Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 2Hello there!
Speaker 1Totino Bells po ang inyong lingkod mga kirara at mga kapatid. Itong mga kwentong ito ay personal kong karanasan. Sana ay magustuhan ninyong pakinggan. Ire-respeto ko din kung hindi nyo paniniwalaan. Basta ang mga ito ay karanasan kong hindi ko malilimutan. Simulan na natin. May naalala lamang akong kwento. na nangyari sa akin sa probinsya namin doon ulit sa Quezon. Nagbakasyon
Speaker 1ako doon kasama si mama at dalawang pinsan ko.
Speaker 2Fiesta kasi noon.
Speaker 1Inutusan ako ng mama ko na pumunta sa Lucena para raw ipick up yung mga inorder niyang pagkain sa isang pinagkakatiwalaang kainan. Eh alas otso na ng gabi noon pero wala naman akong choice so sumunod naman ako.
Speaker 2Bumiyahi ako ng.
Speaker 1Mahigit tatlongpong minuto sa jeep at bumaba sa sentro ng Lucena. Pagkatapos noon ay naglakad na ako papunta sa kainang inorderan ni mama. Habang binabaybay ko yung kalsada papunta ron, ay may sumalubong sa akin na limang aso. Hindi naman ako natakot, pero nagtayuan sila at nilapitan ako.
Speaker 2Inayaan ko lang ang mga ito.
Speaker 1Nung makalagpas ako sa kanila, Eh sinundan nila ako. Ang pwesto nila ay tag-isa sa magkabila ko. Dalawa sa unahan at isa sa likuran ko. At yun yung pinakamalaking aso. Pinagmamasdan ko lang sila. Pansin ko na napaka-alerto ng mga ito. Nakataas yung dalawang tenga at kumakawag ang mga buntot. Wala nang tao sa kalya nun. Kahimik lang ang paligid. Puros
Speaker 1mga sasakyang nakaparada sa gilid at mga poste ng ilaw na lamang ang mapapansin mo sa kalsada. Sa halos sampung minuto kong paglalakad, may natanaw akong isang tao na nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw sa hindi kalayuan. Naisip ko baka tambay lang na nagyayosi. Nakaitim ito na hoodie, asol na maong at puting sapatos. Paano ko naman nasabing nagyayosi Umuuso ko sa iyong paligid ng ulo na niya.
Speaker 1Habang papalapit ako, yung mga kasabay kong aso ay nagsimulang magsiangil at maglabas ng mga pangil. Medyo nabahala ako, kaya binagalan ko ang paglalakad ko. Kaso habang mas lumalapit ako, mas lalo kong natatanaw yung tao na nakatambay doon sa ilalim ng poste ng ilaw. Nang tumakbo yung limang aso papunta doon sa lalaki at pinag-aangilan nila ito.
Speaker 2Pinagtatahulan nila.
Speaker 1At noong natatanaw ko na siya ng mabuti, napalunok na lang ako at napamura sa nakita ko.
Speaker 2Isa itong lalaking walang muka.
Speaker 1Ang katawan nito ay nababalot ng kulay abong usok at ang mga paan nito ay hindi nakasayad sa lupa. At ang mas nakakawindang paroon ay parehong-pareho niya yung suot ko nung gabing yun.
Speaker 2Pati na ang kulay ng balat ko. Lumikuna ko nun.
Speaker 1Sa kanto pero hindi ko inalis ang mga mata ko dun sa lalaki. Kahit paano ay naging panatag ako dahil patuloy itong tinatahulan ng mga aso. Pero nung mapakurap ako ay bigla na lang itong nawala. Tapos yung limang aso Nagtakbuhan sila pabalik sa akin at sinamahan nila akong maglakad nun hanggang sa makarating ako sa kain ang inorderan nila mama. Sinamahan din ako ng mga asong yun hanggang sa makalabas
Speaker 1ako sa kalya na yun papunta sa sakayan pa uwing Plaridel. Alam ng asawa kong si 8 ang kwentong ito. Meron akong crush noong grade 6 ako. na itago na lang natin sa pangalang Gian.
