π Follow the podcast for more Filipino horror tales every week.
π¬ Share your own creepy experiences in the comments or message us - baka ikaw rin ay may multo jan sa tabi mo.
π Donβt forget to rate this episode and check out our other stories for more chills.
Youtube: Nginig Stories
Audio and video play straight from the show's own hosting. PodSubs stores and serves no media.
Transcript
From the show. Tap a time to play from there.
Speaker 1Hello mga kirara. It's me again, 8. Sorry if napaka-random ko. Parang ito na lang din kasi yung naging safe place ko para mapagkwentohan ng mga naaalala kong kwento mula sa mga magulang ko o sa mga karanasan kong kababalaghan. Itong unang kwento ay kwento lang sa akin ng mama ko. Nangyari daw to noong dalaga pa siya. Noon daw, siya ang laging naglilinis sa sala nila. Ito yung bahay namin
Speaker 1sa San Juan, kung saan magkakasamang naninirahan doon si Mama at ang mga pamilya ng kapatid niya. Malaki yung bahay kung susumahin. Meron itong anim na kwarto, pero wala itong second floor. Kumbaga eh, bungalo lang. Tanghali raw noon, Boskira. Tulog ang mga pamangkin ni Mama. Nahimik ang paligid. Kaya naman naisipan niyang maglinis na muna. Naglampaso siya mula sa sala hanggang sa kusina nila. Pati na rin sa banyo
Speaker 1naglinis siya. Dalawa ang inidoro ng banyo nila. Bukod din ang paliguan nun. Ganun po yung itsura ng bahay namin sa San Juan. Pagdating mo sa kusina, ay may dadaanan ka munang maiksing hallway bago ka makarating sa CR.
Speaker 2So nagsimula na si Mama.
Speaker 1Pero nagtataka raw siya kasi eh. May mga yapak ng maliliit na paas sa sahig. Sinunda niya yun at patunguro ito sa kwarto ni Tito. Pinuntahan niya yung kwarto ng mga pamangkin niyang natutulog. Isa-isa niyang sinukat ang mga paan ng mga ito. Gusto niyang hulihin kung sino yung pasaway na ayaw matulog. Kasi buskira dun sa kwarto ng Tito ko, andoon yung mga video games at mga laruan na The Controller. Taso,
Speaker 1Wala raw kasukat sa mga pamangkin niya yung bakas ng yapak ng paana na nakita niya. Dahan-dahang bumalik si Mama sa pintuan ng kwarto ni Tito. Bahagya niya itong binuksan at laking gulat daw ni Mama nang makita niya ang dalawang maliliit na duwente na nanunood ng video games. Nakasombrero raw ito at talagang maliliit daw yung mga paa. Napatakbo daw nun si Mama sa sala Naglagay daw siya noon
Speaker 1ng itlog at pera. Natakot daw siya na nagambala niya yung dalawa sa ginawa nito. Pero pagkatapos naman daw noon, eh payapa naman daw. Ito naman ay kwento pa rin ni Mama. Nangyari daw ito sa probinsya namin. Naligo daw si Mama noon sa ilog. May dala siyang tabo. At habang naliligo, eh ginagawa niya paraw itong mic at nagkakakanta.
Speaker 1Nung bigla daw siyang may masulipan na isang lalaki. Long hair daw yung lalaki na yun at mahaba daw yung tenga. Yung tenga daw nito, eh parang pangkabayo. At sa curiosidad daw ni mama, umakit pa siya sa puno na pinagtatambayan niya para alamin kung ano ba yung.
Speaker 2Nakita niya na yun.
Speaker 1Ang katawan daw nung lalaking mahaba ang buhok boskira ay katawan ng pangkabayo. Grabe daw po ang takot nun ni mama. Mabilis na siyang bumaba ng puno. Pero napansin niya na tumungo ang tingin nito sa direksyon niya. Pumikit na lang daw po nun si mama. Kasi hindi na raw siya nakagalaw sa takot noong makita niya na nakatingin sa kanya yung lalaking tikbalang. Pag dilat na upo niya ay wala
Speaker 1na ito. Kaya naman agad na siyang naglakad palayo sa ilog. Nakalimutan niya na nun ang magbihis. Basta ang nasa isip niya na lang eh ang makauwi na. Simula nun sir Kira, hindi na raw talaga naligo si mama sa ilog nang walang kasama.
