Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on: Official FB Page: https://www.facebook.com/nginigtv FB: https://www.facebook.com/kiraaraze IG: https://www.instagram.com/kiraaraze SEE YOU ON MY NEXT EPISODE. STAY SAFE EVERYONE. π―οΈ Salamat sa pakikinig sa Nginig Stories. π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week. π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo. π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills. Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Yo mga kirara, Toti po ito.
Speaker 2Nga pala, abangan po natin ang huling limang kabanata ng misteryo sa kumbento.
Speaker 1Pero sa ngayon, ito na muna.
Speaker 2Isang normal na araw naming mag-asawa ni 8, nang mapakwento itong boardmate namin na ang pangalanan nating CKM. Kasama ang asawa niyang itago naman natin sa pangalang Yok-Yok. At ito, pakinggan natin ang kanyang kwento. sa kanyang punto de vista. Uunahin ko itong pinakamatinde. Noong nag-aaral ako ng senior high sa isang Catholic school sa Bicol, ay may karanasan talaga akong hindi ko kahit kailanman malilimutan sa buong buhay ko.
Speaker 1Ang school na yon.
Speaker 2Ay likas na misteryoso at talagang paninindigan ka ng balahibo lalo na kung ikaw ay may likas na kakayahan na hindi taglay ng normal na tao. May mga kaso noon na bigla na lamang may sumisigaw na estudyante sa kalagitnaan ng tanghali. At kapag tatanongin naman, ang isasagot ay may nakita silang kung ano. At meron ding kaso doon ng sanib at isa-focus sa nakaranas nito. Normal na araw yun
Speaker 2sa school namin.
Speaker 1Lunch break. Puno ng tao ang kantin.
Speaker 2Ako naman ay kahaalis lang sa mahabang pila sa pagbili ng mga ngata. Maya-maya, sa katabing building ng kantin, may nakita kong kumpulan ng mga kapwa kustudyante. Mga nakadukwang sila sa bintana ng isang siltarelan sa ikalawang kwarto. Sa pagkakarinig ko, ay tila ba may nagkakagulo sa loob. Nakisilip rin ako, nakipagsiksikan. At nakita ko mula sa loob ng classroom na yon
Speaker 2Na merong dalawang estudyante yung babae na nakabulagta sa sahig Yung isa, e tila ba napasama ang pagkakabagsak sa sahig Dahil may dugo Yung isa naman, e tila ba nasa po naman ng kaklase Pinapaalis kami ng ilang teacher Pero syempre, marami kaming hindi matitinag sa pagiging usi Aalis na sana ako nun Nang bigla namang magsisigaw yung isa dun sa dalawang babae. Noong sinilip ko, eh yung babaeng may dugo
Speaker 2sa ulo yun. Nagulat ako sa itsura niya. Dahil ang lalim ng mga mata niya, ang talim ng mga tingin niya, at iba rin yung boses niya. Nga tuod ako nun sa kinatatayuan ko nang makita ko yun. At hindi naman nagtagal, ay nagwala na rin yung isa pang babaeng wala rin malay kanina. Pinapalagan nila yung halos anim na lalaking umaawat sa kanila. Pero hindi sila kayang pigilan ng anim na lalaki na yun. Masyadong malakas yung dalawa. Umalis na ako nun.
Speaker 2Kasi kinikilabutan ako sa nakikita ko. Bumalik na lang ako sa classroom ko. Mabilis na kumalat sa school ang pangyayari na yun. Kaya mas lalong tuminde ang takot ng ilan sa skwelahan. Ayon sa narinig ko, nagpadala ng pari ang school doon sa room kung saan sinaniban yung dalawang babae.
Speaker 1Nagkagulo sa gymnasium ng school.
Speaker 2Dahil may iba pa palang estudyante ang sinaniban nung araw na yun. Sa takot ko, eh nakaramdam ako ng pagkaihi. Kaya sinubukan kong pakiusapan yung kaibigan kong kaklase. Kaso isa rin kasi siyang tuwag at kalahate na hindi makatayo at makalabas. Dahil sa takot niya sa kumusyong nangyayari. So mag-isa akong lumabas ng room. Habang tinataha ko ang corridor ng building patungo sa CR, ay mahahalata mong parang kansilado na ang
Speaker 2mga klase. Dahil halos lahat ng nadadaanan kong classroom ay mga walang teacher. Sarado din ang mga bintana at pinto. Talagang madadama mong takot na takot yung iba pang mga estudyante. Nakatapos naman akong umihinon Lumabas na ako ng cubicle at maghuhugas na sana ng kamay sa lababo. Nang may maaninag akong dumaan sa likod ko. Hinayaan ko lang kasi ang nasa isip ko nun eh baka isa lang ding estudyante
Speaker 2na magsisiyar.