Speaker 2Maganda siya. Singkit.
Speaker 1Kutes porcelana. At may katangkaran. Kaso, napakatahimik niya. Madalas siyang mapag-isa. O sabihin na lang natin na mas gusto niya ang mag-isa. Nakilala ko siya dahil sa isang insidente sa school namin.
Speaker 2Isang tanghali noon. English subject namin.
Speaker 1Nang may marinig kaming nagkakagulo sa ibaba ng katapat naming building. Merong kumpulan ng mga estudyante nun. Naglabasa na rin yung ibang mga estudyante. Ilang teachers at pati na rin yung English teacher namin. Naglabasa nun halos lahat dahil sa isang malakas na sigaw ng babae. Lumabas na rin ako nun pati yung mga kaklasiko. Tamang asyoso ako nun. Pinapasok ng mga teachers yung mga estudyante. Kaso walang natinag. Hanggang sa
Speaker 1makita namin na inilabas ng mga guard, ang isang babaeng nagwawala. Mula ito sa isang classroom ng advisory class ni Mam Ines. Dinala sa klinik yung babae. At pagkatapos noon ay humupa na ang tensyon at tuluyan ang pinapasok ang mga studyante at itinuloy na ang mga klase. Kinahapuna noon, ay kumalat sa buong school ang balita kung ano talagang nangyari doon sa babae. Sinapian daw pala ito. Maraming nakichismis noon. Naalarma.
Speaker 2Nagtanong tungkol doon sa nangyari.
Speaker 1Ako naman tamang kinig lang noon sa usapan nila. At may ilang beses pang nangyari yung ganong insidente doon sa mismong babae na yun.
Speaker 2Paulit-ulit.
Speaker 1At habang tumatagal, ay mas lumalawak na rin ang naaabot ng balita patungkol sa kanya.
Speaker 2Isang buwan halos ang lumipas.
Speaker 1Lumipat ng school ang isa naming kaklase na si Ate Mary Ann. May bumalit na bago at galing daw sa seksyon ni Ma'am Ines. At ito nga ay walang iba kundi yung babaeng makailang ulit ng nabalita na sinasapian sa school namin. At dito nga ay nakita ko na siya ng malapitan. Mahaba ang tuwid na tuwid niyang buhok. Paputi siya. Singkit ang kanyang mga mata. Ngunit dahil siguro sa nangyari
Speaker 1sa kanya, e parang lumalim at naging lubog yung mga mata niya. Naparabang puyat na puyat at walang maayos na tulog. Naupo siya sa bandang unahan ng klase at nagpakilala. At ang pangalan niya ay si Gian. Oo, naging crush ko siya nun. Dahil active siya sa klase. Magaling siyang sumagot sa mga recitation. Almost perfect din siya sa mga quizzes at performance task. Matalino siya in short. Mahinhin, mainahon, at
Speaker 1maayos makipag-usap. Kaso lang, hindi niya talaga hilig ang makipagkaibigan. At ang bumuo ng konbersasyon sa pagitan naming mga kaklase niya.
Speaker 2Pero sinubukan kong kaibiganin siya. Challenging syempre.
Speaker 1Kasi kung makipag-usap siya, isang tanong isang sagot lang talaga. Pero masasabi kong naging close ko rin naman siya kahit papaano. At doon eh, okay na ako. Pasaya na ako nun. Naging maayos ang daloy ng isang buong quarter. Nakasama namin siya sa klase. Hindi siya nagkukwento sa mga kaklase ko kung bakit. o ano ba ang nangyari sa kanya nitong mga nakaraang buwan. At kahit sa akin na kaklose niya mismo,
Speaker 1ay hindi siya nagkukwento ng tungkol sa kondisyon niya at sa tunay na lagay niya. Eh, nahihiya naman akong magtanong sa kanya dahil baka ma-offend ko siya. Kaya naman hinayaan ko na lang at tinintay kong magkwento siya ng kusa. Isang araw, walang teacher ang history subject namin nun. At syempre noon, Eh normal lang naman sa mga elementarya na kapag walang guro, eh nagkakagulo at nagkakaingay.