Speaker 2Itong pangatlong kwento naman.
Speaker 1Ay patungkol ulit kay mama nung bata pa siya Lima po silang magkakapatid Sir Kira Namatay ang isa Si Tito Mario Kaya naman po yung tatlong natitirang kapatid niya.
Speaker 2Na lang Ang nagiging kalaro niya noon.
Speaker 1Isang gabi raw po ay nagtagotagoan silang magkakapatid Nagtago raw po si mama sa likod ng puno ng mangga Umaki at pangaraw siya para siguradong hindi siya matataya Kaso nakalipas na raw ang ilang oras eh talagang wala pang nakakahanap sa kanya. Sobrang inip na inip na raw nun si mama, kaya naman nag-decide siya na bumaba na lang at umuwi na. Nang bigla raw pong may humarang sa kanya, isang matandang babae daw po.
Speaker 2Normal naman daw po ang itsura nito.
Speaker 1Kinumusta pa siya at tinanong kung ano daw ang ginagawa niya doon. Gabi na raw, dapat daw ay nasa bahay na siya ng ganoong oras. Sabi pa raw nung matandang babae. So sinabi nga ni mama na naglalaro sila ng tagu-taguan ng mga kapatid niya. Pero hindi nga siya nahanap. At baka raw umuwi na yung mga kapatid niya at naiwan na siya. Kaya uuwi na lang din daw siya. Bigla daw pong tumalim yung tingin sa kanya nung matanda. Tapos
Speaker 1muli itong nagsalita. Masamang maglaro ng tagu-taguan sa gabi. Baka may magambala kayong hindi nyo nakikita. Paano ka uuwi nyan? Gusto mo bang sumama muna sa akin? Alok daw nung matandang babae sa kanya. Hindi daw po malaman ni mama kung paano. Pero parang sasama nga daw po siya doon sa matanda. Pero laking gulat daw po ni mama nung
Speaker 1pumasok yung matanda sa puno ng mangga. Natakot daw po siya nun, kaya tatakbo na daw po sana siya. Ang kaso, para daw pong may sariling desisyon yung katawan niya. At sa halip na tumakbo palayo, ay parang hinatakpa raw siya nito patungo sa loob ng puno. Sobrang weird nga daw Sir Kira, kasi pagpasok daw nila doon, lahat daw ng bagay ay gumagalaw at nakalutang lang. Meron daw mga taong
Speaker 1maliliit doon sa loob at ang gagara daw ng mga itsura. May mga taong tipaklong, may tikbalang pangaraw. At kung iisipin daw talaga, ay para lang daw po siyang nasa isang panaginip. Sa pakiramdam daw po ni Mama nung mga oras na yon, ay para bang hindi daw po sa kanya yung katawan niya. Wala daw siyang balanse at parang hindi siya makapag-desisyon sa mga bagay-bagay. Pinilit din daw siya nun na kumain ng
Speaker 1itim na kanin. Pagkatapos daw nun, e parang bigla na lang daw siyang nawala ng malay. Hindi niya na alam kung anong sumunod na mga nangyari. Ang tanging naaalala na lang daw ni Mama, ay pinagtatawanan siya nung mga nilalang na nasa loob ng puno. At pagkagising daw po ni Mama Sarkira, nasa bahay na daw po siya. At ang sabi sa kanya ng mga kapatid niya ay nawala daw po siya ng tatlong araw. Mula raw po nung gabi
Speaker 1na magtagu-taguan sila ay hindi na raw po siya nakita. Nagkalat po yung missing posters niya nun sa barangay. Tinanong daw ni mama yung mga kapatid niya kung saan siya nakita ng mga ito. At ang sabi ay sa tapat daw ng puno ng mangga.
Speaker 2Nakahiga daw siya doon at tulog na tulog.
Speaker 1At ang kwento pa nila, nung maiuwi daw siya sa bahay, ay dalawang araw pa ang lumipas bago siya tuluyang nagising.
Speaker 2Bale parang limang araw daw.