Speaker 1Bumukas ang cubicle. Nagflash ang toilet.
Speaker 2Tumingin ako sa salami ng lababo para abangan kung sino yung lalabas sa cubicle na yon.
Speaker 1Pero....
Speaker 2May tatlong minuto na akong nakatitig sa salamin. Eh wala paring lumalabas na kahit sino doon. Medyo kinilabutan ako. Nangangatog na yung mga tuhod ko.
Speaker 1Lalabas na sana ako ng CR.
Speaker 2Nang makarinig ako ng babaeng umiiyak sa loob ng cubicle.
Speaker 1Yung iyak na parang nagiinarte.
Speaker 2Hanggang saang iyak na yun, ay naging palahaw na. Nagpunas na ako ng kamay at humarap na sa pinto ng CR. At ganun na lang ang sindak ko nang makita ko ang isang babaeng nakatayo roon. Nakasuot ito ng lumang uniforme at merong umaagos na dugo sa palad at hita niya. Meron siyang malaking sugat sa leig. Doon na ako nawala
Speaker 2ng malay. Nang magising ako, ay nasa loob na ako ng klinik. Maraming nakapalibot sa akin. Mga kaklasiko, dalawang teachers ko. At napansin ko din na nasa kabilang bahagi ng klinik yung nakita kong dalawang babae na sinaniban sa classroom nakatabi ng kantin. Kinumusta ako ng mga kaklasiko pati ng mga teacher. Hindi ako makasagot nun dahil nangihina yung buo kong katawan.
Speaker 1Na hindi ko maigalaw yung pangako.
Speaker 2Hindi man ako makasagot, nagkwento sila ng nangyari. Nakita daw ako nina Sister Susan at Sister Erica, mga madrang namamahala din sa eskwelahan. Nakita daw nila kong walang malay sa may CR. Tumawag daw sila ng guard at teacher para ipaalam yung nangyari sa akin. Bubuhatin pa lang daw sana ako ng gwardya Nang bigla daw akong magpupumiglas at magsisigaw.
Speaker 1Dilat daw ang mata ko.
Speaker 2Pero kulay itim lang daw yung nakikita nila. Boses lalaki daw ako nun. Nagmumumura daw ako. At pinagbabantaan daw silang papatayin ng kung sino man yung nakasanib sa akin. Sinusubukan daw akong awatin at pigilan ng gwardya at ng mga teacher. Pero sobrang lakas ko raw. Nagawa ko raw na patalsikin yung gwardiya sa lakas ng pagtulak ko. Mabuti na lang daw at may tatlong teachers pa ang dumating at sinubukan
Speaker 2daw nila kong hawakan. Nang hawakan daw nila ko, ay nagbago ang boses ko. Naging isang batang babae naman na umiiyak at umihingi ng tulong. Hanggang sa ganun na lamang daw yung naging takot nila nang makitang lumutang ako ng dalawang talampakan mula sa sahig. Habang hawak-hawak ng tatlong teacher yung paa at kamay ko. Sinubukan daw nila kong ihiga sa stretcher at itali doon para dalhin sa pinakamalapit na simbahan.
Speaker 2Sa punto na yon, eh halos 20 na raw yung nadala nila doon ng sabay-sabay.
Speaker 1At ako na raw yung pinakahuli.
Speaker 2Nakarating daw sa pamunuan ng bayan namin ang pangyayari na yon. Dahil nasa harapan lang naman ng munusipyo yung paaralan namin. At ang magaling naming mayor ay tumawag pa ng ambulansya. Tumagal din daw ng higit isang oras bago isa-isang kumalma ang mga sinapian.
Speaker 1Pati na rin ako.
Speaker 2Ang ibang mga studyanteng nagising na ay pinauwi na. Habang ang mga wala pang malay na katulad ko noon ay pinanatili muna sa pagamutan ng skwelahan. Hanggang sa doon ang ako nagising. Nung araw na yon, Nasa tatlumpong studyante raw ang sinaniba ng sabay-sabay sa school namin.
Speaker 1Kabilang nga ako sa kanila.