Speaker 2At ganoon nga kami nun.
Speaker 1Ako tamang laro lang ng mga laruan na nakalagay sa rack ng room namin. Hanggang sa napansin ko nun si Gian, kahimik lang siyang nakaupo nun sa upuan niya habang nakatitig sa sahig at medyo malalim ang paghinga. Hanggang sa napansin na rin siguro ng ilang mga kaklasiko, Yung nangyayari sa kanya nun, kaya pinatahimik nila ang mga kaklase namin at pinipilit kaming ipasettle down. Kaso mo, yung mga kaklase naming lalaki,
Speaker 1eh ayaw paawat. Sige pa rin ang tawanan at kaingay nila. Dahilan upang magtakip ng tenga si Gian, na siyang ikinabahala naming mga kaklase niya na malapit sa kanya. Maya-maya pa nga, lahat kami ay natigilan na. Nang bigla na siyang sumigaw ng pagkalakas-lakas. Siyempre, lahat kami nun ay napatingin sa kanya. Tapos ay nagsimula na siyang umiyak habang nagsisisigaw.
Speaker 2Ilang sandali pa.
Speaker 1Ay bigla na siyang nawala ng malay at bumagsak mula sa kanyang kinauupuan.
Speaker 2Dun na kami nagkagulo.
Speaker 1Ang ilang mga kaklasiko ay nagsilabasa na para magtawag ng teacher o ng guard o ng kahit na sinong pwedeng makatulong sa amin. Mula sa pagkakahiga sa sahig ng ilang sandali, ay bigla siyang bumangon, tapos.
Speaker 2Nanatili siyang nakayuko.
Speaker 1Humihikbi-hikbi siya nun, naririnig din namin na bumubulong-bulong ito, pero hindi namin maintindihan kung anong sinasabi niya. Natakot ang ilan sa amin, kami na mga malapit sa kanya, eh nanatili lang sa tabi niya, umaalalay, baka kasi bigla na naman siyang matumba. Pinupunas-punasan siya ng pawis ng mga kaklase naming babae. Minamasahe ang kamay niya. At kami namang mga lalaki, eh
Speaker 1kanya-kanyang paypay at alalay sa braso niya. Tapos ay sabay-sabay kaming nahintakutan nang bigla siyang magsalita. Dapat sa inyong lahat mamatay.
Speaker 2Mamatay. Mamatay. Dapat kayong mamatay.
Speaker 1Lahat kami ay nangilabot nun, dahil ibang boses ang naririnig namin sa kanya. Boses bata. Sa takot ng ilan, ay may bumitaw na kay Gian. May ilan rin na umiyak sa sulok ng classroom namin. Maya-maya pa nga ay nagwala na si Gian. Yung mga lalaking kanina ay nag-iingay sa likuran, ngayon ay nagsisiawat na kay Gian. Hanggang sa may dumating na ngang mga teacher. kasama ang ilang mga gwardya. Yung
Speaker 1advisor namin ay agad nang tinawagan ng gwardya ni Jian. Lahat kami nangingilabot sa nangyayaring kumusyon sa classroom namin na umabot din ng mahigit na kalahating oras. May ilan na ring mga estudyante ang nakikiosyoso at nanunood mula sa labas ng bintana ng room namin. May ilang teachers pa ang dumating. para papasukin na sa kanya-kanyang rooms yung mga estudyante. Ang ilan naman ay sumubok na tumulong sa komosyong nangyayari. Nang
Speaker 1dumating yung mama ni Gian, ay siya na ang nanguna sa pag-awat dito. Nagsimula kaming magdasal lahat, abang patuloy pa rin siya sa pagwawala, pagmumura, at pagsasabi ng kung ano-anong bagay na hindi na namin naiintindihan. Kahit takot na takot kami nun, ay ipinagpatuloy namin ang pagdarasal.
Speaker 2At habang nagdarasal nga.
