partner and I talked.
Speaker 2We said, we're leaving. We're sorry and we'll take care of you. Don't follow us anymore.
Speaker 1And especially don't move our pets anymore.
Speaker 2We'll leave this unit to you.
Speaker 1After a few weeks, we settled here in my partner's house. We also have cats that we didn't really take care of and gave away. It's sad but what's important is that we saved someone. May mga pusa din kaming ipinadapt na lang sa ibang kamag-anak.
Speaker 2Naisip ko nga din na magpatawas.
Speaker 1Sabi ko sa partner ko, Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano bang dapat.
Speaker 2Na itatanong ko.
Speaker 1Pero malakas ang pakiramdam ko na kailangan ko rin magpatawas. At ayun na nga, nagpatingin din ako. Turns out, nasundan ako nung entity. I was cleansed and I hope everything is okay. I also prayed because my partner's observation was right. Since we stopped worshiping, we've been doing good. I also
Speaker 1thought that maybe that's what would happen to.
Speaker 2The two of us.
Speaker 1We'll fight like the time we fought in the unit. It's really good that we're stronger and we trust each other. At isa pa, ano ba talagang ibig sabihin ng naging panaginip ko? Somehow, related ba to sa nangyari? Isa pa, may hirap din pala no kapag hindi ka fully aware o mahina ang pakiramdam mo sa mga ganong bagay. Kumbaga,
Speaker 1mahina yung senses mo kapag may ibang entity. Iisipin mo na lang talaga na wala lang yun o kaya guni-guni lang.
Speaker 2To be honest, it's hard to lose a pet.
Speaker 1I'm just saying that maybe they're protecting us. That maybe they won instead of us suffering. That's all for now, Sir Kira. Next time, I hope this will still be included.
Speaker 2Hi, Boss Kira. Magandang gabi po.
Speaker 1Ako po ulit ito, si Angela ng Davao. Yung nagkwento ng karanasan ng papa ko nung hinabol siya ng pugot na ulo.
Speaker 2Kumusta, sir?
Speaker 1Pasensya na at bigla akong naging inactive sa pakikinig. Pati na rin sa horror community. Marami kasing nangyaring hindi maganda since 2024. Isa pa, pinagbawal po sa aming Christian Church. ang pakikinig at panonood ng mga nakakatakot. Yes po sir, isa na po kong Christian Catholic. Nag-decide po ko dahil sa mga nangyari sa akin. Kapilang na doon, ang pag-suicide thoughts ko. Lalo na nung last year. Pero kahit hindi
Speaker 1na ako active na listener, sa channel mo man o sa ibang mga channel, ay gusto ko pa rin ibahagi itong nakakatakot kong karanasan. Kahit papaano kasi, and I was able to move on. This story that I'm going to share with you today is about the sudden death of my mom because of a hip bone fracture. She was operated on, but the following day after her dialysis, she suddenly couldn't breathe, until she was completely healed, which gave
Speaker 1me an.
Speaker 2Inexplicable pain and pain.
Speaker 1Ang taong inalagaan ko, ang taong dahilan ng hindi ko pag-aasawa dahil ayoko siyang iwan na mag-isa sa ganoong sitwasyon. Marami pa sana akong plano para sa kanya, pero sa isang iglap lang, bigla siyang nawala. October 11, 2024. Malapit ng maghating gabi nung mangyari yun sa ospital. Sa sobrang sakit, Hindi ko alam kung anong sunod kong gagawin. Kaya nakituloy
Speaker 1na muna ako nung gabing yun sa bahay ng pinsan ko. Hindi kami nakatulog magdamag. Nag-usap lang kami ng pinsan ko ng kung anong mas mabuting gawin habang nasa morgue pa ang bangkay ni mama ko. Kinabukasan nun, dumating yung isa kong pinsan. Kasama niya yung kanilang nanay, kapatid ng mama kayo. The next day, one of my cousins arrived with their mother, my mother's sister. We didn't tell Auntie what happened. We didn't want her to be surprised. That night, me and my two cousins and Auntie were on the second floor
Speaker 1while my cousin was on the second floor. Tulog na kaming lahat nun, nang bigla akong naalimpungatan, nang marinig kong may nagtatakbuhan sa tabilang namin. Kahoy po kasi yung sahig nila, kaya malakas yung tunog ng mga yapak na nagtatakbuhan. Akala ko nun eh yung mga pamangking ko yun.