Speaker 2Katabi ng mga kaklasiko yung advisor namin noon at nagkwento siya sa amin. Ayon sa mga hakahakan na kumakalat, sa pamamagitan na rin ng mga guru at iba pang mga sangay ng paaralan na yon, na bagaman paaralang katoliko, ay.
Speaker 1Talaga daw suki sila ng mga sanib.
Speaker 2At halos taon-taon daw ay meron talaga. Nagsimula daw yun nang may isang estudyanteng grade 10 ang namatay sa isang CR ng school. At ang CR daw na yun ay kung saan ako nakitang walang malay. Ang sabi daw ay ginapasa daw ng maintenance personnel yung estudyante na yun.
Speaker 1At nagbunga raw yung kahalaya na yun.
Speaker 2Sa takot ng bata sa magulang niyang Stricto, ay naisip daw nitong magpakamatay doon mismo sa CR na yon. Nang makita raw yung bangkay ng Stricto, ay nakita nilang may hawak itong kutsilyo. Dugoan daw ang maselang parte ng katawan nito na para bang kinalkal gamit yung kutsilyo. Hindi daw nahuli ang salarin dahil nag-awal na raw ito sa trabaho.
Speaker 2At hindi na rin makontak pa o mahanap ng mga kawaninang paaralan. Isang taon lang daw matapos ang pangyayari na yon, nagsunod-sunod na daw ang kaso ng mga pagpapakita ng isang batang babaeng duguan sa ibabang parte ng katawan. At nagpapakita raw ito sa iba't ibang bahagi ng school namin. At doon na rin nagsimula ang maraming kaso ng pagsanib sa mga estudyante.
Speaker 1Ikinonsulta nila yun.
Speaker 2Sa mga pari at sa mga paranormal investigator at iisa lamang daw ang sinasabi nila na ang negatibong enerhiya daw dulot nung nangyaring krimen ay naiwan sa paaralan na yun na siya namang dahilan upang makatawag pansin sa mas malakas na negatibong enerhiya at makabukas ng lagusan ng masasamang espiritu. Nang mabasbasan daw ang eskwelahan ay pansamantalang tumigil ang mga
Speaker 2kaso ng pagsanib at iba pang mga kababalaghang nangyayari doon. Nagkaroon daw sila ng katahimikan sa loob ng mahigit na apat na taon. At itong nangyari kung saan kasama ko sa mga nasapian ay ang muling pagbabalik ng mga kaso ng pagsanib, na hanggang ngayon ay hindi pa nila mahanapan ang sagot. Pangalawang kwento, way back noong junior high school ako.
Speaker 2School fair noon, parang foundation day sa public school. Siyempre alam naman nating lahat na kapag ganito ang okasyon, eh automatic na walang klase, halos lahat ng level ng paaralan. Kaya tamang laboy ako noon sa buong school. At lahat ng mga estudyante ay pinapayagang magsuot ng civilian attire.
Speaker 1Maraming mga palaro noon. Quizzes.
Speaker 2Siyempre ang premyo ay stab na ibibigay sa mga subject teachers para sa karagdagang mga grades at exceptions.
Speaker 1May pa-quiz game noon sa science department.
Speaker 2Ako tamang nood at kinig lang noon dahil medyo tagilid ako sa science. Napada ako ang paningin ko sa isang building malapit sa kapilya ng eskwelahan. Sa third floor ng building na yon Merong nakatayo doon at talagang kapansin-pansin siya dahil anlaki niyang babae at nakasuot pa siya ng uniforme.
Speaker 1Medyo natatawa pa nga ako nun.
Speaker 2Kasi sa isip-isip ko, hindi ba to na-inform na pwedeng magsibilyan ngayong araw? Pero nabawi ang ganoong kalikutan ng isip ko dahil sa pagkasindak.
Speaker 1Paano ba naman? Biglang tumalun yung babae sa building na yun. Syempre, napasigaw ako.
Speaker 2At maraming estudyante at ilang mga guro ang napatingin sa akin. Napatakbo ko patungo sa building ngayon. At nang tignan ko yung ground floor, laking pagtataka ko kasi wala akong nakitang nakabulag ng katawan doon.
Speaker 1Nang tingalain ko ulit.
Speaker 2Yung building, ay nandilat ang mga mata ko. Kasi malino kong nakikita yung babae.
Speaker 1Nandoon ulit siya sa third floor.