Speaker 1Kami, napadako ang tingin ko sa mga studyanteng nasa labas ng bintana ng room. Napansin ko na may nakahalo sa kanila na isang batang sobrang itim na para ba itong isang agta. Wala itong muka pero meron itong napakalaking bibig. Napatitig ako doon at napamaang at doon ko itinuon ang pagdarasal ko. Napansin kong nakatitig din doon yung isa kong
Speaker 1kaklase na alam kong may third eye din katulad ko. Hindi siya makapagdasal noon. Pinagpapawisan siya ng matindi habang nakatitig doon sa batang itim. Kinalabit ko siya noon at sininyasan ko siyang ituloy ang pagdarasal. Halos isang oras na pagdarasal. Walang tigil. Patindi ng patindi. Pero kasabay noon, ay tila patindi rin ng patindi ang pagsigaw at pagwawala ni Gian.
Speaker 1Pero matatag ang kanyang ina na patuloy pa rin nagdarasal. Yung isang teacher doon ay inipitan siya ng isang rosario. At nagulat kami sa naging reaksyon ni Gian. dahil para ba itong napapaso at nasasaktan sa rosaryong ikinabit sa kanya.
Speaker 2Sinigawan at minura niya.
Speaker 1Yung teacher at inutusan niya itong tanggalin yung rosaryo dahil napapasuraw siya rito. Sabay-sabi ng mga salita sa lingwahe na alam kong Latin. Hindi rin nagtagal ay bigla na lamang ding nawalan ng malay si Gian. Unti-unti na ring humupa ang tensyon. Pero umugong ang kabi-kabilang usap-usapan sa paligid. At mas nagningas ang takot sa mga mag-aaral at ng mga
Speaker 1gurong nakasakse sa nangyari. Matagal na walang malay si Gian noon. Kalong-kalong siya ng kanyang ina habang kausap ang aming advisor.
Speaker 2Uwian na.
Speaker 1Humupa na ang tensyon. naglilinis na kami ng mga kagrupo ko sa aming silid aralan. Nang biglang mabasag ang katahimikan, nang makarinig kami ng mga sigawan na nagbumula sa ibaba ng building namin. At syempre pa, eh nakiusyoso kami. May nakita kaming apat na estudyanteng babae na inaawat at buhat-buhat at mukhang dadalhin ang mga ito sa klinik ng school. Syempre, isang bagay lang ang agad naming naisip may sinapian pang
Speaker 1ibang mga studyante. Na talaga namang ikinabahala ng mga teacher namin at ng nanay ni Gian. Nang matapos ang kumusyon sa labas at madala sa klinik yung mga studyante, may isang guru ang umakyat sa amin na kaninang kasama namin sa pagdarasal. May ibinalita ito kay ma'am. Sabi niya, may isang pari at albularyo daw ang dumating. Dahil tinawagan daw yun ang punong guru namin upang hinga ng tulong. Nagperform
Speaker 1daw ng exorcism yung dalawa. Nagtulungan daw ang mga ito na parabang walang pader sa pagitan ng relihiyon at ng lihim na karunungan. Matapos daw noon ay magkahiwalay na kinunan ang panayam yung dalawa sa magkahiwalay na lugar. Yung pari at yung albularyo. At nagtugma raw yung sinabi nung dalawa Dahil ang sabi raw ng mga ito, ay iisa lamang ang nilalang na gumagawa ng panggagambala sa mga studyante na
Speaker 1sinaniba ng araw nayon. At yun daw, ay ang isang batang sobrang itim, walang muka, ngunit may napakalaking bibig. Napatunayan daw ito ng albularyo, dahil tinawas nito yung mga sinapiang estudyante. at iisa nga din ang lumalabas sa tawas. Mga kapatid, kahit wala kang kakayahang makakita, ay makikita mo na nakabakat
Speaker 1sa papel ang imahe ng isang batang ubod ng itim. Walang muka at may napakalaking bibig at napakalapad.
Speaker 2Daw ng ngiti nito.