Speaker 2Eh hindi naman na, bata yung mga yun.
Speaker 1Tapos narinig ko yung dalawang pinsan ko na naguusap.
Speaker 2Sabi nung isa, andyan na naman sila. Sinong sila? Wala namang tao ah. Sabi nung isa kong pinsan, kayaan mo na yan sila. Huwag mo na lang pansinin.
Speaker 1Lahat yun habang patuloy pa din naming natitinig, yung mga takbuhan sa second floor, sa tabi lang ng higaan namin. Yung isang pinsan ko, sabi siya nang sabi ng in Jesus name, in Jesus name. Saka naman ako nagdilat ng mga mata. Tinignan ko kung yung dalawa ba yung nagtatakbuhan. Tapos nun, doon biglang nawala yung mga yabag. Nagkatinginan kami ng pinsan ko. Parang nagulat kaming dalawa. Nagtatanong kung sino
Speaker 1o ano ba yung mga nagtatakbuhan na yun. Five days ang naging lamay sa bahay nila ni nanay bago ang araw ng liping. Nung mga gabing yun, shifting kami sa pagbabantay. Nung isang gabi, yung dalawang pinsan ko ang nagbabantay sa lamay. Kami ng pamangkin at auntie ko naman, eh nakatulog na. Habang silang dalawa ang nagbabantay, yung isang pinsan ko, napatingin
Speaker 1siya sa labas.
Speaker 2Kasi parang may.
Speaker 1Malaking nilalang daw na dali-daling lumabas sa kanilang pakuran. Kaya naman to, dumantay silang dalawa nun. At dapat ay walang makatulog sa kanila. Pangalawang insiden sa lamay ni mama. Meron daw kumatok sa loob ng kanilang banyo na napakalakas. E imposible raw na may tao pa doon nung time na yon. Alas dos na kasi ng madaling araw daw yon. Nilibing
Speaker 1ang mama ko nung October 19, 2024.
Speaker 2Alos gumuho ang mundo ko noon. Maraming nakiramay sa akin.
Speaker 1Madami din namang itinaan sa biro na panahon na raw para maghanap ako ng partner. Pero hindi ko iniisip yun lahat. Ang priority ko noon ay kung ano ang mga susunod kong gagawin. Sa loob ng 40 days, hindi namin pinapatay ang ilaw sa gabi kapag matutulog na kami. Kaya okay lang. Isang madaling araw, siguro mga bandang alas 4 yun. Napabangon
Speaker 1ako sa higaan para umihi. Pagkatapos kong mag-CR, bumalik na ako sa higaan kasi may trabaho pa ako ng alas 10 ng umaga. Pero pagbalik ko, hindi agad ako nakatulog. Inilot-hilot ko muna yung tuhod ko. Medyo sumasakit kasi dahil sa lamig. Habang nag-ahaplas ako sa aking paa, biglang may sumitsit sa akin. Hindi yun galing sa labas ng bahay, kundi nasa loob mismo, sa may bandang madilim na area
Speaker 1nang gagaling yung sitsit.
Speaker 2Hindi ko yun nilingon.
Speaker 1Dahan-dahan na lang akong humiga nun at bumalik sa pagtulog. Mga after two weeks, November 3, bigla akong nagkaroon ng chickenpox. Grabe, Para kong sinaklo ba ng ewan. Mula sa pagluluksa sa pagkawala ni mama, hanggang sa pagkakaroon ng chickenpox. At tumagal yun ng 15 days. At sa awa naman po ng Diyos, eh hindi naman ako pinabayaan ng pinsan ko. Ikinuwento ko
Speaker 1rin sa kanila yung tungkol sa narinig kong sitsit. Sabi ng pinsan ko, eh may mga kababalaghan daw talaga sa bahay nila. I know that my story is not that scary. But I hope that the viewers will learn something. We just need to be strong in life. Especially if our family suddenly loses a member. All I can say is, as long as they're still there, feel them and give them everything.
Speaker 2If they lose.