Speaker 1Siyang nawala nun, tatlong araw na missing, at dalawang araw na hindi gumising. At doon nga nagsimulang magkwento si mama ng patungkol sa nangyari sa kanya, na merong isang matandang babae ang dinala siya at pumasok sila sa loob ng puno Pilit siyang pinakain ng itim na kanin. At pagkatapos daw noon ay wala na siyang kaalam-alam sa mga sumunod na nangyari sa kanya. Kaya po simula daw talaga noon,
Speaker 1tuwing sasapit ang alasais ng hapon, eh nasa loob na silang lahat ng bahay. Ang sabi pangaraw ng albularyo kay mama, eh mukhang nakatuwaan daw siya.
Speaker 2Nilaro at tinuruan daw siya ng leksyon.
Speaker 1Ng mga nilalang na maaaring nagambala ni Mama sa puno ng mangga na yon. Ang itim na kanin daw ay mahika o sumpa. Isa sa dahilan kung bakit hindi agad nakagising si Mama mula sa pagkakatulog nito. Mabuting araw po at ibinalik pa siya pagkatapos niyang magambala ang mga ito. Ito naman po ay kwento mula sa bahay sa Luisa.
Speaker 1Karanasan ko naman po ito. May puno rin kami.
Speaker 2Ng mangga roon.
Speaker 1Ngunit ni minsan, eh hindi ito namunga. Ang usap-usapan ng mga tao dito, eh maaaring nagdadamot daw ito ng bunga. Nung bata pa ako, eh mahilig ako mag-swimming sa likod namin. Naglalatag lang ako ng isang malaking batsya. Tapos ay pupunoyin ko yun ng tubig. At doon na ako maglulublob. Noon, e alagang-alaga ng aking ama na si Patong ang aking kutis.
Speaker 1Pinapanatili niya itong makinis at maputi. Tuwing naliligo ako, kilig kong batuhan o sabuyan ng tubig yung puno ng mangga na yon. Parang paraan ko yon ng pagdidilig dito. Ngunit hindi ko lubos akalain na makakagambala ako sa ganoong gawain ko, Sir Kira. Nung isang beses na nag-swimming ulit ako sa batsya sa likod ng bahay namin, kinagabihan nun, e nilagnat ako ng sobrang taas. Muntik-muntikan pa akong magkumbulsyon nun. Talagang
Speaker 1hindi daw bumababa yung lagnat ko. Hindi ugali ni Mama Mitch na dalhin kami sa ospital kapag may mga ganon. Dahil para sa kanya, e parang mas napapalala pa raw sa ospital yung simpleng sakit lang naman. Hanggang sa ipinatawas na ako ni Mama, At lumabas doon sa tawas, ang isang malaking tao na nasa puno. Ang galing sir Kira kasi, talagang korteng tao at puno yung nabuo doon sa kandila.
Speaker 1Ayon sa pinagdalahan sa akin ni Mama, eh nakagambalang araw ako. Ang payo ng albularyo sa kanila, eh maglagay kami ng itlog at tatlong sigarilyo, at manghingiraw ako ng sorry sa puno. Dagdag pa nung albularyo, na natipuhan daw ako nung nila lang sa kadahilan ng maganda raw ang kutis ko. Pagkatapos ng buong araw na yon, eh bumaba na ang lagnat ko. Naging masiglang bata na ulit ako. Ngunit hindi pa roon
Speaker 1natatapos ang kwento ng kapre doon sa puno ng mangga na yon.
Speaker 2Muli itong nagparamdam, pero kay Papa Tong naman.
Speaker 1Ang ugali kasi ni Papa Tong e mag-cellphone at mag-yosey sa banyo habang naglalabas ng sama ng loob. Yung banyo kasi namin doon e merong maliit na bintana na singawan.
Speaker 2So nag-yosey nga nun si Papa tong sa banyo.
Speaker 1Nung may mapansin daw siya na may refleksyon ng malaking baga sa salami ng bintana at masyado raw mataas.
Speaker 2Yung usok nun. Nagtaka nun si Papa kung saan ang gagaling yun.
Speaker 1Kaya ang ginawa niya Humipak muna siya ulit sa yosi niya at saka ibinuga yung usok.
Speaker 2Pero iba raw talaga Sir Kira.