Speaker 1Nakita namin yun dahil bit-bit ito nung gurong umakyat sa selidara lang namin Doon kami mas kinilabutan nung kaklasiko na kaninang nakakita din doon sa batang.
Speaker 2Itim na yun.
Speaker 1Dahil yun na yun nga, yung nakita naming nakahalo sa mga batang nakasilip sa bintana habang nagkakagulo kami sa classroom kanina.
Speaker 2Ikinuwento namin yun kay ma'am at sa nanay niya.
Speaker 1At naniniwala naman sa amin si ma'am dahil alam niya talagang may kakayahan kami.
Speaker 2At dahil doon, ay mas.
Speaker 1Lalo pang nadagdaga ng pagkabahala niya pati na rin ang nanay ni Gian.
Speaker 2Fast forward po tayo.
Speaker 1After ng graduation ng grade 6, ay nawalan na kami ng komunikasyon ni Gian. Lalo na't nasa magkaibang skwelahan na kami nag-aaral nung high school. Tatlong taon mahigit ang lumipas. Grade 9 na ako nun, nung magkaroon ulit kami ng komunikasyon ni Gian sa pamamagitan ng Facebook Messenger. Nakapag-usap kami nun, kumustahan at kwentuhan. Hanggang sa nagkakatawagan na kami. Isang araw,
Speaker 1nagpa siya kaming magkita. Masaya ang pagbati namin sa isa't isa. Na para ba kaming magkapatid na matagal na hindi nagkita? Nagpunta ako nun sa bahay nila. Kilala na rin naman ako ng mama ni Gian. Na itago na lang natin sa pangalang Tita Mian. Kilala rin ako ng kapatid niya. Na hindi ko na lang papangalanan. Kumustahan ulit kami. Kasama na yung mama niya. After ng araw na yun, ay ganoon na yung naging sistema namin sa halos araw-araw. Hanggang
Speaker 1sa nagkapalagayan na nga kami ng loob ni Gian. Niligawan ko siya at nagpaalam naman ako sa mama niya. Hanggang sa naging kami na nga. May mga pagkakataong nagkakausap kami ni Tita Mian patungkol kay Gian. Tapos minsan, bigla kong nai-open sa usapan. Yung mga nangyayaring kababalagan sa kanya nung nasa elementarya pa lang kami. At medyo nasorpresa ako sa mga naging kwento ni tita. Hindi daw pala iyon ang naging huling kaso ng pagsanib kay Gian. May isang pagkakataon daw.
Speaker 1Nasa church si Gian. Amang sermon daw ng pastor nun. Nang bigla daw siyang himatayin sa gitna ng pagkanta ng worship song. At pumitik na nga ang sapi kay Gian. Nagwala daw ito. Pinagmumura yung pastor. At umusal ng langguahing Latin. Ganun pa rin daw yung boses niya. Boses bata. Atawa raw ito pagkatapos ay iiyak. Tapos biglang magmumura. Habang isinasa
Speaker 1ilalim daw siya ng proseso ng eksorsisim ng pastor, ay nagkagulo daw lalo. Nang bigla itong lumutang habang nakatirik ang mga mata. Napakahabang proseso din daw nang nangyari nun, bago ito humulas at kumalma, hanggang sa mawalan na lang ulit ng malay. Nangyari din daw ito sa school ni Gian. Bumagsak daw siya sa gitna ng classroom habang nagtuturo yung teacher. Siyempre,
Speaker 1noong pumitik na ang sapi ni Gian, ay nagwala ng araw ito. Sa tindi at lakas daw nang sumanib kay Gian, he also made a statue of a guru and built it on the top of the hill.
Speaker 2It is said that he often took care of Aunt Mian.
Speaker 1Because it is said that whoever was next to Jian started to get angry. There are other stories that Aunt Mian told about what happened to Jian. And she noticed that there was a rumor going around about.
Speaker 2What happened here. Habang umugusad ang panahon.