Speaker 2Basag ang noon ito at may umaagos na dugo sa kanyang mga mata. Napaatras ako sa kinatatayuan ko. Nangbigla na lang akong kalabitin ang isang madre at tinanong kung ayos lang daw ba ako. Hindi ko napigilang sabihin yung nakita ko. Ang nakakainis lang isipin, e paramang hindi man lang siya nagulat. o natakot nung sabihin ko yung nakita kong yun. Ang sabi pa niya, normal lang daw talaga sa paar lang
Speaker 2iyon ang mga ganoong pangitain. Tibayan na lang daw talaga ang pananampalataya. Pangatlo, grade 10 ako nun. Sa faculty room ito nangyari. Nautusan ako ng advisor namin na magpunta sa faculty Para kumuha ng dagdag na printout ng mga handout activities namin.
Speaker 1Natagalan pa ako sa labas nun dahil walang tumutugon sa doorbell.
Speaker 2Kaya naman pumasok na lang ako ng dahan-dahan habang kumakatok pa rin sa pintuan. Nang biglang may bumulaga sa akin na bata. Nagtatago siya sa ilalim ng table ng isang master teacher. Ang nakakapangilabot lang dito.
Speaker 1Walang mukha yung bata. Pero ramdam kong nakatitig ito sa akin.
Speaker 2Hanggang sa bigla na lang itong naglaho. Binilisan ko na lang ang pagkuhanon ng mga papel. Sabay, labas na ng faculty.
Speaker 1Pangapat.
Speaker 2Grade 10 pa rin. Sa SMAU, o Shielded Metal Arc Welding. Isang branch ng TLE subject namin before ang uwian. Habang nagpuputol ako ng metal plate, kinalabit ako ng kaklasi ko. Tinanong ako kung pwede daw ba siyang magpatuloy magwelding. Pumayag naman ako at pinanood ko siyang magweld. Habang kumikislap yung welding rod niya, natanong ko sa labas ng bintana ng room namin na may nakatayo doon ng matandang teacher. Nasabi
Speaker 2kong teacher dahil nakauniforme ito ng pang teacher. Nang matapos siyang magwelding, sinabi ko rin sa kanya yung nakita kong teacher sa labas. Pero ang sabi niya, Baliw, tayo huling section ngayon eh. Wala nang ibang estudyante at teacher dito sa school. Doon ko lang na-realize na oo nga.
Speaker 1Almost 7pm na nun.
Speaker 2At nakita ko lang din yung teacher na yun sa labas sa madilim na koridor namin dahil sa spark ng welding. Napailing na lang ako nun at sinimulan ng tulungan yung kaklase ko. Pero hindi na maalis sa isip ko yung takot. Itong sunod na kwento ko po ay sa Bicol pa rin, sa bahay namin sa Bicol, sa Rapu-Rapu Island.
Speaker 1Simula pa lamang noong bata ako.
Speaker 2Ay madalas na rin akong makakita ng mga bagay na hindi bastang nakikita ng normal na mata. At kumpirmado na may third eye ako. Sa bahay ng mga lolo ko sa isla nayon, may mga karanasan ako na hindi naman gaanong nakakatakot para sa akin, pero hindi ko makakalimutan.
Speaker 1Una, nine years old ako nung nangyari ito.
Speaker 2Nagkayayaan kami ng mga pinsan kong maglaro ng tagu-taguan. Hapon pa lang noon, kaya game kami. Kasi hindi pa naman kami hahanapin ang mga lolo namin. Sa likuran ng bakuran namin, may mga nakatambak na lumang gulong ng jeep at kotse. Nangongolekta kasi ng ganun si lolo. Meron ding mga nakatambak dun na lumang parte ng sasakyan. So ang siste ay parang naging talyar na rin siya.
Speaker 1Doon ako nagtago.
Speaker 2Tamang siksik pa ako sa limang patong na gulong na nakadikit sa puno ng bayabas. Habang tinatanaw-tanaw ko kung saan na nagahanap yung taya. Nag-indian-sit ako sa pinagtataguan ko dahil kumpiyansa na ako na hindi niya ako makikita. Sa may bandang bakod ng likurang bakuran, may natanaw akong kung ano. Napatitig ako doon at ganoon na lang ang takot ko. Nang mabuo sa paningin ko ang imahe ng isang matandang
Speaker 2lalaki na nakalutang.
Speaker 1Sa tabi ng puno ng saging.