Speaker 1Hindi talaga sa kanya nagmumula yung mataas na usok na yon. Kaya naman pinagmasdan niya yon ng maigi. Hanggang sa nakita niya raw ang isang malaking daliri na pinag-iipitan ng yosi na yon. Nakita pa raw niya yung refleksyon ng mata nitong kulay pula na animoy nakatitig daw sa kanya. Mabilis na rupong tumayo si Papa tong nun sa inidoro at wala nang hugas-hugas na umakyat sa itaas. Ikinuwento niya yun
Speaker 1kay Mama sa takot na baka pati siya ay nakagambala na rin sa malaking tao na yun at siya naman ang magkasakit. Kaya kinabukasan ulit noon ay naglagay ulit sila ng itlog at yosi. Nakaugalian na rin namin na diligan nito ng tama. At maglagay sa kanya ng mga pagkain o tubig, yosi, itlog, lalo na kapag nakaluwag-luwag naman kami. Dumarating din sa punto na sa kainitan ng panahon, kapag
Speaker 1hindi siya nadidiligan, e may kumakatok sa likod ng pintu namin. Pahiwatig na yun na naiinitan siya at ine-expect na namin na siya talaga yun. Kasi nung mga una, minsan namin yung napagbuksan. Pero wala namang tao at imposible namang may makapasok sa likuran namin dahil meron kaming alagang malaking aso dun na ang pangalan eh Pogi. Kaya malabang may magtangka na magtrip sa amin sa oras ng katanghalian. Kaya talagang
Speaker 1alam namin na siya talaga yun. Ito namang kwentong ito Sir Kira. I talked to the person in our place, who was caught by Mama. At the back of our house, there was a tree of balete with a man in it. At first, it was just a neighbor who told this story. It was Ate Rose, the biggest cheesemonger in our place.
Speaker 1She saw this when she was buying eggs at the back. It was right next to the river, Sir Kira. As in squatters area if you call it that. Sabi ni Hati Rose, nakita niya raw ito na tumatakbo. Nung una akala niya nakakostyom lang daw. Pero nung muli niya daw makita, ay tumatalon daw ito ng mataas at papasok daw ito sa loob.
Speaker 2Ng puno ng balete. Walang naniniwala sa kanya nun.
Speaker 1Hanggang sa may isang adik sa amin ang nakapagkwento na rin ito.
Speaker 2Si Tatay Teting.
Speaker 1Na meron daw siyang nakitang taong tipaklong na nagpapahinga sa puno ng balete. Lasing at nakahits daw siya noong mga oras na yon. Umiihi siya sa gilid malapit sa may puno ng balete noong makita niya raw yung taong tipaklong na yon. Hindi pa rin kami naniwala nun. Siyempre, hadik eh. At saka isang chismosa lang yung nagkukwento. Hanggang sa lumipas pa ang ilang linggo, Yung pinakamayaman sa street na namin
Speaker 1ang nagkwento. Si Kuya Edgar. Napansin niya rin daw yun na naglalaro at mataas ang talon. At kapag may tao raw, eh pumapasok na ito sa puno. Kung minsan pa eh, ilalabas pa ulit ang ulo at lilingon-lingon pa ito kung may naglalakad pa ba sa labas. Curious na curious noon si Mama Mitch. Hanggang sa yung pangatlong kapitbahay na namin, ay nagkwento na rin. Ngayon ay sinubukan na ni Mama
Speaker 1Mitch na siya naman ang dumaan sa may likurang bahay namin. Hindi po kasi kami dumaraan doon, lalot pag 6pm na. Kasi madilim na at madulas. At talagang nakakatakot kasi marami ring aso. So yun nga, naglakas loob si Mama, lumabas at bumili rin siya ng ganoong oras.
Speaker 2Kasama niya yung kuya ko.
Speaker 1At walang duda nga raw Sir Kira. Nakita nila itong pareho. Napatakbo silang pauwi nun. Na siya namang naging dahilan ng disgrasya ng kuya ko. Nakagat siya ng asong bagong panak pa lang nun. Dahil sa pagtakbo nila ni mama. Hinabol sila nito. At si kuya nga ang naabutan. Gulat na gulat din daw yung taong tipaklong na yun. At mabilis daw itong pumasok sa puno. It became a big issue
Speaker 1in our barangay, Sir Kira. It was even announced in the barangay then. After a few months, we had no news. Because Mama and Kuya didn't buy again in the store at the back of the house.