Speaker 1Noong patignan daw nila sa albularyo, eh yung parin daw batang itim na walang muka na may malawak na bibig ang sumasanib sa kanya. Kursunadang kursunada daw nito si Gian. Ilang buwan ang lumipas. Pinapaalis daw sila nun sa tinitirhan nilang paupahan dahil aayusin daw yung bahay. Kaya naghahanap sila nun ng mauupahan. Nagpresenta ko nun na doon na muna
Speaker 1sila mangupahan sa mismong paupahan namin. Nakiusap ako kay mama na huwag silang singilin sa upa. Ilaw at tubig na lang kako muna ang singilin kada buwan. At pumayag naman si mama. Hanggang sa nakalipat na nga sila doon. Mas lalo ko pag nakilala si Gian noon. Pati na rin si tita at mga kapatid niya. Isang gabi, Nagpa siya kami na mag-late night walk ni Gian. Hawak kamay kaming
Speaker 1naglalakad noon. Nung walang ano-ano, ay iniopen niya sa akin ng tungkol sa mga sanib na kanyang nararanasan.
Speaker 2Fully aware daw siya dito.
Speaker 1Alam na alam niya kung sino o ano ang umaagaw sa katawan niya. Dahil bata pa lamang raw siya, ay nakikita at nakakausap niya na raw ito.
Speaker 2At nakakalaro pa nga daw.
Speaker 1Ipinagtapat sa akin ni Gian na gusto raw kunin ang batang iyon ang katawan niya dahil naiinggit daw ito sa kanya. Ang totoo daw, dapat daw ay may kambal si Gian ngunit hindi raw ito nabuhay nung isilang silang dalawa. Kaya ngayon ay naiinggit daw ito dahil napakasaya raw ng buhay ni Gian. May ina, kapatid, kaibigan. At marami pa raw ibang nagmamahal sa kanya noong mga panahon na yun.
Speaker 2Katulad ko nga.
Speaker 1Siyempre pa, tinanong ko sa kanya kung papaano niyang nalaman ang tungkol doon. Sabi niya eh, ipinagtapat daw yun sa kanya ng mama niya, ni Tita May Ann. Pero nananatili daw yun na lihim sa pagitan nilang dalawa. Pero ayun na nga, binanggit niya na sa akin. Lagi daw niyang kasama ang batang iyon kahit saan siya magpunta. Nakaabang kung kailan siya magiging mahina at saka ito susubok na pumasok.
Speaker 1At iyon na nga raw yung mga pagkakataon na siya ay sinasaniban. Ayaw din daw pala ng batang iyon na may nakakaklose si Gian kaya nga wala siyang masyadong kaibigan. At noong mga oras na yon ay ipinagtapat sa akin ni Gian The kid was.
Speaker 2Really mad at me.
Speaker 1Since we met again, especially when we became friends.
Speaker 2And then, while we were walking, Gian told me that he thought I was really bad. That I could see it myself.
Speaker 1Even without the eyes, I knew it was looking at me. Ramdam ko ang enerhiya ng galit na patuloy niyang pinapakawalan papunta sa akin. Natakot lang ako nung tanungin ako ni Gian kung gusto ko daw bang makausap yung kambal niya.
Speaker 1Pero tumanggi ako kasi tuloy yan ang nabahagang buntot ko noon. Tapos eh, umuwi na kami. Kumain at tagpas siya ng matulog. Hindi ako makatulog noon sa mga ipinagtapat niya sa akin. Pero kahit ganun, eh tanggap ko siya at ang kalagayan niya. Pero hindi ko maaalis ang takot niya. Habang ibinabahagi ko kay 8 ang kwentong ito, eh natatawa siya. Pero kinikilabutan din. Napapasabi na lang siya na ang weird daw. Na para
Speaker 1bang hindi sila pareho ng kaso ni Gian. Na may kakambal sana, taso hindi na buhay.
Speaker 2At naikwento niya na yun.
Speaker 1Dito sa isa sa mga episodes ng Inig Stories na may title na Gabay at Elemento.
Speaker 2At totoo po ang kwentong.