Speaker 1A member of the world, hindi tayo magsisisi sa bandang huli. Salamat Boskira, more power po sa channel ninyo. Gusto ko lang sabihin na kahit dibotong kristyanong katoliko na ako, eh nakasubscribe pa rin naman ako sa channel ninyo. Samama ko po.
Speaker 1Kung nasan ka man ngayon ma, mahal na mahal kita. Sana masaya na kayo ni dad. Alam kong matagal na panahon kanyang hinantay para magkasama ulit kayo sa kabilang buhay.
Speaker 2Mahal na mahal ko po kayong dalawa.
Speaker 1Bas kira kung mabasa nyo man po ang kwento kong ito, ay sobra ko itong maha-appreciate. Thank you po again and God bless. Ako po si Liza. Silent listener nyo po. You are one of my favorite listeners on Spotify while I'm working. Your stories are so touching. I've been thinking
Speaker 1about writing to you for a long time. But I don't know how to start. And it's my first time doing it. Anyway, the intro is too long. This is my first experience of sleep paralysis. It happened in 2007. sa trabaho ng mama ko. Medyo bata pa ako nito kaya hindi ko pa alam na sleep paralysis pala yung nangyari sa akin. Balay Saturday noon at isinama ko ni
Speaker 1mama at ang bunso kong kapatid sa trabaho niya. Inaalagaan niya yung mga anak ng tita ko. Gabi na noon at patulog na kami. Yung apartment ng tita ko ay up and down po na bahay. Yung mga alaga ni mama nung time na yun, eh natutulog na sa taas. At kami naman, eh sa sala natulog. Natulog ako sa sofa nila. Tapos si mama at yung kapatid ko, eh nasa lapag. Nakatulog na ako nito, nang may marinig ako
Speaker 1na parang bata. Yung feeling ko nito, tulog ako pero gising yung diwa ko. Tapos hirap akong makahinga. Yung bata, Aki at baba sa hagdan, tapos uupo siya ng nakahawak sariling ng hagdan at titingin sa akin. Akala ko nung una, anak lang ni tita yun na naglalaro. Pero imposible, madaling araw na kasi nun at tulog na ang lahat. Nakita
Speaker 1ko rin si mama at yung kapatid ko na mahimbing na rin ang tulog. Unti-unti kong nakita yung muka ng bata. Mahaba yung mga ngipin niya Malaki yung mga mata Paulit-ulit siyang akyat baba sa hagdan Natatakot na rin ako nung time na yun Sinusubukan kong abutin si mama para sana gisingin Pero hindi ako makagalaw Tinatawag ko din siya Pero hindi rin ako makapagsalita Nang tignan ko ulit yung bata
Speaker 1sa hagdan Nakita kong nakatayo na siya sa baba At nakatitig sakin Palapit siya ng palapit. Umiiyak na ako nito. Tinatawag ko pa rin si mama pero hindi talaga ako makapagsalita. Pilit ko rin iginagalaw ang katawan ko. Pero hindi ko talaga magawa. Napapikit na lang ako ng madiin nun. At pagmulat ko ng mga mata ko. Malapit na sa mukha
Speaker 1ko yung mukha ng bata. Nakangiti ito ng nakakatakot. Umikit na lang ulit ako at nagdasal. Pilit kong ginigising ang sarili ko. At sa muli kong pagmulat, wala na yung bata. Nagising na talaga ako nun. Tumingin-tingin ako sa paligid. Pero hindi ko na siya nakita. Nakakagalaw na rin ulit ako nun.
Speaker 1Sa sobrang takot ko nung time na yon, I couldn't sleep.
Speaker 2I waited.
Speaker 1Na lang na mag-umaga. Sinabi ko to kay mama nung makauwi na kami sa amin. Pero sabi niya, baka daw panaginip lang yun. Kaya nag-search ako nun at ikinuwento ko rin yun sa pinsan kong lalaki. Sabi niya, sleep paralysis daw yun. Dahil nangyayari din daw yun sa kanya.
Speaker 2So yun lang po. Maraming salamat.
Speaker 1Sana mabasa niyo po ito at mapasama sa podcast ninyo. Sa susunod, ikukwento ko naman po yung experience ng kapatid ko.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...