Speaker 2They decided to buy in a distant store.
Speaker 1And my brother also injected anti-rabies.
Speaker 2This is it, Sir Kira.
Speaker 1Pipilitin ko po na pigain si Mama patungkol sa mga kababalaghan na naranasan niya o naming buong pamilya para po may maibahagi ulit ako sa inyo.
Speaker 2Maraming salamat po.
Speaker 1Magandang araw sa iyo, Boskira, at sa lahat ng mga tagapakinig Salamat nga pala sa pagbasa ng aking kwento. Ito nga po pala ulit si Daisy, yung nagsend ng kwento na may title na Paramdam ni Lola, under nung bahay sa Marikina. Sinubukan ko lang namang magsulat ng kwento nun, at ayun nga't nabasa ninyo, kaya natuwa talaga ako. Madami pa talaga akong ikukwento kung sakali, medyo nahihiya lang ako, dahil hindi ako ganun kagaling magkwento. Bale, dalawa itong kwento
Speaker 1ko ngayon, Boskira. Ang unang kwento ko eh part 2 nung unang kong kwento. Last November ko isinulat yung unang kwento ko. Tapos December eh, umuwi kami sa probinsya kasama ang kapatid kong galing abroad kasama naman yung girlfriend niyang foreigner pati na yung boyfriend ko. Bale, ang nangyari balak naming mag-ikot sa Bicol para maipasyal yung girlfriend ng kapatid ko Para makita niya yung ganda ng karagatan at ganda
Speaker 1ng Bicol. Lalo na yung Bulcang Mayon. Hindi ko pala nasabi Sir Kira. Yung probinsya namin e isang isla at liblib na lugar ng Bicol.
Speaker 2So yun na nga.
Speaker 1Unang gabi namin sa probinsya at nasa isla na kami. Balak namin isang gabi lang kami sa isla. Dahil kinabukasan e babiyahin na ulit kami para mamasyal. Tanghali na kaming nakarating nun sa isla Namasyal, naglakad-lakad sa tabing dagat Pumunta sa mga kamag-anakan namin para mga musta at makita sila Dumating ang hapon Oras na para mag-prepare ng hapunan Dahil wala din namang tao dun sa bahay ng lola ko
Speaker 1At yung lolo naman namin Eh hindi na makakilos ng maayos Dahil mahina na rin yun Kaya kami na ang nagluto at nagayos ng hapunan namin Pagkatapos naming kumain, ako din yung toka sa paghuhugas ng plato. Yung lababo na pinagugasan ko ay may tapat na bintana doon. Kaya tanaw mo yung labas na matilim. Dinig ko rin yung malamig na hangin na umiihip. Yung mga puno na medyo nagliliwanag dahil sa liwanag ng buwan. So habang naghuhugas ako ng
Speaker 1mga plato, may nakita akong babaeng nakatayo sa labas.
Speaker 2Maikli lang yung buhok niya. Naka-short at nakatalikod lang siya.
Speaker 1Tinitigan ko siya ng maayos at matagal kasi sabi ko bakit hindi siya gumagalaw at nakatayo lang. Kinakabahan na ako nito at parang nagfifreeze na rin yung katawan ko kasi nakakatakot yung ginagawa ng babae kahit wala naman talaga siyang ginagawa. Hindi kasi siya gumagalaw talaga as in steady lang siyang nakatayo.
Speaker 2Naisip ko na walang maikling buhok sa amin.
Speaker 1Kahit yung tita ko na kapitbahe lang nun ang bahay ni Lola, eh mahaba.
Speaker 2Din yung buhok nun.