Speaker 1Ito ni 8 dahil pinatunayan ito sa akin ng mama niya na si Mama Mitch. Nakatulugan ko na yung takot ko pero naalimpungatan ako nun nang gisingin ako ni mama ng bandang alas 11 ng gabi. Si Gian daw may kakaibang nangyayari Syempre napabangon agad ako nun para kumustahin siya. At nakita ko siya na nakakapit sa gate. Humihikbi at bumubulong. Pero hindi ko maintindihan yung sinasabi niya. Dahan-dahan ko siyang
Speaker 1nilapitan para kausapin. Pero may kutob na ako nun. At talagang kinakabahan ako. Pero nilakasan ko ang loob ko at hinawakan ko siya sa balikat. Nasa likod ko nun si mama, pati na yung stepfather ko. Nakaabang lang sa kung anong sunod na mangyayari. Nung hahawakan ko na si Gian... Ay bigla itong humarap. At napamura na lang ako nun sa itsura niya. Sobrang gulo ng buhok niya. Tapos yung mata niya...
Speaker 1Purong itim lang. At ang lapad ng ngiti niya. Pagkatapos ay bigla itong sumigaw sa harap ko.
Speaker 2At sinakal niya ako. Kahit ako... It was hard for me to believe what I saw in him. But because of that, I lost my sense of smell. I didn't do anything else but try to remove his hand from my neck. He tried to hold my stepfather.
Speaker 1Eh, my stepfather is a very big man. But he did this to Patal Sikin in just one push. I. Bilang may konting alam ako sa ganitong bagay, dahil nga may naman ako sa yuma akong ama, ay sinubukan ko siyang gamitan. Bumulong ako ng orasyon sa daliri ko, sabay ibinaon ko sa sikmura ni Jian. Siguro ay nagawa kong saktan si Jian o yung sumanib sa kanya dito, dahil
Speaker 1napasigaw ito ng ubod ng lakas. Pagkatapos ay nabuwal siya sa lupa kasama ko, at dun niya palang ako nabitawan. Hindi tumagal ang orasyon na ibinulong ko. Kaya agad akong tumayo at pinagtulungan na namin ni Papa na awatin siya noon. Habang ako ay nagsimula muling magdasal. Nagising na rin noon yung mga kapatid ni Gian. Nasa likod namin sila kasama ni Mama at mga nagsisiiyakan sa takot.
Speaker 2Hinawakan ko ang.
Speaker 1Noon niya gamit ang isang kamay ko para subukan siyang orasyonan. Pero napakahina nang inilalabas ko noon Dahil tinatawanan niya lang ako.
Speaker 2Walang kwenta. Inutil ka. Inutil.
Speaker 1Aaminin ko naman, mahina talaga ako noong mga panahon na yon. Kaya wala akong nagawa, kundi ang magdasal sa Panginoon. Pinabitawa ko ng stepfather ko sa pagkakahawak at pinalayo niya na ako. At siya nang mag-isa ang humawa kay Gian. Si mama naman ay tinatawagan na si Tita Mian. May ilang minutong kumalma si Gian. Pinaupo ito ni papa sa upuan at kinausap. At doon ko lang din nalaman na may kaalaman din
Speaker 1pala ang stepfather ko. Pinakuha niya ako nun ng itim na sinulid. Pinaputol niya sa akin ng isang dipaang haba. Kinuha niya yon sabay bulong. Pagkabulong niya, ay pinulupot niya ito sa mga pulsuhan ni Jian. At habang ipinupulupot niya ito, ay nagsimulang umiyak si Jian. Nagmamakaawa natanggalin yung sinulid dahil sobrang sakit daw. Nung mga oras na yon, ay talagang
Speaker 1mapapaisip ka na kung papaano siyang nasasaktan. Eh hindi naman yon ibinuhol ni papa ng mahigpit, kundi ipinulupot lang ito. sa pinagdikit niyang pulsuhan. Kaya kumpirmado dahil gumana ang kung anumang orasyon ang ibinulong niya na ginamit niya rito. Tuloy lang sa pag-iyak at pagmamakaawa si Gian. Tapos bigla itong sumigaw at pinagmumura niya si Papa. Pasigaw din niyang sinasabi
Speaker 1na tanggalin ito yung sinulid. Tapos ay bumalik lang siya sa pag-iyak. Papa was just like a negotiator. I was like a kid when he talked to Gian to get rid of the burden. After a few minutes, Aunt Mayan arrived. She asked us.