Speaker 2Lubog ang mga mata nito na halos hindi ko na nga makita. Kulay-abore ng balat niya na maduming-madumi. Sa takot ay wala na akong pakialam nun kung ako pa ang maunang mahuli ng taya. Tumakbo na ako palabas dun sa pinagtataguan ko. Sabay pasok sa bahay namin. Pangalawang pangyayari. Nangyari naman to sa kaparehong taon. Ang bahay ni Lolo ay
Speaker 2masasabi kong bahay ng isang sagradong katoliko. Dahil pagpasok mo palang sa pinto, ay bubungad na sayo yung altar na nasa tabi rin ng pinto. May tatlong malalaking santo ang nakalagay doon. na nasa tatlot kalahating talampakan ng taas. Ang nasa gitna ay yung puong Nazareno. Yung nasa kananaman niya, ay yung Berheng Maria ng Fatima. At yung nasa kaliwa naman ito, ay ang ina ng Hapis. Tapos meron pang
Speaker 2dalawang maliliit. Ang isa ay Santo Nino. Ang isa naman, ay ina ng Laging Saklolo. Katoliko ako, pero takot ako sa mga puon. Hindi ko alam kung bakit, basta may parte sa akin na hindi ako komportable kapag nakakakita ako ng puon. At lumala pa nga ang takot ko dito dahil sa isang pangyayari. Isang gabi noon, naalimpungatan ako dahil
Speaker 2sa ingay sa sala. Pasado alas dos na ng madaling araw noon. Nakarinig ako na parang may kumakatok mula sa ibaba ng sala. Hindi ko mawari nung una kung ano ba yung kumakatok na yun. O parang humahakbang. Kasi tunog katok siya sa kahoy. Pero ang bawat tiyempo ng tunog na yun, e para namang hakbang sa kahoy. Napatitig ako sa kwalan. Pinakinggan ko yun ng mabuti. Nakiramdam ako sa
Speaker 2kung anong mangyayari. At positibo nga ako na hakbang nga yung nadidinig ko. Dahil umaabante yung tunog nun at narinig kong umaakyat ito ng hagdan. Doon pa lang ay katakot-takot na ang kilabot ko dahil wala nang gising ng ganoong oras sa loob ng bahay. Strikto kasi si Lolo sa pagpapatulog sa aming lahat. Ilang sandali ay tumigil yung pagakbang.
Speaker 2Doon ako nagkaroon kahit papaano ng lakas ng loob na lumabas ng kwarto.
Speaker 1Sumilip ako. Magsilip ko.
Speaker 2Napadako ang tingin ko sa landing ng hagdan. At doon ay nakita kong nakatayo ang puong birhen ng Fatima. Talagang nandilat ang mga mata ko noon. Dahil sino ba namang tanga din ang maniniwala na may isang puon ang naglalakad pataas ng hagdan.
Speaker 1At hindi rin naman ako tanga.
Speaker 2Para isipin na may siraulong mag-aakyat ng mabigat na puon doon sa hagdan ng ganoong oras para lang manakot. Pero halos atakihin ako sa puso nang mapagmasdan kong unti-unting pumipihit ang puon paharap sa direksyon ko. Pagkatapos ay marahan itong ngumiti. Wala kong kahit kaunting antok nun. Hindi rin naman ako nag-aadik Kaya malinaw na malinaw sa paningin ko yung nakikita
Speaker 2ko nun. Agad kong isinara yung pinto ng padabog. Inalak ko yun, sabay takbo sa kama at nagtalokbong ng kumot. Hanggang sa nakatulugan ko na lang din yung takot ko. Pangatlo, high school ako nang mangyari ito. Nasa sala ko nun at nakaupo sa sofa. Gumagawa ng tambak na homework. Ang
Speaker 2kasama ko lang eh si tita ko. Kasi si lolo umalis nung time na yon. Tapos yung pinsan ko eh nasa school pa. Nasa kilagitnaan ako ng paggawa ng assignment sa Filipino nang marinig kong parang may kumakatok sa screen ng TV. Siguro naman alam nating lahat ang tunog ng lumang screen ng TV kapag kinatok. Or maybe not all of them, especially the young people who now have a big flat screen TV. So yeah, I looked at it.