Speaker 1Biglang pumasok sa isip ko na Lola ko lang nun yung nagpapaiksi ng buhok na hanggang sa balikat. Nagdahan-dahan ako ng lakad nun dahil hindi ko pa maigalaw nung maayos yung katawan ko sa kaba. Pinuntahan ko yung boyfriend ko at nagpasama sa kusina. Pero pagbalik ko, Wala na yung babaeng nakatayo sa labas. Kaya naisip ko talaga agad na si Lola yun na nagpakita sa akin. Ito naman po
Speaker 1boskira yung ikalawang kwento ko. About to sa naranasan ko sa bahay namin at sa kwento ng nanay ko. Feel ko kasi connected sila. Itong kwento ko e kasagsagan ng K-drama noon sa GMA, tuwing 10pm. Tanda ko, M-Presky yung pinapanood namin noon ng kapatid ko. Sinusubay ba yan talaga namin to? Dahil maganda talaga siya. Mga bata pa kami noon. Siguro mga LM kami nung pinalabas yun. So nasa sala kami, nanunood.
Speaker 1Yung mga magulang naman namin, e maagang nakatulog noon sa kwarto. Ayaw talaga nilang nanunood noon. Dahil anong oras na rin kasi ipinapalabas at may pasok pa nga. So habang nanonood kami nito, eto namang kapatid ko nakatulog sa sofa.
Speaker 2So ako na lang yung natirang nanonood.
Speaker 1Napansin ko sa may bintana namin sa sala na may malaking anino na pabalik-balik. Nagtataka ko nun panong magkaka-anino eh malayo yung gate namin sa bintana ng sala. Nilapitan ko yun at binuksan ko yung bintana Pero wala naman akong nakitang tao sa labas. Ginising ko yung kapatid ko kasi natakot ako nun. At saka nanonood pa nga kami dapat. Pero ang hirap niyang gisingin. Tinignan ko ulit yung bintana.
Speaker 1May anino talaga ng lalaki dun. Yung anino, half body lang siya. Nilakasan ko ang loob ko at binuksan ko ulit yung bintana. Sumilip ako sa labas. Pero wala pa rin akong nakitang tao doon. Dito na ako nag-decide na itigil na yung pinapanood namin at pumasok na sa kwarto para matulog. Yung kwento naman ng nanay ko, Boskira, e about sa tito niyang seaman. Bigla kasi siyang nagkwento nun.
Speaker 1So na-open niya lang to sa akin. Pumunta daw siya nun sa Baguio para magtrabaho sa karinderiya ng tita niya. He said there were two houses of his aunt in Baguio. They said they didn't sleep in one house. They said before 6 p.m., there should be no one there. And they started doing that since his.
Speaker 2Uncle, Simon, died.
Speaker 1He said he died because of the anger of his companions on the ship.
Speaker 2His rank is high.
Speaker 1He said he fell into the sea of his companions. At hindi na raw nakita pa. At mula daw noon, ay may mga pagpapakita na daw sa.
Speaker 2Bahay na yon.
Speaker 1Kaya ayaw na raw nilang natutulog doon. Lagi daw may mga anino ng lalaki doon sa bahay. Makikita itong padaan-daan sa bintana, sa pader. Nung time na ikinuwento to sa akin ni mama, eh hindi ko pa rin na ikukwento sa kanya nun yung na-experience ko nung gabi. Yung nakita kong malaking anino sa bintana na pabalik-balik. Natatakot din kasi ako nun. Merong nakalipas ang ilang buwan, Boskira. Merong mga
Speaker 1katutubo na nagiikot nun. Nagbebenta ng mga bracelet na may langis at iba-iba yung kulay. May lumapit sa nanay ko para mag-alok ng bracelet. At nagulat daw siya sa sinabi ng katutubo. May anino daw na nila lang. na hindi taga sa amin, pero lagi daw bumibisita sa bahay namin. Talagang nagulat si Mama nun. Kasi syempre, eh wala naman siyang naikukwento rito. Paano nila alam? Tuloy eh, napabilis si
Speaker 1Mama ng bracelet. Dito na po natatapos yung kwento, Boskira. Sana po mabasa niyo ulit itong kwento ko. Isasulat ko ulit yung iba kong experience at mga kwento.
Speaker 2Kapag hindi na po ulit, busy.
Speaker 1Kayo na pong bahalang mag-ayos ng sulat ko. Maraming salamat po and God bless po sa lahat ng nakikinig.
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...
Thank you for listening to my podcast. Visit Nginig Stories on youtube for more True Tagalog Horror Stories. Share your Creepy experiences too. Direct message me at: nginigstories.official@gmail.com Follow me on:...