Speaker 2What happened.
Speaker 1And Papa told us. And this is what happened before I woke up. Mama and Papa were already asleep. Nang maramdaman daw ni Papa na may humahakbang sa garahe. Sinilip daw niya at nilabas at nakita nga niya roon si Gian na naglalakad papunta sa garahe. Narinig daw niya na
Speaker 1umiiyak ito. Kaya tinawag niya at tinanong kung okay lang daw ba ito. Pero hindi raw ito sumasagot. Nagising na rin nun si Mama at nakita rin niya kung ano yung nangyayari. At yun na nga, dun niya na ako ginising. Pagkatapos ay ikinuwento namin kay tita kung ano yung nangyari. Hanggang sa humantong na nga sa ganoong sitwasyon ni Gian. Sa mga oras na yon ay kalmado na ito. Nakapikit na lang na tila ba natutulog. Kaya kinalag na ni
Speaker 1tita Mian yung itim na sinulid. Na isang malaking pagkakamali. Ipigilan pa sana siya ni papa. Ang kaso ay nakawala na si Gian at muli na naman siyang nagwala. At tila ba nakakuha ito ng pagkakataon na dakmain si Papa at sakalin. Ngunit agad din naman itong napigilan ni Papa. Tatlo na kaming umaawat nun kasama si Tita Mian. Dumating na rin nun yung mga kapatid at bayaw ni Tita
Speaker 1Mian para sana tumulong.
Speaker 2Kaso pagbukas pa lang.
Speaker 1Ng gate ay bigla nang tumakbo palabas si Gian na parabang isang presong tumakas at muling nakalaya. Humahagul-gul ito habang tumatawa, habang nagsisisigaw. Kumabol kami para pigilan siya. Medyo nakalayo na si Gian nun, pero buti na lang at naabutan siya ni Tita Mian at ng bayaw niya. Patuloy sa pagsigaw nun si Gian. Nakagambala na rin kami nun ang mga kapitbahay namin, kaya naman may ilan na rin ang lumabas
Speaker 1at nakita yung kumusyon na nangyayari sa amin. Hindi rin naman nagtagal nun ay nawalan na ulit siya ng malay. Ipinasok siya agad nun sa bahay at doon ay agad din naman siyang nagising. Agad niya akong tinignan at sinabing galit na galit daw sa akin. Tinanong ni na mama at papa pati na na mga kamag-anak na Gian kung sino yung tinutukoy niyang galit sa akin. Hindi siya sumagot.
Speaker 1Nagtinginan lang kami dahil alam na naming pareho kung sino yung ibig niyang sabihin. Buwan ng binilang, naghiwalay kami ni Gian dahil sa hindi pagkakaintindihan. Umalis na rin sila sa bahay nun dahil nakahanap na daw sila ng malilipatan. At mula noon, ay wala na akong naging balita sa kanya. Magkaroon man, eh mula lang yun sa mga kaibigan namin.
Speaker 1Hanggang sa tuluyan na nga ring nawala. Pero tila ba, hindi nawala ang naiwang bakas ng negatibong enerhiya na iniwan ni Gian sa bahay namin. At hindi ako nagkamali dahil naiwan sa bahay namin ang batang itim na yun. At nakahatak pa ito ng iba pang mga negatibong enerhiya na siya namang naging dahilan upang pasukin ang mga hindi pang karaniwang mga nila lang ang mismong bahay namin. Nasa tingin
Speaker 1ko ay siyang naging sanhi upang magkaroon ng mga negatibong pangyayari sa buhay namin magpasa hanggang ngayon.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...