Speaker 2Of course, the reflection of everyone there is different. My reflection is different too. But I can see that there is also a reflection on the TV of a big person sitting next to me and looking in the direction of the TV. Talagang nagtayo ang lahat ng balahibo ko ng mga sandaling yun. Lumingon ako sa gawi kung saan ko nakita yung refleksyon na nakaupo. Pero nang yumuko ako sa tabi ko, ay nakita kong may bakas talaga sa
Speaker 2sofa na may nakaupo talaga doon sa tabi ko na isang malaking tao. Pangapat, high school pa rin. Bumisita yung pinsan ko kasama ang dalawang taon niyang anak doon sa amin sa bahay ni Lolo. Doon daw muna sila magsistay ng isang linggo dahil medyo hindi maganda ang timpla nilang mag-asawa sa isa't isa. Ang batang dalawang taong gulang na
Speaker 2si Mikoy, pamangkin ko, ay tahimik lang pero sociable naman. Kapag nakapalagay ang loob na niya, eh kinakausap niya talaga. Hanggang sa mapansin ko na lang na kahit hindi tao, He was talking to me.
Speaker 1It was their second day at my grandfather's house.
Speaker 2That afternoon, I was eating bread while Mikoy was watching him play his.
Speaker 1Toys. I noticed that Mikoy was so happy.
Speaker 2He was so excited that it felt like he was playing a game.
Speaker 1But it felt.
Speaker 2Like Mikoy was becoming aggressive. Napansin ko na parabang tinatago niya na sa likod niya yung laruan niya at biglang parang may hahablot nito mula sa gilid niya dahil bigla na lang itong titilapon palayo. Hindi na ako mapalagay nun kaya nilapitan ko na siya at ako na ang nakipaglaro sa kanya. Pero noong umupo ako sa harap niya eh
Speaker 2nahalata ko na parang bigla siyang tinamad maglaro.
Speaker 1Tinanong ko siya nun. Sabi ko bakit siya malungkot.
Speaker 2At natigal-gal ako sa sagot niya sa akin. Sabi niya sa otal-otal niyang pagbigkas, ay kukunin daw siya nung batang itim kapag hindi daw siya nakipaglaro dito. Kinabahan ako nun. Agad ko na siyang binuhat palabas ng bahay. Sabay tanong sa kanya kung kailan pa niya naging kalaro yung sinasabi niya na batang itim. Sagot ni Mikoy, Simula pa daw nung pagpunta nila doon. Sinabi ko yun sa pinsan ko agad.
Speaker 2At ang sabi niya lang, eh nakakakita daw talaga si Mikoy. Pero ito daw yung unang beses na may nakipaglaro sa kanya. Inobserbahan namin si Mikoy. Sinabi din namin kay Lolo yung kinagabihan. At ang sabi ni Lolo, dalhin namin sa kakilala niyang albularyo. At night, I was surprised by the knock on the door. When I opened the door, I saw my cousin crying.
Speaker 2Mikoy was gone. I was surprised when I came out of the room. We woke up our cousins and grandpa. We told them what happened and told them to look for the kid. We searched the whole.
Speaker 1House that night.
Speaker 2Pero walang mikoy kaming nakita. Pero nung lumabas kami, nakita namin siya sa kabilang bakuran. Nakatayo sa harap ng puno ng aratilis. Humahagik-gik. Nilapitan siya ng nanay niya. Binuhat pa uwi sa bahay. Tinanong namin siya kung bakit siya nandoon at kung gaano na siyang katagal na nandoon sa labas. Ang sabi niya lang sa pautal-utal na salita. ay kanina
Speaker 2pa raw. Kasi kinakalabit daw siya ng kalaro niya. Inaaya siya nito sa bahay nila. At kapag daw hindi siya sumama, ay kakainin daw siya nito. Naiyak na ang pinsan ko dahil sa takot. Kahit ako, eh nabahag na din ang buntot sa sinabi ni Mikoy. Kinabukasan din nun, ay dinala namin siya sa albularyo. At ang sabi nito sa amin,
Speaker 2was fascinated by Mikoy's black hair. And he wanted to be with them because he was so cute. He was happy even when he was quiet. Mikoy was cursed by the albulary. Then we were forced to do things.
Speaker 1When we.
Speaker 2Got home, we prayed in front of the tree of Aratilis. We also prayed for two pots of food as.
Speaker 1A peace offering.
Speaker 2At matapos noon, syempre pa, eh hindi na tumagal ng isang linggo ang pananatili na lepinsan sa takot na baka nga matuluyang makuha ang pamangkin kong si Mikoy. At ayan po ang kwento ng boardmate naming si KM. Hanggang dito na lang mga kay Rara at mga kapatid.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...